Ruffa Gutierrez, nawiwindang sa away ng inang si Annabelle Rama at Amalia Fuentes

NITONG NAKARAANG Saturday, isa kami sa mga naimbitahan ng Paparazzi ng TV5 kaya nakunan din namin ng kaunting pahayag si Ruffa Gutierrez tungkol sa patuloy pang patutsadahan ng kanyang Mommy na si Annabelle Rama ganu’n din sa dating movie queen na si Amalia Fuentes. Maingat at maik-si lang talaga ang mga binibitiwang salita ni Ruffa, dahil ayaw niyang pagsimulan pa ng panibagong mga intriga ang pupuwede niyang sabihin.

Nu’ng commercial break, habang nagkukuwentuhan sina Ruffa at Zoren, naidadaing ng sister ni Richard Gu-tierrez sa karelasyon ni Carmina Villarroel, na talagang naaapektuhan siya sa mga nangyayari, dahil ang dami-dami nilang dahilan para magsaya sa pamilya, pero heto nga’t mayroong hindi magandang nangyayari sa pagitan ng kanyang mommy at sa mommy ni Liezel Martinez. Pero habang nagkukuwentuhan sina Ruffa at Zoren ay walang dating ng pagtataray sa kanyang mga salita.

Habang nagkukuwentuhan sina Ruffa at Zoren, nu’ng isalang ang VTR interview kay Amalia, ay halos mawindang sa kanyang kinauupuan ang mommy nina Lorin at Venice, dahil sa bandang huli ay may parating na salita sa kanya si Fuentes, na mag-abang lang daw si Ruffa, dahil marami pa siyang pakakawalang maaanghang na pambuwelta kay Annabelle. Napapailing na lang talaga si Ruffa sa patuloy pang alitan nina Rama at Fuentes.

 

WALA NA rin sigurong dapat pang panghinayangan tungkol sa hiwalayang Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Isang bagay lang ang tiyak d’yan, na talagang nagmahalan sila, at si Heart naman ay sobrang malalim din ang naramdamang pagmamahal kay Daniel. Pero ang maganda lang sa Tsinitang aktres ay hindi naman siya nagmamahal lang nang todo at hindi na nagtitira ng pagmamahal para sa kanyang sarili.

Kapag nagmahal kasi si Heart ay buong-buo niyang ibinibigay ang kanyang sarili, pero sa likod ng kanyang utak ay naroon ang pag-iingat na hihinto siya kapag alam niyang ang relasyong kanyang iniingatan ay wala nang patutunguhan.  Pinagbigyan ni Heart ang kanyang sarili na maramdaman ang todong pagmamahal kay Daniel, pero inihanda rin niya ang kanyang sarili sa dapat ay maging tapang ng kanyang loob kapag nakita na niya ang mga mali at kapintasan ni Matsunaga na puwedeng maging dahilan para unti-unti ay kumalas na siya sa dating karelasyon.

Matapang si Heart kapag mayroon siyang naging desisyon na dapat nang pa-nindigan. Naroon naman kasi ang suporta ng kanyang mga magulang at kapatid kapag mayroon siyang gagawing malaking desisyon para sa kanyang sarili. Hindi lang ngayon nagawa ni Heart na magdesisyong lumimot nang wala nang balikan. Isa sa pinakamatinding desisyon ng paglimot na kanyang ginawa ay sa panahon ng hiwalayan nila ni Jericho Rosales. Umalis papuntang ibang bansa noon si Echo, pero nang bumalik siya sa Pilipinas ay hindi na rin siya nakabalik sa dating tirahan nila ni Heart, at hindi na rin niya nagawang amuin pa si Heart para magkabalikan. Matigas si Heart kapag bumitiw na.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

4 thoughts on “Ruffa Gutierrez, nawiwindang sa away ng inang si Annabelle Rama at Amalia Fuentes

  1. Patutsada ? E ano ba ang ginawa ni Ruffa? Nagparinig siya na parang babalik na sa dos. I’m back raw. Pero iyon pala, magpropromote lang siya ng movie nila sa Gandang Gabi Vice. Ruffa, asa ka pa.

  2. Pingback: Ruffa Gutierrez, nawiwindang sa away ng inang si Annabelle Rama at Amalia Fuentes | Celebrity Philippines

  3. LAOS NMAN TONG POKPOK NATO KOMPARA SA IDOLLLLLLLLLLLLL KONG C MARIAN THE NUMBER 1111111111111111111 MAGANDA,MABAIT,SEXY MATALINO PSYCHOLOGY OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA ACHECHECHECHECHECHER

  4. hanggat hindi nananahimik ang mag-inang ruffa at annabelle, hindi matatapos ang issue na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.