Ruffa Gutierrez, Type Maging First Lady!

NOONG SABADO, May 26 ay ginanap na sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California ang first league ng Bigtime Launch ng Kapatid Network, Aksyon TV and TV5 sa Amerika. Pinangungunahan ng Wil Time Bigtime ni Willie Revillame ang launching at bonggang mga production numbers ang inihanda ng programa at mga naglalakihang papremyo rin ang ibinigay nila sa ating mga kababayan du’n.

Sa June 2 naman ganap na alas-sais ng gabi ay ang second round ng launching kasama pa rin ang Wil Time Bigtime sa Bill Graham Civic Auditorium naman sa San Francisco, California.

Kasama rin sa nasabing launch ang mga bigating personalidad ng Kapatid Network na sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez at ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

Noong Biyernes, bago lumipad si Ruffa patungong L.A. ay nakausap namin siya sa airport at masaya niyang ikinuwento sa amin ang kasiyahang mapabilang sa lumalaking istasyon.

Pahayag ni Ruffa, “You know, I’m very flattered na kasama ako from the very beginning. Pa-ngalawa, natutuwa ako na malayo na ang nararating ng TV5, na remember na the first time nag-Paparazzi kami, madilim pa ‘yung ilaw, depressed na depressed, kami kasi andaming sabit, but we made it through our first year anniversary and then dumami na ‘yung mga shows, dumami na ‘yung mga artista sa TV5, so ngayon naman maglo-launch na kami sa Amerika after nu’ng sa Middle East… that’s why, I’m very proud na kasama ako ng TV5, kasama ko siya sa paggo-grow.”

Malaking balita rin ang pagnanais ng kanyang inang si Annabelle Rama na pasukin ang mundo ng pulitika via a congressional seat in Cebu’s North District. Sa isang panayam sa kanyang kapatid na si Richard Gutierrez, nagpapahiwatig itong pabor siya sa binabalak ng ina pero inamin nitong hati pa rin ang kanilang pamilya pagdating sa nasabing usapin.

Pabor kaya siya sa balak ng mommy niya? “Well, up to now hindi talaga ako makapaniwala na kinukuha si Mommy para tumakbo sa Cebu bilang congresswoman. And then kanina nga nu’ng nasa salon kami, sabi ni Mommy, ‘oh, Ruffa, ha? Kung matuloy ako sa Cebu, kailangang tumulong ka sa akin’. Sabi ko, ano ‘to? Tuloy na ba talaga? Sabi ko, ‘are you sure?’, sabi ko, ‘Ma, are you really sure to run?’

“Sagot niya, ‘ay, naku day, mag-aaral na ako next week, mag-enroll na ako, kung hindi man ako mag-enroll, kukuha ako ng tutor’. Malapit ko na nga siyang i-tweet, I tweet ko nga ‘yun.”

Kuwento pa ni Ruffa noong nag-tweet ang kanyang mommy tungkol dito, “Oo, so I think she’s very serious about it, hindi pa kami nag-uusap ng ser-yoso about du’n. When I woke up the next day, nakita ko nagti-trend na lang siya sa twitter. Sabi ko, ‘ay ano’ng nangyari habang tulog ako?’ And ayun medyo galit siya sa akin, kasi nagkaroon ako ng food poisoning when I was away,  tapos siya ang nasalang (sa Paparazzi, bilang guest-co-host), so ‘yun lang kami nakapag-usap.”

Political family talaga ang mga Rama sa Cebu, kaya hindi mala-yong seryoso talaga ang kanyang ina sa binabalak nito. Dagdag pa niya, “Yes the Rama’s really come from a political family, I’m just so saddened, dahil hindi ko talaga akalain na si Mommy, of all people tatakbo. Sabi ko, ‘ay naku ma, magluto ka na lang sa bahay for us’. Kasi masarap magluto si Mommy, so ayun up to now hindi pa rin siya decided, kung sasali o sasalang siya.”

Pero if 100 percent sure na nga si Annabelle na tatakbo, all throughout naman kaya ang magiging suporta niya dito? Pabirong sagot nito, “We’ll cross the bridge when we get there.”

