Ruffa Gutierrez, sablay ang katuwiran!

ANG ibinibigay na katuwiran ni Ruffa Gutierrez, kaya raw sila magkasama ni John Lloyd Cruz sa Los Angeles ay dahil hindi pa ito sanay sa pasikot-sikot ng nasabing lugar. First time daw kasi ‘yun ni Lloydie sa LA.

Palibhasa’y matagal silang nanirahan sa Amerika, nagmistulang tourist guide ng young actor si Ruffa. Sinasamahan niya itong mag-check-in sa isang hotel na rekomendado niya at magkasama rin silang nag-shopping.

Wala naman sanang malisya sa pagsasama nila sa LA. Nalagyan na lang ‘yun ng kulay dahil pareho silang nagdedenay tungkol sa napapabalitang relasyon nila. Meron nga ba namang hindi magkarelasyon na hanggang sa ibang bansa ay magkasama pa rin?

Ikalawa, hindi totoong unang pagtapak ‘yun ni John Lloyd sa Los Angeles. Ilang beses nang nag-show du’n ang magaling na aktor. Mukhang sumabit ang ibinigay na katwiran ni Ruffa.

Kunsabagay, wala na kaming dapat pang ipaliwanag. Kahit naman sinong makausap namin, hindi naniniwalang magkaibigan lang sila. Malaking porsiyento ang naniniwala na matagal na silang magkarelasyon.

Tulad ng napabalita, mismong kampo ni JLC ang nagpapatunay na nu’ng Mayo pa sila magkarelasyon, sariwang-sariwa pa ang sugat sa puso ni Liz Uy, ang nakahiwalay na girlfriend ng batang aktor.

Sino ba naman tayo para kumontra sa kanilang kaligayahan? Binata si John Lloyd, si Ruffa naman ay naghihintay na lang ng pormalidad sa pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal ni Ylmaz Bektas. Kaya puwede na ring sabihing legal ang kanilang relasyon.

Naghihintay pa lang siguro sila ng takdang panahon ng kanilang pag-amin, pero pasasaan ba’t du’n din naman ang tuloy ng lahat. Isang araw, haharap sila sa publiko para sabihin na totoo ngang matagal nang sila.

Mas hindi nagsasalita at nagkukuwento o dumedepensa si Ruffa tungkol sa relasyon nila ni JLC, mas maganda. Huwag nang mag-imbento pa ng mga kuwentong ayaw namang paniwalaan ng mas nakararami. Lalo lang kasing nagiging malinaw na totoong magkarelasyon nga sila, kaya lang ay denay sila nang denay.

ISANG ARAW, NAGKITA-KITA sa isang lugar ang tatlong kilalang babaeng personalidad. Nag-apiran sila dahil sa sinabi ng isang nandu’n. “Ay, nagkita-kita kayo dito, you have something in common pa naman!” Pasigaw na sabi ng miron sa tatlo.

Nagkatinginan ang tatlong babae, hindi pa nila nakuha nu’ng una kung ano ang tinutukoy ng kanilang kaharap, pero maya-maya ay parang magic na nakuha rin nila nang sabay-sabay kung ano nga ba ang isang bagay na ‘yun na pare-pareho silang sangkot.

Nag-apiran ang tatlong female personalities, “Oo nga!” Pakorus nilang sabi. Totoo nga palang pare-pareho silang tsinugi sa isang show nang wala silang kaalam-alam na dahilan kung bakit.

Sabi nu’ng miron, “O, alam n’yo na ngayon kung ano ‘yung something na ‘yun na pare-parehong nangyari sa inyo? ‘Di ba’t naloka na lang kayo dahil sinabihan kayo na huwag na kayong pumasok sa show, dahil tsugi na pala kayo?

“’Di ba, hindi naman kayo formal na sinabihan ng kahit sino sa staff na hindi na pala kayo part ng show, phone call lang ang tinanggap n’yo na wala na pala kayo sa show?” Nang-aasar pang sabi ng miron.

Napatango na lang ang tatlo dahil ‘yun pala ang totoong nangyari sa kanila, may isang staff lang na tumawag sa kanila na huwag na silang mag-report sa show, dahil ayaw na silang makita pa ng main host nito.

“Nakakaloka, ‘di ba? Para siyang sakit ng tiyan, pasumpong-sumpong, kapag type niyang nandu’n pa ang mga co-host niya, okey lang. Pero kapag nakainitan niya, sorry na lang, ipinatsutsugi niya ‘yun nang walang kakatuwi-katuwiran!” dagdag pa ng miron.

Ganu’n?

“Ganu’n na ganu’n nga! Excessive exercise of power ang ginagamit na taong ‘yun, marami na siyang sinaktan, kaya matindi ang magiging karma nu’n sa kanya!” Pahiwatig pa ng miron.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

9 thoughts on “Ruffa Gutierrez, sablay ang katuwiran!

  1. Ano kaya kung ibalik ni Willie si Iya, Lara at Roxanne. Gaganda siguro ang show. nakakasawa na rin si Mariel, Pokwang at lalung lalo na si RR.

  2. si willie yan. napaka unprofessional naman ng ganun. like si lara hindi na pinapasok when shes supposed to be a co host pag saturdays. kaya tingnan mo rin walang bonding ang mga co hosts, hindi nagpapansinan. tsk tsk.

  3. wft si wilie nga yata,,,, well plastic nman talaga sya, and i dpnt like also cristy fermin hahahaha fuck off

  4. hah?what went wrong shrek?bakit ngayong nilalait lait mo na si willie boy..ay hindi ka nabigyan ng grasya ano..kawawa ka naman..kung totoo man ito…sino sa tatlong babae..roxanne,janelle,iya,kat,larah…at yung miron si nakalimutan ko na yung assistant ni willie sa 8 o’clock..nakalimutan ko na…buti nga sayo shrek wala kana allowance

  5. Aba CF, mukhang wala ka ng nakukuhang pakinabang kay Willie at blind item mo pa siya ngayon. Tsk tsk tsk, kaw talaga, kahit ano pa mangyari sa mundo, hinding hindi ka pa rin nagbabago. Masama pa rin ugali mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.