Ruffa Gutierrez, pinipirata na rin ng Singko?!

KANYA-KANYANG PARAAN LANG ang mga artista sa kanilang career enhancement.

For the returning Nora Aunor, cosmetic surgery. For Baron Geisler with his new manager, detoxification. To a certain extent, may pagkakapareho sina Nora at Baron: their passion for booze.

When intoxicated, mas effective si Ate Guy, samantalang “sinasapian” naman si Baron. In fairness though, their thespic brilliance is beyond question.

TV5 is gearing up for better programming on two accounts: “piracy” and rediscovery.

First on its pamimirata, gaano katotoo na next in line nitong kukunin under its reinvigorated wings ay si Ruffa Gutierrez, plucking her out of The Buzz to host a Sunday showbiz-oriented talk show beginning March?

Kaugnay rin nito, how true that the Manny Pangilinan-owned network is rediscovering the hosting talent of Cristy Fermin na noo’y galing din ng The Buzz?

If true, competition among showbiz talk shows on TV will never be this exciting!

BLIND ITEM: IT’S the end of martyrdom for this talent manager as far as his lovelife is concerned. Kinailangan na niya kasing kalusin ang kanyang male ward, allegedly his lover, sa sobrang pagkarahuyo na nito sa kanyang nobyang ex-beauty queen.

Umabot na sa puntong minsan ay tinawagan na ni manager ang girlalu only to tell her to stay away from his alaga. Kesyo hindi naman daw siyento porsyentong lalaki ang aktor na ‘yon.

Ang ipinagsesentimyento kasi ni manager ay ang madalang na raw nilang pagkikita ng kanyang alaga, na laging nagbababad sa nobya nito. Natural, ang pagtawag na ‘yon ng manager sa girlash ay ipinarating ng huli sa kanyang boyfriend.

The actor then confronted his manager cum lover, pinagbawalang huwag itong manghimasok sa kanyang personal na buhay at atupagin na lang ang pagma-manage nito sa kanya. Lalo pang pinagsakluban ng langit at lupa ang manager nang matuklasang bukod pala sa kanya’y marami na ring bakla ang naka-date ng kanyang dyowang aktor.

Isa raw sa mga naging gay benefactor ng aktor ay mayamang bading from down South na kasama nitong bumiyahe sa Hong Kong en route to the States. Du’n na napagtanto ng manager na nagsinungaling ang aktor nu’ng panahong ang paalam nito sa kanya na buong pamilya nito ang kasama sa Hong Kong.

Mukhang desidido na si manager na ibuko ang kaugnayan nila ng kanyang alaga. Kung hindi ba naman, pinagtatawagan niya ang mga kaibigan niyang reporter para ilahad ang kanyang sob story!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.