Ruffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!

OLA CHIKKA! NITONG kamakailan lamang ay dumalo ang beauty ko sa launching ng New Fragrances of the Stars nitong sina Aiko Melendez at Isko Moreno. Madrama ang tatak ng pabango, kung saan ay pinangalanan itong “Vice” for him and her. Say n’yo?!

Say ko?! May nadali lang naman akong chika na bali-balita ay inilaglag na raw ni Mike Defensor ang katambal niya na twin sister ko ring si Aiko Melendez, ngunit dahil nandoon ang beauty ko sa launching ay hindi ko pinalampas ang chika na ito at inalam ang katotohanan.

Nasagap ng beauty ko mula sa loob na walang katotohanan ang mga chika na ‘yun, dahil imposibleng ilaglag ni Mike itong si Aiko. Hindi pa nga kasi nagsisimula ang kampanya para sa mga mayor at vice-mayor. Tiyak na gawa-gawa na naman ito ng mga naninira sa kanilang pagsasanib-puwersa.

AT SPEAKING OF sanib-puwersa, wala na ngang mas iinit pa sa eksena nitong sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Noong March 7 ay parang beauty queen na tumayo at lumakad itong si Ruffa, pero hindi para rumampa lang sa pageant kundi pagrampa sa pag-walk-out! Bhuket?! Eh, dahil napikon ito kay Kris, siguro talagang natatalbugan siya kaya may kaganapang ganu’n.

Maraming intriga ang naglabasan matapos ang walk-out scene ni Ruffa at kung anu-ano pang pagkukumparang pangyayari sa dalawang host. Say n’yo?

Say ko?! Eh, kasi naman itong ma-eksenang nanay ni Ruffa na si Anabelle Rama ay walang tigil sa kapakikialam sa mga anak niya na wala na sa lugar, maging pati mga lamok nga siguro na dumapo sa kanila ay walang ligtas dito sa terror mom… este, stage mom pala!

Hindi kaya chika lang ang pag-walk-out nitong si Ruffa?! I mean, may iba pang dahilan maliban sa pagkapikon niya kay Kris kaya may eksenang ganu’n?

Dahil alam kasi ng lahat kung gaano kamaldita rin itong si Ruffa. Kung ‘yung maimpluwensiya ngang foreigner, napataob ng mag-inang ito, bakit pagdating kay Kris walk-out ang drama nila?

Hmmm… may kinalaman kaya ang bago niyang talk show rito sa TV5? Naku ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong talent manager at producer na garapalan kung manlamang sa kanyang mga alaga?!

Ayon sa aking parazzi girl, itong si talent manager daw ay grabeng mag-cut sa mga talent fee ng kanyang mga artista as in akala mo siya na ang umarte sa parteng nakuha niya. Hindi lamang ‘yan, dahil producer din siya ay ginagawa niyang service ang mga kotse ng kanyang artista, punta rito, punta roon, lalo na kung mga out of town shooting.

Naku, ‘day! Kahit sa dulo pa ‘yan ng Pilipinas o ng mundo, magkababaan na sa sasakyan ay wah pa rin sa pagbigay ng pang-gas. Basta siya, relax lang, bahala kayo. Taray, ‘di ba?! At kung hindi mo naman siya isakay o pagbigyan sa gusto niya ay simpleng-simple lang din ang mangyayari sa’yo… hindi ka rin lang naman niya pagbibigyang lumabas kahit konting-konti sa pelikulang hawak niya.

Sino itong garapal na magulang manlamang na talent manager/ producer?! Kamag-anak ba niya si Rey Valera? Eh, ‘yung first name, may kaugnayan kaya sa sa pera? Kung hindi n’yo mahulaan… bahala kayo! Ha-ha!! Joke! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

27 thoughts on “Ruffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!

