Parazzi Chikka: Ruffa Gutierrez, nagwala sa Twitter

Maraming nag-react sa update ni Ruffa Gutierrez sa Twitter tungkol sa pelikulang In My Life. Isa si Ruffa sa mga nakapanood sa premiere night ng pelikula nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Kaya naman mega gulat ang mga followers ni Ruffa sa Twitter nang i-reveal nito ang mangyayari sa movie. React to the max ang mga followers n’yang hindi pa nakapapanood ng In My Life, inis na inis ang mga ito dahil sa pagiging taklesa ni Ruffa. Ayan, marami tuloy hate messages sa Twitter kay Ruffa ngayon. Next time kasi, lagyan ng “SPOILER” sa umpisa ng update para hindi na mabasa ha! Advice lang naman, ateh!

By Faith Salazar

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.