Parazzi Chikka: Ruffa, nag-walkout sa The Buzz dahil kay Kris!

BIGLAANG NAGWALK-OUT SI Ruffa Gutierrez sa episode ng The Buzz kahapon sa kalagitnaan ng nasabing talk show. Naunang nag-tweet si Chokoleit ng “i saw it ms.world. the camera caught ur sudden facial change and you stood up frowning about to walk turning your back..r u ok?” at sinegunduhan naman ito ni DJ Mo Twister ng “just heard Ruffa Gutierrez walked out of the Buzz in tears cuz Kris Aquinos attitude prob. she was being rude bout Ruffa going go tv5. Sucks.”

Mukhang nagsimula ang tampuhan between Kris and Ruffa sa segment nilang POV kung saan pinag-uusapan nila ang isnabang John Lloyd Cruz at John Prats. Mapapansing nag-iba ang timpla ng fez ni Rufing at hindi na siya na-sight sa mga sumunod na segment ng The Buzz.

[ad#ad-text-links-1]

Sinasabi naman ng mga dumedepensa kay Kris na hindi naging rude at hindi rin nang-bully ang Queen of All Media. Nagbitaw lang ito ng mga salitang, “Aminin mo, masaya ka rito” sa co-host. Masyado lang daw naging emosyonal ang dating Ms. World Philippines. Pero mukhang hindi sapat na dahilan ito para mag-walkout si Ruffa. Mukhang pati ang brother ni Ruffa na si Raymond Gutierrez ay super affected din sa nangyari. Ito naman ang naging mga pasaring niya kay Kris sa kanyang twitter account: “Some people want all the spotlight & can be really tactless. I’m happy that my cohosts here in Central show equal respect for each other” at “When you’re trying to get the whole nation to be on your side, don’t be a bully.”

Nagpa-interview naman sa Showbiz Central si Annabelle Rama matapos ang incident. Inamin niyang siya raw ang nagpa-pullout kay Ruffa dahil lagi na lang daw itong binabara at inaapi ni Kris. Sinabi rin niyang naiinggit si Kris sa anak niya kaya ganito na lang ang pagtrato nito kay Rufing.

Kaya ang tanong nating mga Kaparazzi – ano na naman ang mga binitawang salita ni Kris Aquino para masakatan ang co-host niya, huh?!

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleMag-host na lang kasi: Kris Aquino, bugok at bagsak sa acting!
Next articleMelissa Ricks, nagmamaldita na?!

No posts to display