  1. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. Among the reporters, you have my respect simply because you are not afraid to speak your mind against Annabelle Rama. Unlike the others, who are so scared & just tolerate whatever Annabelle Rama is saying. Everybody knows who is Annabelle Rama & her kids. They are the one who’s mayabang not Kris! Look at Ruffa…so what f she’s beautiful? She loves her face so much, she think she’s perfect…so what? Wala syang talent maghost, her only talent is to pose for pictures! She’s definitely not a loss to abs-cbn! She’ll regret it once she’s on the other channel! I believe that’s the real reason why she cried…because she regret leavng abs-cbn. She listen to her mother who’s only after money! Sila ang mayabang! Ruffa loves to display her jewelries, change outfits many times… inspite of the crisis in the country. Simplicity isn’t her ever since.
    But what makes me more angry is the way people tolerate Annabelle Rama? If she’s angry w/ Kris, why drag Noy to the issue, who’s isn’t even on the show that day. Time & again, she reacted without even thinking! But why I’m sstill shock, she’s known to be cruel to everyone who gets in her way or her children. And I don’t buy na nagtitiis sila for many years sa pagbabara kamo ni Kris kay Ruffa! Sila pa, sila ang ayaw pasapaw kahit kanino man! If you watch Oprah or Ellen, you’ll see that their hosting is similar to Kris… they cut people in their mid sentence if they want to clarify or ask another thing. Ruffa plainly just don’t know how to host! Marami pa syang bigas na kakain bago niya mapantayan si Kris. Kris’s born to host…she’s one of the best if not the best in the country today.

    Thanks..sensya na humaba kase i just need to voice out my opinion.

  3. Nakita ko ang picture ni Annabelle Rama na hubo at nakikita ang boobs sa PEP. Bomba queen ba siya noong kabataan niya?

    • Tama naman si tita swarding, may iba pang dahilan si Ruffa at ang nanay nya. Wala kasing tunog ang paga alis nya sa ABS, dahil wala paki ang iba, so kailangan ang gimik kaya si Kris ang ginamit, so nakita nyo laman lahat ng news di ba. Kasalanan nilang mag ina yan, nag pahabol sila sa ABS, nagpataaas ng talent fee, hindi kinagat so babu silang bigla. Nataranta yung mag ina kaya si Ruffa panay ang iyak dahil hindi akalain na pakakawalan sya ng ABS. Nakakahiya naman kay Mr. Manny Pangilinan dahil pilit na pilit lang si Ruffa sa pag lipat sa TV 5, so paging MR. Pangilinan, be careful in dealing kay annabel, pera pera lang yan. Baka siraan pa kayo niyan. Nakita ninyo baligtad kaagad si Ruffa kay Kris, kasi gustong bumalik sa ABS. Kailnngan pag nag pa interview si Ruffa, kailangan gamitin niya si kris para masulat sya. Ruffa tell your mom that you are not a superstar so don/t demand like one.

  4. ops,ok ang report ni swarding ngayon ah!kung bakla ang topic,mas papatol pa ako kay SWARDING kaysa kay raymond!!!

  5. Bow ako sa iyo…ikaw lang yata ang kampi sa katotohanan among your peers dito Tita Swarding. In fairness, you hit the nail right on its head…kabisado mo si Ruffa.

  6. xokla yang si raymonding. tumatalsik ang mga mantika nya sa katawan este ang umaalingasaw ang pagkabading nya. di ba tita swarding?! so how do you spell baklers?

    R-A-Y-M-O-N-D-G-U-T-I-E-R-R-E-Z

  7. naku naman swarding yung article mo ay pinagsamang comment ng maka kris hahaha! no originality… what about article naman ng maka ruffa? lol

  8. parang me pasaring si Boy Abunda last night sa SNN: “Kaming mga lalaki hindi dapat nakikialam sa isyu.” – o di ba pasaring kay Raymond Guttierez!!!!! what do you think?

    • parang hypocrisy naman yun sa side ni Boy Abunda, if ever. i mean, the fact that a “gossiper” is Raymond’s job, well obviously makikialam siya. plus, sister niya si ruffa. i just dont get bakit ang daming inis na inis kay Raymond. tell me, when they probe an artist’s life, hindi ba isang form din ng “pakikialam” yun? so i dont effin understand why everyone’s attacking raymond!

  9. hay naku….gimik, gimik, gimik…..alam mo nman ang mga artista’t celebrities, publicity -hungry ksi nman that’s what keeps them sikat & relevant, whether good or bad pa ang issue ksi if they no longer talk abt you, laos-ian ka na kaya hala cge mag-isip ng gimik para mapag-usapan!

  10. oi first time na tita swarding na kinampihan si kris

    actually di naman kami yun e, yun ang tamang point

    mali naman talaga ang mga gutierrez sa eksena na iyon

    parang walang breeding gusto ba namang i gang-up si kris nina ruffa, annabel at raymond

    eww

    go team kris!

  11. Ito lanmg pala si Swarding ang makakbanat kay Bisaya. Clap clap Swarding. pag sinugod ka ni An-Evil sabunutan mo ng todo todo. Buwisit iyan mga iyan. Tanubgin mo nga si Mr. Gozon kung takot sila kay Bisaya

Leave a Reply

Your email address will not be published.