RUFFA GUTIERREZ, may death threats!

NANANATILING MALAKING PALAISIPAN para sa marami kung sino nga ba ang nagpapadala ng threatening messages lately kay Ruffa Gutierrez. Kahit anong pangungulit naman ng press sa actress-TV host, talagang ayaw niyang magdetalye tungkol dito.

“It’s a very delicate topic,” sabi ng co-host nina Cristy Fermin, Mo Twister, at Dolly Anne Carvajal sa Sunday afternoon showbiz talkshow ng TV 5 na Paparazzi. “Obviously, hindi naman ako ang maba-bother kundi ‘yong isang taong malapit sa akin. I’m sure, obviously alam naman ninyo kung sino ‘yon.”

There was a time na nagkaroon ng isyung tini-text ni Shaina Magdayao ng kung anu-anong hindi magagandang text messages si Ruffa. Ito ‘yong panahong hindi pa tapos ang pagkaka-link niya kay John Lloyd Cruz, pero nauugnay na nga ang aktor sa younger sister ni Vina Morales.

Hindi kaya sa young actress na naman galing ang mga gano’ng mensahe at ang tinutukoy ni Ruffa na malapit sa kanya na maba-bother hinggil dito ay si John Lloyd?

Pero talagang ayaw nang mag-comment ni Ruffa about this.

“You don’t have to ask me anymore,” aniya. “I’m just trying to keep quiet about it.

“Basta I’m just getting text messages threatening me. Pananakot sa buhay ko. Ako… I’m used to it naman, eh. Ang akala ko, nawala na, bumalik na naman. It’s about two weeks ago. Pero my God! I don’t wanna discuss it.

“It’s not a joke. It’s about real life. It’s about real family. But I don’t wanna discuss it na talaga because it’s not a showbiz topic.  And you know – for safety and security reasons na lang. Ayoko na talagang pag-usapan. Nakaka-stress!”

At tungkol kay Shaina, muling binigyang-linaw ni Ruffa na wala siyang galit o anumang bad feelings sa dalaga. Hindi raw niya alam kung bakit hanggang ngayon ay may gano’ng intriga sa pagitan nilang dalawa.

“There’s no issue naman talaga. I have nothing to say. I don’t hate anyone in the business. I love everyone. Alam n’yo naman ako, I always make friends with anyone.”

Si John Lloyd, kahit may pahiwatig sa tono ng pahayag nito na sila na ni Shaina, hindi pa rin direktang maamin ang relasyon nila.  Humihingi ang aktor ng sapat na panahon hanggang sa ma-feel daw nila ng young actress na dapat na silang magsalita.

No’ng kay Ruffa pa nali-link ang aktor, talagang mas tikom ang bibig nito. Wala talaga ni anumang nasasabi ang binata.

“Well with me… whether I’m dating or I would be dating someone, the reason is my ex-husband (Yilmaz Bektas). Hindi siya ordinaryong tao, siyempre. Alam natin ang kakayahan niya. So, I’m just protecting me and protecting my family.”

Sa sinabing iyon ni Ruffa, it sounds like puwede ngang naging sila dati ni John Lloyd at ang naging hadlang nga ay ang takot na baka kung ano ang gawing aksiyon ni Yilmaz. Ikinatakot din kaya ito ng aktor kaya ibinaling na lang ang atensiyon kay Shaina?

Wala namang ibang makasasagot ng tanong na ito kundi sina Ruffa at John Lloyd lang. Pero umiiwas ngang magsalita pareho ang mga ito.

ANG LAKING-TIPID PALA ng ABS-CBN sa production cost ngayon ng Wowowee kung ang pag-uusapan ay ang TF ng guest host na kapalit ni Willie Revillame. Gaya na lang halimbawa nang mag-host sa nasabing programa si Robin Padilla. 500 hundred thousand lang pala a week ang napakasunduang talent fee ng action superstar, sabi ng isa naming source.

Dalawang linggong naging guest host ng Wowowee si Binoe, kaya 1 million lang ang kabuuang TF ng action star. Barya lang kung ikukumpara sa napapabalitang 25 million a month o almost 1 million a day na kinikita naman ni Willie sa naturang programa.

Of course kay Binoe, wala ‘yon kung hindi man kalakihan ang TF niya bilang guest host ng Wowowee. Nakita kasi namin kung gaano siya nag-enjoy hosting the said program. May bonus pang kilig being with Mariel Rodriguez na nali-link na nga sa kanya ngayon, and funny moments sa umeeksenag nakikipag-love triangle sa kanila na si Pokwang.

We’ve seen also kung gaano ikinaliligaya rin ni Robin na makitang napapasaya niya ang live audience sa studio at maging ng mga viewers ng show na nasa kani-kanilang tahanan. Kumbaga, iyon ang kaligayahang hindi kayang tumbasan ng pera.

For sure, ang laki rin ng matitipid ng Dos sa TF naman nina Billy Crawford, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz na siyang pumalit kay Binoe bilang guest hosts ng Wowowee. At gano’n din sa iba pang susunod na kukuning pansamantalang host ng show.

It’s ABS-CBN’s gain na nawala si Willie sa Wowowee dahil mataas pa rin ang ratings nito and for sure ay hindi naman apektado ang kita ng show, pero nakatitipid sila ng bayad sa kinukuha nilang guest host. And with that, puwede na ring masabi ng pamunuan ng Dos na – care nila kung hindi na nga bumalik si Willie sa programa?

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous article‘Wag na ngang magsalita COCO MARTIN, AYUSIN NA LANG ANG ANAK!
Next articleKumpirmadong mag-dyowa Richard Gutierrez at Jewel Mische, magkasama sa Amerika!

No posts to display