Ruru Madrid and Barbie Forteza: Love is Sweeter than Desserts!

Barbie-Forteza-Ruru-MadridRURU MADRID
Real Name: Jose Ezekiel Madrid
Birthdate: December 4, 1997
Zodiac Sign: Sagittarius

BARBIE FORTEZA
Real Name: Barbara Ambes Forteza
Birthdate: July 31, 1997
Zodiac Sign: Leo

MARAMING PALABAS na ng kalaban ang pinataob ng ‘The Half Sisters’ ng GMA Afternoon Prime. Ito ay pinagbibidahan nina Thea Tolentino at Barbie Forteza, na hanggang ngayo’y ayaw tapusin ng Siyete dahil sa kaaya-ayang ratings.

At dahil halos dalawang taon na sa ere ang programa, naka-tatlong love team na rin ang Tween Queen na si Barbie Forteza. First ay si Derrick Monasterio na honestly ay walang chemistry. Okay rin naman ang tambalan sana nila ni Andre Paras dahil parehong makulit, pero super tangkad naman na tipong awkward kapag may pabebe scenes. This time, si Ruru Madrid naman ang ka-loveteam niya.

In all honesty, mas bet namin ang Ruru-Barbie tandem simula nang lumabas sila for a short time sa Mariposa. Saktong-sakto ang timpla – parehong good-looking at magaling umarte!

Now that we seem to find the ‘perfect’ teen tandem, sa totoong buhay kaya ay maging tama rin ang ingredients for a romantic relationship?

Bonggang romansahan ang maaasahan sa pagsasama ng Sagittarius at Leo. Level-up sa energy ang tambalang ito! Ang natural na pagiging pilyo ng Sagittarius ay mas mag-eenganyo sa Leo na ilabas ang kanyang ‘wild’ side. May mga pagkakataon nga lang na hindi masyadong siniseryoso ng Archer ang feelings ng Leon, na maaaring mag-ugat ng hindi pagkaka-unawaan.

Loyalty? Major issue din ‘yan! Kapag nagmahal kasi ang Leo, ibinibigay nito ang lahat at masisiguro ng kasintahan na devoted ito talaga at hindi na maghahanap pa ng iba. Ang Sagittarius naman ay natural na ang pagiging malandi at hindi nito mapigilang tumingin sa iba pang magagandang dilag. Pareho silang may positive outlook sa buhay at mas lalo nitong patitibayin ang kanilang relasyon. Gusto ng Sagittarius na mamuhay nang malaya, na puwedeng pag-ugatan ng selos sa parte ng Leo. Maliban sa mga bagay na nabanggit, mukhang keri naman ang tambalang ito!

Maaakit ang Sagittarius at Leo sa isa’t isa dahil sa kanilang swak na personalities. Pareho silang passionate sa mga bagay na interesado sila at gusto nila na forever happy ang mga taong nakapaligid sa kanila. Tsek na tsek din pagdating sa sexual romance ang dalawa. May mga konting pagseselosan at tampuhan along the way, pero agad naman nila itong malalampasan. In short, pasok sa banga!

Mukhang may future nga talaga sa love department sina Ruru at Barbie, ha? Why not give it a try? Tutal, papalapit na ang Pasko. Malamig ang simoy ng hangin at mas masarap kung may kapiling!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.