Pahabol pa ni Ruffa, noong bata pa raw siya ay pangarap din daw niyang pumasok sa pulitika, pero habang lumalaki siya ay hindi na raw niya ito iniisip. “You know what my dream when I was a child was to take up international relations and diplomacy or political science, and run for congress, ‘yan ‘yung dream ko when I was 13, 14, 15, years old.”

“Pero sabi ko ay parang hindi ko ‘ata kakayanin. Kasi ang mga intriga sa showbiz kakayanin ko, pero ‘yung mga intriga sa pulitika, I’m sure mas matindi. So I don’t want to go through that kaya sabi ko, happy na akong maging first lady, if ever.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Ruffa Gutierrez, Type Maging First Lady!

  1. Naku mga G family, sana before you guys open your mouth ipagisipan nyo muna ang inyong sasabihin – maging first lady? ni sino – prince of brunei? No, hindi ka uubra – baka pwede for a night but not pangmatagalan. May standard si Mr. Brunei kaya sorry na lang.

  2. Patakbuhin si Annabelle kasi gusto kong makita ulit ang pelikula nya noong ’70, kasi ito ang gagamitin ng kanyang kalaban sa pwesto para makita natin kung anong klaseng babae siya at ano ang kanyang pinagdaanan. Kasi kasabihan history repeat itself – kaya lang matanda na siya so sino kaya ang susunod sa kanyang yapag? ang kanyang anak o apo ? Let’s wait and see.

  3. Kung sino man ang make-up artist mo Ruffa, Ginawa kang CLOWN! Naaawang natatawa ako sa make-up mo, Lalong lalo na ang kilay. mas natatawa ako Hahaha.

  4. Diosme! ANO NA LANG KAYA ANG MANGYAYARI sa PILIPINAS kung ang tumatakbo at nananalo sa KONGRESO ay mga katulad ni PAQUIAO at ngayon naman si RAMA? Di na sila naawa sa PILIPINAS anong klaseng mga BATAS naman kaya ang alam buuhin ng mga ito. Huwag sana tayong paloloko dahil lang sa sikat at may pera sila. Mag isip naman sana ang bumuboto sa kanila. Si RAMA CONGRESiSTA? sigurado araw-araw RIOT sa KONGRESO!

  5. gusto nya maging first lady?? sure ka?? baka mag walk out kn nmn pag pinatutsadahan ka ni tetay tapos iiyak at magsusumbong sa nanany mong butangera!!. nahihibang na itong si ruffa, malamang epekto ng pagkakakuryente ni Ylmas…. naluto utak nitong babae na ito.!

  6. ANAK NG TETENG MASYADO KAYONG MATAKAW SA PUBLICITY. WALA NAMAN KAYONG MGA TALENT. PURO KAARTEHN ANG LAMAN NG UTAK. PURO SHOW OFF NG MGA ALAHAS PERO WALANG LAMAN ANG UTAK. WALA KAYONG SILBI WALA KAYONG PINAG ARALAN. IN SHORT. PARA LANG KAYONG FLOWER BASE SA SHOWBIZ. PANDEKORASYON. YANG NANAY MONG BUGAW NAPAKATANGA NA NGA MAGTAGALOG. BOBO PA MAG INGLES MAKAPAL PA ANG MUKHANG MAGING CONGRESSWOMAN. YANG KASO NYO NYA SA BIR KUNDI PA NAG BAIL SI ANNABEL SA KULUNGAN PA ANG BAGSAK KAYA WALANG SILBI ANG BRUHANG ANNABEL NA MAGING CONGRESSWOMAN. PURO KAYO MGA SUWAPANG SA PERA PWE.

  7. Diyos mio, ano na bang nangyayari dito sa mukha ni Ruffa, parang nagparetoke na ang kalabasan at ang kapal ng make up, parang transvestite ng tingnan. Hinay hinay lang sana sa make up para naman lumabas ang natural beauty kung meron pa after Dr. Belo’s magic……

Leave a Reply

Your email address will not be published.