Ruffa Mae Quinto to do a major concert in Doha, Qatar

MASASABING ISANG MALAKING suwerte ang dumating kay Rufa Mae  Quinto dahil mala-king offer ang kanyang tinanggap na makapag-concert sa Doha, Qatar.

Paalis siya ng bansa kasama sina Vice Ganda at Jon Avila sa Huwebes, July 14, ala-una ng madaling-araw. Sasalubungin siya roon sa Doha Airport ng kanila u-manong major sa yaman na German businessman na producer ng kanilang concert na siyang kumontak sa kanila na nakausap by phone.

Friday ng gabi ang concert na tinawag niyang Live in Doha na gaganapin sa Sheraton Hotel. Sa dami na niyang naging concert sa ibang bansa, first time umano niya na foreigner ang producer, at hindi lang concert na ‘yun ang offer sa kanya ng binatang international producer na si Bital Taha, kundi inaalok pa umano siya na mapasama sa isang Hollywood movie by this year.

Sobrang excited ni P-Chi sa mga project na ibibigay sa kanya ng German, at excited din siya na makita ito, makaharap at makausap nang pesonal. Sino ba naman ang hindi mae-excite dito, siya ang may-ari at CEO ng Event Management and Media Production, Int’l . Siya rin ang nag-produce ng concert ni Shakira in Germany, nag-produce ng WWE Wrestling sa Qatar. Masusundan pa umano ang concert na ang magkasama naman ay sina Rufa Mae at Charice Pempengco sa Dubai by October.

Bago pa umalis ay naibalita rin sa kanila ng producer na almost sold out na ang mga tic-kets at parang kukulangin pa raw sa araw mismo ng event. Naitanong ni P-Chi sa producer kung bakit Pilipina ang mga kinuha niya para mag-concert. “I believe in the Filipino talents and this is also my first time to get Filipinos. I spotted you (P-Chi) and the other guys (Vice Ganda and Jon) because, I saw your performance and I’m so happy. It is a big challenge for me, and it was also the decision of the committee,” say ni Bital.

Four days silang mag-i-stay sa Doha. Masusundan pa umano ang concert as part two ng Doha by January or February. Marami pa ang naka-line up na project ni P-Chi, isa pang concert by August. May gagawin pa umano siyang movie sa Regal Films na entry sa MMFF. ‘Yun umano ang sabi sa kanya ni Mother Lily nang huli silang nagkausap. May balak pa rin siyang mag-produce ng isang comedy sitcom sa Kapuso Network. Producer lang daw siya at hindi kasama sa eksena. Isa pang programa ang gagawin niya sa GMA na makakasama umano niya sina Iza Calzado at Carmina Villaroel.

 

 

 

loading...

9 thoughts on “Ruffa Mae Quinto to do a major concert in Doha, Qatar

  1. @eye of the tiger @tayaks
    para sabihin ko po sa inyo hindi po ako fan ni ruffa mae, sadyang di lang talaga ko inggitera at mapanlait katulad nyo.

  2. i saw the concert.. magaling cla.. i love u p-chi.. sa uultin.. kahit mahal ang ticket ayos lng yun sulit naman.. :)

  3. Sana hindi ilabas ni Ruffa Mae ang cleavage nya doon kasi baka ma misinterpret ng mga Arabo doon na lahat na lang ng mga pinay ay parang prosti manamit, marami pa naman mga OFW doon, baka masira lang ang imahi ng mga Pinay doon. Maski hindi naman ilaba ang boobs or cleavage nya, sexy pa naman sya tingnan. Sana pagsabihan itong si Ruffa Mae ng kanyang Manager na it’s about time to change, hindi na exicting na nakita ang boobs nya, Mabuti sana kung fresh pa tingnan, ano ba yon, silicone ba yon or for real?

  4. Ang insecure mo naman eye of the tiger. Lakas ng kutob ko. Ang panget panget mo siguro. Kaawa awa ka. Btw congrats ruffa mae.

  5. Mukhang hindi lang sa Pinas ang serbisyo nitong si ruffa mae, malaki-laking pera ang maiuuwi niiya sa mga special night out sa kanya ng mga ARABO. Ruffa mae hugasan mo ng mabuti yang sa baba mo dahil baka mangamoy curry at pita bread hahahah!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.