Ruffa Gutierrez will fight for the custody of her daughters

USAPANG BAKLA. PAANO naman kasi ang baklitang si Rustom Padilla na ngayon ay mas kilalang BB Gan-danghari ay balitang anytime ay magpapa-sex change na matapos na ito ay sumailalim ng kung ilang buwan sa iba’t ibang pagsubok at seminar hinggil sa magiging pagbabago, physically at mentally, sa sandaling ganap na itong babae.

Trivia: Ayon sa mga friends nating nagpa-sex transplant mahaba-haba rin daw ng proseso bago ang isang lalake ay maging ganap na babae. Una dapat alam ng gay kung paano mamuhay nang normal bilang isang babae. Pangalawa, dapat ang bakla na naging ganap na babae ay iiwas na sa mga dating kaibigan upang sa kaisipan ay tuluyang mabura na nito ang nakaraan. At dahil dito, kung matatandaan, una nang pinatay ng aktor ang kanyang pangalan. Mula sa pagiging Rustom ay BB Gandanghari na ito sa kasalukuyan.
Sinabi pa rin ng kaibigan na macho noon pero girl na ngayon. Isa pa rin daw sa mga requirements bago gawin ang pagpapalit-kasarian, dapat mamuhay mag-isa ng ilang buwan ang isang bading upang sa ganu’n ay mapagtanto nito kung tama o hindi ang kanyang desisyon. At dahil dito, kung mapapansin ay kung ilang buwan ding nawala si BB Gandanghari matapos niyang ilantad ang tunay niyang pagkatao.

“Ay, hindi puwede iyon! Baka kapag ginawa iyon ni BB Gandanghari ay magwala ako. Magagalit talaga ako. Dahil sobra na iyon. Hindi na tama!” Tuluy-tuloy na pa-nimula iyon ni Robin Padilla nang kausapin namin ito kamakailan.

Ayon kay Robin, higit na magiging ma-bigat ang kanyang dibdib kung tuluyang magpapalit-kasarian ang kanyang kapatid. “’Yung pagiging gay niya, wala tayong magagawa dun kung siya iyon. Pero ‘yung gay na nga siya tapos magpapalagay pa ng ganu’n, kahit saang anggulo ko tingnan, hindi magiging kaaya-aya kay Allah iyon. Tutol ako du’n. Baka hindi ko na siya gustuhin pang makita kahit kelan.” Sabi pa ni Robin.

Katuwiran kasi ni Binoe, hindi puwedeng magpa-sex transplant si BB dahil iyon na ang sukdulang kasalanan nito para itakwil ito ng kanilang pamilya.

Sa kabilang banda, ayon sa ilang bestfriend, tutol man ang ilang kaibigan, kakilala at buong pamilya at magalit man ang buong mundo, itutuloy pa rin daw ni BB Gandanghari ang matagal na nitong planong sex change.

 

NAGBIGAY-KOMENTO NA si Ruffa Gutierrez sa kakaharaping problema kay Yilmaz Bektas, kung saan ay sinabi ng aktres na nakatakdang dumating sa bansa ang dating asawa upang siya ay ihabla. Ito ay may kinalaman sa custody ng kanilang anak na sina Lorin at Venice.

Ayon sa ating source, bukod sa hindi kasi nagugustuhan ni Yilmaz ang paglabas ng magkapatid sa mga telebisyon at pahina ng mga diyaryo at magazine, tutol din ang Turkish businessman na maging public property ang kanyang mga anak tulad ng ina ng mga ito na si Ruffa at pati na ang buong pamilya.

Ayon daw kay Ruffa, totoong madalas silang nagtatalo ni Yilmaz sa phone, kadalasan ang kanilang pag-uusap ay nauuwi sa sigawan, dahil bukod daw sa makulit na kausap si Yilmaz, ang dami-dami nitong demands na ang feeling ng aktres ay masyado siyang nasasakal to think na hindi naman niya pinababayaan ang kanyang mga anak.

Balak hingin ni Yilmaz sa batas ng Pilipinas na mapunta na sa kanya ang custody nina Lorin at Venice, bagay na tinututulan ni Ruffa at ng buo niyang pamilya, partikular na si Annabelle Rama. Dahil kung pag-aalaga at pag-aalaga ang pag-uusapan, ibinibigay ng Gutierrez ang the best sa magkapatid bukod pa sa pagmamahal.

“Naku si Bisaya, mas mahal pa nga niyan sina Lorin at Venice kesa kay Ruffa, eh.” Sabi ng aming source.

Dagdag pa ng aming kausap, “Kapag nagkakasakit sina Venice at Lorin, si Annabelle parang mamamatay na sa sobrang nerbiyos talaga. Huwag lang daw lagnatin ang magka-patid na Venice at Lorin, sina Annabelle at Ruffa ay paligsahan sa sobrang pag-aalala, kaya napaka-unfair daw para bawiin ni Yilmaz ang dalawang bata.

Sa kabilang banda ang tunay na dahilan daw kung bakit nais bawiin ni Yilmaz ang dalawang anak ay dahil nais nitong muling makuha ang simpatiya ng aktres at muli siyang mahalin. Dahil sa totoo lang daw, mula nang maghiwalay sina Yilmaz at Ruffa, nakapagpalit na ng kung ilang babae ang businessman na ending ay nauwi rin sa wala. Hindi tiyak kung kelan darating sa bansa si Yilmaz pero ang sigurado, balak nitong ibalik sa Turkey ang dalawang anak.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Ruffa Gutierrez will fight for the custody of her daughters

  1. tingan mo ‘tong si ruffa..unting kilos sinasabi kagad sa press..kaya naiinis sa kanya si ylmaz ehhh..may point nga namnyung ex hubby nya na nadadamay sa limelight yung mga anak nila…gutierrez clan talaga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.