Ruffa Gutierrez, sobrang saya sa pagiging tahimik ngayon ni Annabelle Rama

SOBRANG MASAYA si Ruffa Gutierrez ngayong unti-unti nang napapalayo ang kanyang Mommy na si Annabelle Rama sa mga intriga ng showbiz. Nahihirapan kasi si Ruffa kapag nakikipag-away lagi ang kanyang mommy, dahil kung anu-anong isyu ang naglalabasan, at para sa kanya ay napakaingay ng mundo kapag ang kanilang pamilya ay nagiging sentro ng kontrobersiya. Masayahin siyang tao, kaya iniiyakan din niya kapag grabe na ang pakikipag-away ni Tita A.

Matapang naman si Ruffa sa mga intriga, pero nitong nagsisilakihan na ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice ay hindi siya kumportable kapag nagtatanong ang dalawang bagets kung bakit nakikipag-away ang kanilang lola? Alam ni Ruffa na walang inuurungan ang kanyang mommy, at doon siya mas natatakot. Naaawa rin kasi ang matangkad na aktres sa kanyang daddy na si Eddie Gutierrez kapag maraming nakakaaway si Rama.

Dahil talagang palaban si Tita Annabelle, hindi inaasahan ni Ruffa na mawawala totally ang mga pakikipag-away ng kanyang mommy. Pero ang importante para sa kanya bilang anak ay ‘yung nagkaroon talaga ng konting katahimikan ngayon. Kaya para sa kanya ay magandang isipin na ngayong papalapit ang Kapaskuhan ay medyo nagpahinga talaga ang mga intriga, kaya makapagsasaya talaga ang kanilang buong pamilya.

 

MASAYA SINA Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang relasyon, dahil lagi nilang napagtatagumpayan na patunayan sa mga nang-iintriga sa kanilang pagmamahalan, na hindi sila mapaghihiwalay ng mga intriga. Ang katunayan niyan, ilang taon na ang itinagal ng kanilang relasyon, at gusto rin nilang sila talaga ang magkatuluyan. Kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa, dahil sobra na talaga silang kumportable sa isa’t isa, kaya hindi sila nagmamadali na lumagay sa tahimik.

Nagsusuportahan kasing talaga sina Marian at Dingdong. Pareho nilang pinahahalagahan ang patuloy na magandang nangyayari sa takbo ng kanilang karera. Proud si Dingdong na sinasabing si Marian ang hanggang ngayon ay reyna ng GMA-7, dahil nakikita naman niya kung papaano i-trato ng Kapuso Network ang kanyang karelasyon. Nasa itaas pa talaga si Marian, kaya patuloy na pinababagsak. Pero lagi lang nariyan si Dingdong para maging tagapagtanggol ng magandang aktres.

Marami pang gagawing pelikula si Marian next year, habang sa Siyete ay nagho-host siya ng Extra Challenge at bida naman siya sa Temptation of Wife. Happy si Marian sa magandang nangyayari ngayon sa career ni Dingdong, na sobrang mainit ngayon ang popularity. Bida ang actor sa pelikulang One More Try ng Star Cinema, at bida rin sa Pahiram Ng Sandali sa GMA. Producer na rin si Dingdong at gusto pa ring patunayan ang kanyang sarili bilang movie director.

Marami na ang naniniwala sa kahusayan ni Dingdong, dahil sinabi ni Direk Ruel S. Bayani, na kahilera na ni Christopher de Leon si Dingdong kung pagiging actor ang pag-uusapan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Ruffa Gutierrez, sobrang saya sa pagiging tahimik ngayon ni Annabelle Rama

    • I agree, parang transvestite na, pag itapat ang picture ni BB Gandanghari kay Ruffa, parang magka level na talaga.  Just telling the truth guys,,,,,,,, her face does not look natural anymore if you dig up her old photos, it is so diffeent, plastic surgery kaya ito?  At saka bakit isali pa si Ruffa sa mga news, what for, may career pa pala itong babaeng ito?  Iyan kasi lumayas sa dos, nanamlay tuloy ang career.  Tingnan mo yong ama nyang si Edie,  he is in Ina Kapatid Anak, ang taas ng ratings.  Lumayas si Ruffa sa The Buzz na maganda palagi ang  ratings at nagpunta sa singko at yong mga shows niya dun parang wala lang. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.