Ruffa Gutierrez, pinapersonal ni Kris Aquino?! *new*

ISANG MAINIT NA pagbati ng maligayang kaarawan ang nakapaloob sa sulat ni Boy Abunda na binasa mismo ni Ruffa Gutierrez sa kanyang birthday episode sa Paparazzi nitong Linggo. Minsan isang panahon din naman kasing nagsama sina Kuya Boy at Ruffa, sa The Buzz ‘yon, kung saan hindi lang sa paghahatid ng maiinit na showbiz balita sila magkasangga. Maging off-camera ay naging malapit sila sa isa’t isa.

But as fate would have it, hindi nagtagal at nagpaalam si Ruffa sa programa. Pamamaalam lang ‘yon sa nakasanayan na niyang Sunday show, pero hindi panunuldok sa namuong pagkakaibigan: from Kuya Boy down to its staff.

As a gesture of reciprocity, wala ngang pag-aatubiling nagpadala si Kuya Boy ng kanyang birthday message kay Ruffa in writing. But there was more to it. Nang hingan din daw kasi ng letter si Kris Aquino, dating co-host ni Ruffa sa The Buzz, ay tumanggi ito. Whatever Kris’ reason was, siya lang ang nakaaalam.

Pero saan mang anggulo tingnan, Kris’ decline was in BAD TASTE. Dahil ba hindi sinuportahan ni Ruffa ang kuya ni Kris last minute, and the latter took it against the birthday girl? Tapos na ang eleksiyon, ngayong araw na ang proklamasyon kay Noynoy, hasn’t Kris moved on?

Hindi ba’t maliwanag na pamemersonal na ang ginagawa ni Kris, in the same breadth na ang simpleng pagbati kay Ruffa ni Donita Rose ay hindi pinahintulutan ng isang lady executive ng ABS-CBN for some strange reason?

Kung nagkataon sigurong pre-election period ito, for sure, Kris would have hosted a birthday bash for Ruffa. Eh, nanalo na nga naman ang kanyang kuya, why bother?! Lumilitaw lang tuloy ang tunay na kulay ni Kris (not necessarily yellow) na kung sino ang pinakikinabangan niya, she’s out to lick his boot!

Tamah…!

STILL ON RUFFA, kung meron mang aktor na tumatanaw ng malaking utang na loob sa kanya, it’s JC de Vera no less.

Also under the managerial wings of Annabelle Rama, nagbigay ng testimonya si JC kung paanong hindi raw ipinagkait ni Ruffa ang kanyang suporta sa kanya in the midst of “career crisis”. As a token of gratitude, iniregalo ni JC kay Ruffa ang isang magazine kung saan cover siya for the July issue. Manghang-mangha si Ruffa kung paano na-develop ni JC ang kanyang abs in two months’ time.

Not only is JC dead serious on enhancing further his physique, mas kinakailangan niya kasing patunayan na “pasok sa banga” ang kanyang acting with his newfound home, ang TV5, where he’s featured in its 5 Star Specials.

Now on its third Wednesday, JC stars in the episode titled Johnny Salamangkero. Isang magician-vampire ang kanyang papel, which will spill over until July 7 mula sa direksiyon ni Argel Joseph. Suspetsa ko, it’s Eclipse-inspired since the Hollywood series has earned global attention.

So, JC’s epi-sode tonight promises to be spooky? Don’t omit the first letter, puhleeez.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa mga naninira: Para kay Jovit Baldivino, nega man publicity pa rin! *new*
Next articleSitcom nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na tuloy dahil kay Toni Gonzaga! *new*

No posts to display