Ruffa, na-BUZZ-isi!

NASA HOT SEAT na naman si Ms. Ruffa Gutierrez matapos kumalat ang chizmax na lumayas daw siya sa kanilang bahay sa Dasmariñas Village sa Makati noong nakaraang Sabado ng umaga.

Nagkaroon daw ng matinding away sina Ruffa at ang kanyang ina na si Annabelle Rama dahil kay John Lloyd Cruz na nali-link ngayon sa magandang aktres. Ang balita pa nga’y nagkakaigihan na ito.

Si Tita Annabelle ang pinakatumpak na indicator sa buhay-pag-ibig ni Ruffa. ‘Pag hindi masaya si Tita Annabelle para sa lovelife ng anak, masayang-masaya  nu’n si Ruffa at gayun naman sa kabaligtaran. Maraming beses na ring nakialam si Monster Mom kay Ruffa tungkol sa usapin sa puso. Napuno na rin siguro si Ruffa kung kaya’t minabuti na lang niya na mag-alsa-balutan at iwan ang nanggagalaiting nanay.

Noong nakaraang Linggo, ininterbyu ni Kris Aquino si Ruffa sa The Buzz. Pilit na pinaamin ni Kris si Ruffa kung sila na nga bang dalawa ni Lloydie, pero tila pamumula lang ng pisngi ang isinagot ni huli sa mga mapang-usisang katanungan ng una. Kaya heto’t naisipan na lang namin na kumpletuhin ang maaaring hindi nasabi sa naturang interview.

PARAZZI WIRES PHOTOS

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.