Ruffa on Anabelle Rama’s commission as talent manager

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

NAPANOOD NA LAST Monday sa Showbiz News Ngayon o SNN ang bahagyang kuwento ni Pops Fernandez sa one-on-one interview niya kay Boy Abunda kung paano sila nagligawan ni Jomari Yllana at kung anu-ano ang mga pangarap nila sa buhay at kung ano ang mga natutunan niya sa aktor.

Na-interview rin ang ex-husband ni Pops na si Martin Nievera na nagsilbing shoulder to cry on ngayon ng singer/actress dahil sa hiwalayan nila ni Jomari na ikina-shock ng lahat dahil pagkalipas nang tatlong taong pagsasama, mauuwi lang pala sa wala ang relasyon.

Inamin ni Martin na hurting siya dahil nasasaktan ang pamilya niya, lalo na si Pops na sinabi pa nga niya sa Missing You concert nila na, “I trust Jomari with your life” kaya ngayong naghiwalay na, sinabi ng singer na ayaw na niyang maka-trabaho pa ang aktor cum producer.

Habang tinitipa namin ang kolum na ito, may nag-text sa amin (ipinalabas na kagabi ang 2nd part ng interview ni Pops sa SNN) na supposedly ay sina Martin at Pops lang ang producer sa nakaraang Missing You concert nila, pero nakiusap daw ang singer/actress na isama si Jomari na sinang-ayunan naman ni Martin.

Ayon pa sa text message sa amin, “nanghiram daw ng P500,000 si Jomari at hindi pa raw binabayaran at bukod dito ay hindi rin daw ibinigay pa ang talent fee ni Pops. Sinisingil na raw ni Pops si Jomari, pero ayaw daw makipag-usap. Ito ‘yung sinabi ni Martin sa text message niya kay Jom na sagutin si Pops.

“Ang masakit ay si Jomari ang nakipaghiwalay kay Pops kaya masamang-masama ang loob ni Pops.”

Samantala, nu’ng makausap naman ng katotong Rey Pumaloy si Jomari bago humarap si Pops sa SNN, wala siyang inaming pera ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend niyang singer/actress at hindi raw mangyayari iyon.

As of now, hindi mahagilap si Jomari dahil bisi-bisihan siya sa taping niya sa seryeng Zorro sa Bataan.

Sana for once and for all, magsalita na si Jomari tungkol sa diumano’y utang daw niyang kalahating milyon at ang hindi pagbibigay pa ng talent fee ni Pops sa nakaraang Missing You concert.


NAGDIWANG NG KANYANG
22nd birthday si JC de Vera last Monday night sa Barrakz at kitang-kita na masaya ang batang aktor dahil kasama ang buong pamilya, mga kaklase sa Colegio de San Agustin at kaibigan sa village nila at kapwa talents ng Royale Era Productions headed by Ruffa and Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Ehra Madrigal, Melissa Avelino, at ang nali-link sa kanyang si Rhian Ramos.

Sa nasabing party, inamin na ni Ms Annabelle Rama na mananatiling Kapuso ang alagang si JC dahil base sa meeting nila nina Atty. Felipe L. Gozon at anak nitong si Annette, sinabi nilang tapusin ang option ng GMA na isang taon pa, meaning hanggang March 14, 2010 pa ang batang aktor.

Kung si Ruffa naman ang tatanungin tungkol sa isyu ng mommy niya at ni Ms Wilma Galvante, wala raw siyang masasabi dahil wala raw siyang alam at huli na nu’ng malaman niyang malala na pala ang gulo.

“Hindi ko rin naman nagustuhan ‘yung mga sinasabi sa TV, siyempre ‘yung mga sinabi ni Wilma about my mom, siyempre bilang anak, nasaktan din ako, you know I don’t like that when I hear anything like that, but it’s not my battle, so it’s my mom’s battle and she’s old enough to fight her own battle, so quiet na lang ako,” paliwanag ni Ruffa.

Hindi naman daw galit si Ruffa kay Ms Wilma at kapag nagkasalubong nga raw sila ay babatiin niya ng, “Hello? Hi? Ano ba puwede kong sabihin, she was my ninang sa wedding namin ni Ylmaz, hindi naman ako bastos, I still hi to her.

“Affected ako sa nangyari sa kanila ni mommy, buti na lang mga boss ko sa ABS, e, bati-bati kaming lahat, I’m living very peacefully,” natawang sabi ni Ruffa.

At ibinuking ni Ruffa na 30% ang komisyong kinukuha ng mommy niya sa talent fee niya sa ABS-CBN at tinanong namin kung tulad din bas a GMA officers kung may nireregaluhan din ba ang ina niyang executives ng Dos?

“Wala naman, ewan ko rin, ayokong mag-comment d’yan,”natawang sagot ng TV host/actress.
Samantala, may sakit daw ang co-host ni Ruffa na si Ai Ai de las Alas kaya si Charlene Gonzales-Muhlach daw muna ang hahalili this week.

“Nasa hospital nga si Ai Ai, kawawa naman,” seryosong sabi ni Ruffa.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.