Ruffy Biazon, Itinangging Nagbitiw sa BOC

ITINANGGI MISMO ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang balitang nagbitiw na siya sa nasabing ahensya.

Ayon sa kanyang opisyal na Twitter account, sinabi ng commissioner na nasa Brussels, Belgium siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa pagpupulong ng World Customs Organization.

Hinala niya, kagagawan ng ilang opisyal na tatamaan ng ipatutupad na balasahan sa BOC ang kumakalat na tsismis.

“This latest operation against me comes after my recent crackdown on haoshiao operating in BOC and the talked about reshuffle of personnel.”

Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga kasapi ng media na hiningan muna siya ng pahayag bago ibalita ang nabanggit na isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.