Ruffa Gutierrez, may kinikimkim na galit kay John Lloyd Cruz?!

BAGO PA I-ANNOUNCE ang pangalan ni Melai (Melissa Cantiveros) ay alam na niya na siya ang Big Winner kaya drama na lang ang kasiyahang kanyang ikinilos noong lumabas siya sa Bahay ni Kuya.”

Pahayag iyon ng aming source na nagsabi pa rin na “mali” ang pagkakapanalo ni Melai dahil una at higit sa lahat ay “drama” lang or scripted ang lahat ng mga ikinilos nito sa loob ng bahay ng PBB dahil may mga pagkakataon na nakabibitiw ito sa “character” na hinahawakan.
Hindi naman sa tinatawaran ang kakayahan ni Melai pero marami ang nagsasabi na ang career ni Melai ay matutulad din sa kinahinatnan ng career ng ilan pang Big Winner na sina Keanna Reeves, Nene Tamayo at Bea Saw, na pagkatapos manalo ay nasadsad sa kangkungan ang pangarap na sumikat.

“Sa lahat ng Big Winner ay si Kim Chiu lang ang sumikat sa kanila,” hirit pa ng aming nakausap.

AYAW PATULAN NI Ruffa Gutierrez ang balitang may kimkim siyang galit kay John Lloyd Cruz kung bakit “pinakalat”niya ang isyung John Lloyd at Shaina Magdayao.

Kung babalikan ang nakaraan, sinasabi na si Ruffa ang “mastermind” kung bakit pumutok ang isyu na tinuruan daw ni John Lloyd na maging lasenggera ang youngstar dahil sa matinding selos nito sa aktor na noong una ay hinihinalang boyfriend ng dating Second Princess ng Miss World.

“My God ayokong patulan ang ganyang tsismis, that is a nonsense issue.” Sabi iyon ni Ruffa nang kausapin namin siya sa dressing room ng channel 2.

Sa kabilang banda, ibinalita ni Ruffa na sobra ang saya niya dahil at long last ay natapos na rin ang matagal na naging problema ng Gutierrez family sa isang entertainment website.

“At least ngayon, masaya na ang lahat.” Ayon pa kay Ruffa, hindi naman daw naapektuhan ang kapatid na si Richard Gutierrez noong mga panahon ng kasagsagan ng issue. “Alam naman kasi namin kung ano ang totoo kaya hindi kami na-bother.”

Sinabi ni Ruffa na hindi naging mahirap sa mga Gutierrez ang magpatawad. “‘Yun lang naman eversince ang gusto namin, ang mag-apology sila. But since ginawa naman nila ang gusto naming mangyari dahil malinis naman talaga ang aming kunsensiya, okay na’ng lahat. Wala nang problema,” pagwawakas ni Ruffa.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Ruffa Gutierrez, may kinikimkim na galit kay John Lloyd Cruz?!

  1. wawa ang mga girls kay johnlloyd.. parang toy na lamang sa kanya ang mga girls…

    kaya nyo lang naman like si shaina dahil hate nyo si ruffa for johnlloyd..

  2. Sa tutuo lang, kawawa ang mga babae kay JLC, ngayon si Shaina naman, na isa ring walanga respeto sa sarili…after drinking session with JLC, nakishower duon then next day na umuwi…sabay daw sila ni JLC naligo…pwede pa Shaina, konting respeto…wag na ninyong idamay si Sarah, Bea sa gulo ninyong 3….

  3. kyo sa situation ni ruffa blng babae ay taon lumipas yong chismis kay ruffa at jlc ay lging nsa bunganga o putak ng putak ci inang ruffa. bkit hnggang ngyon nag react cya tungkol kay jlc affairs sa iba. bka tlga may secret affairl tlga at tingo lng nila pra hndi mcra image ni jlc. cge kng kyo dyan dyan situation kng wala kyong relayon ay puputak ba kyo. kya dumilat nakyo tlgng may secret affair cla at hndi lng ireveal kc mcra yong carer at image ni jlc.gnwa nya ay tapos ntatakot . pnindigan mo yan jlc dhil ng react c ruffa mula at ngyon.

  4. paano nyo nalaman na si shaina ang tinutukoy ni ruffa?? may linagay siyang namesung?? talaga namang mas mabait, virgin, masipag, maganda, at talented si sarah kesa kay shain! no comparison dear!!!! please o comparison!!

  5. tumpak ka dyan missy. hindi lang bitter with a capital B, ampalaya pa with a capital A. hoy! Ropa! maghanap ka nang kaedad mo. yung gaya ni Willie R or better yet kasing edad ni Dolphy. hahahahahaha!!!

  6. haha! anti melai itong nagsulat!! kahit ano pa sabihin nyo sisikat c melai kc marami xang fans!! fans ang bumubuhay sa career ng mga tga showbiz helloooo!!!

  7. wala kaming pakialam kung scripted man ang PBB ang mahalaga napasaya kami kahit sandali at nawala ang homesick namin yon lang! at deserving si melai na manalo if scripted man yon wezzz kami keberrrr! we love melason here in CH

  8. i remember ruffa’s tweets about shaina. she didn’t mention her name but she was obviously referring to her. pa-blind item effect!! di pa actually lumalabas sa news ang involvement ni JLC with shaina and john’s break-up at the time so I believe na sha talaga ang mastermind!!!

    She was even complimenting Sarah Geronimo after lambasting shaina in her previous tweets..trying to imply that Sarah is a much better choice compared to Shaina! i guess hindi nga bitter si Ruffa, haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.