RUFFA GUTIERREZ, WALA NANG ORAS SA LOVELIFE!

SA PICTORIAL NG pangalawang pinakamalaking dramaserye ng TV5, inamin ni Ruffa Gutie-rez na sobrang blessed at maganda ang pasok ng kanyang 2011. Bukod sa napakaraming TV shows at raket, magsisimula na ang kanyang seryeng pagbibidahan sa primetime ng singko, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

“I’m very very excited! Kakaiba at unique na teleserye ito. And I’m just so proud na ito ang pangalawang dramaserye na ilo-launch ng TV5 na kasinglaki ng Babaeng Hampaslupa, kaya I’m very proud and honored to be part of this project,” sey pa ni Ruffa.

Two years ago ang huling paglabas ng beauty queen-TV host sa isang teleserye, kaya naman hindi niya talaga maipagkakailang na-miss niya ang ganitong proyekto.

“Na-miss ko, kasi, last ko ay I Love Betty La Fea sa ABS-CBN, two years ago, and kailangang ibang look ako dito. At ang role ko dito ay si Miss O, isa akong ex-dance superstar at dating artista na naging CEO at producer ng isang malaking network, and kumbaga I’m very nice, intelligent, but don’t get in my way. Ako ang mag-o-orchestrate ng lahat ng drama sa buong teleseryeng ito, so napakalaking hamon ng character ko dito,” kuwento ng TV host-actress.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, true ba na maraming foreigners ang nanliligaw sa kanya ngayon?

“Wala nga akong idini-date. Nasaan na? Ipakita naman nila. Masaya naman ako. Actually, wala talaga akong time, Baka ‘yung mga nakita nila, ‘yung mga foreigner kong friend, because I have a lot of foreigner friends. Hindi naman ibig sabihin nun, na kaibigan ko na kasama ko sa grupo ay boyfriend ko na o idini-date ko na. I really have no time to date,” pagtatapos pa ni Ruffa.

BLIND ITEM: KINSA SIYA? Sino itong hindi na kabataang diva ang tinatakan na raw ng press people dahil sa kanyang hindi magandang ugali?

One time sa isang event, hindi magkandaugaga ang press at TV crew sa pag-interview ng mga artista at personalidad na dumalo. Tanong dito, tanong doon, sagot dito at sagot doon naman ang drama ng kanilang iniinterbyu. Ito na ang highlight, nang mapansin ng mga TV crew na paparating na ang aging diva, kanya-kanya raw sila ng drama na kunwari ay busy sila at hindi siya napansin.

Ang iba ay nagtsitsismisan, ang iba ay nag-picture-picture sa kanilang cellphone dahil ayaw talaga nilang interbyuhin ang aging diva. Kasi, nung kasikatan daw nito noon, e masyadong mataray at suplada itong si diva!

PERSONAL: HUMIHINGI PO ako ng paumanhin sa mga nag-aabang na rin kahit papaano sa aking kolum dito sa Pinoy Parazzi dahil halos dalawang linggo tayong hindi nagkakuwentuhan. Inoperahan po kasi ako sa maselang bahagi ng ating tiyan at medyo nanganib ang buhay. Pero salamat sa Diyos at sa mga nagdasal, tayo ay medyo nagpapagaling na sa ngayon. Muli ang aking pasasalamat sa inyong pang-unawa.

Tutok lagi sa Juicy, (daily, 12 mn), Paparazzi (Sundays, 4 pm), at sa Cristy Ferminute (daily, 4- 6 pm), Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41!

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

One thought on “RUFFA GUTIERREZ, WALA NANG ORAS SA LOVELIFE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.