Ruffa Gutierrez, may bagong manliligaw na foreigner?!

NAKITA namin at naka-chikahan ang ex-wife ni Willie Revillame na si Liz Almoro sa Circles resto sa loob ng Makati Shangri-La Hotel last Friday, October 8, ng gabi. Hindi kasama ni Liz nu’ng gabing ‘yon ang kanilang anak ni Willie na si Juamme. Tanging ang kanyang Mommy, 17-year-old sister na nagwo-workshop daw sa ABS-CBN, pinsang babae at asawang Canadian at baby nila, Canadian friend nilang lalaki, at ang current boyfriend ni Liz na si Victor Aliwalas ang mga kasama sa dinner ng former model.

Maganda, sexy at model na model pa rin ang dating ni Liz hanggang ngayon. Masayang nakipag-picture-taking pa ito sa amin. Mabuti naman daw ang anak nila ni Willie na si Juamme at busy pa rin s’ya sa kanilang family business.

Nagkakilala raw sila ng GMA artist na si Victor thru their common friend. At ngayon nga ay three months na raw silang magkarelasyon, ayon kay Liz. Very polite naman si Victor nang ipakilala s’ya ni Liz sa grupo namin.

Nabanggit namin kay Liz na na-meet na namin over a year ago si Victor, dahil naging boyfriend din s’ya ng aming non-showbiz friend na babae. Sinabi rin namin ito kay Victor nang ipinakilala kami ni Liz sa isa’t isa. Pero mukhang hindi na agad matandaan ni Victor ang kaibigan namin na naging girlfriend n’ya rin less than two year ago only, kaya napangiti na lang kami sa kanya. Memory gap?

NU’NG SABADO, OCTOBER 9, naman ng gabi sa lobby naman ng Makati Shangri-La Hotel pa rin ay nakita naman namin ang napakagandang si Ruffa Gutierrez in a red tube gown. Galing sa event ni Tessa Prieto-Valdez yata roon ang actress-TV host, gaya ng iba pang celebrities na namataan namin that night, like Ma. Venus Raj, Zanjoe Marudo, Enchong Dee, Victor Basa and girlfriend Divine Lee, at Tim Yap.

Maging sina Victor at Liz, at Willie ay magkahiwalay, s’yempre, na present din sa affair! Although, nakita naming maaga umalis ang mag-dyowang Victor at Liz, nagkita kaya ang dating mag-asawa sa loob ng hotel ballroom?

Well, going back to Ruffa. Binati naman kami ng ever nice na unica hija ni Tita Anabelle Rama, kahit medyo malayo ang distansya namin sa isa’t isa. Nagulat lang kami nang may lumapit sa kanyang guwapong foreigner na tila kasama n’ya. Pero, if we’re not mistaken, mukhang hindi iyon si Cesar Flores ng Smartmatic na na-link sa kanya.

Kasama ni Ruffa ang kanyang personal assistant na si Jimmy at mga kaibigan n’yang magka-partner from society world at isa pang babaeng medyo morena. Sa gilid yata sila ng hotel lumabas since halos lahat ng mga guests ay sa lobby naghihintay ng kanilang mga sasakyan.

Bagong manliligaw nga kaya ni Ruffing ang nakita namin? Why not? Ruffing is beautiful inside and out, so she deserves to be happy!

MAY BAGO NA nga bang pumalit kay Katrina Halili sa puso ni Kris Lawrence? Sa nakalipas na 2nd Star Awards for Music sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo last Sunday, October 10, night ay may kasamang magandang dalaga ang R & B singer.

Tricia ang name ng ka-date ni Kris at the awards night. She’s a 21-year-old business management graduate from University of Santo Tomas.

Sinama na rin daw ng singer ang morena beauty sa nakaraang Awit Awards kung saan napagkamalan pa raw ito na si Katrina Halili. Nakangiting kuwento ni Tricia sa amin.

Since tapos nang mag-aral ang dalaga, gusto raw nito na magbakasakaling sumali sa Binibining Pilipinas.

Makinig rin po kayo sa radio show namin nina Ogie Diaz, Rommel Placente, Eric Borrome at Ms. F as in Fernan de Guzman na Wow! Ang Show biz! sa DWIZ 882 khz, Monday-Friday, 11-12 nn.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleJohn Lloyd Cruz, guwardiyado kay Shaina Magdayao?!
Next articleSa ‘pagtataksil’ kay Kim Chiu Gerald Anderson, ‘di napigilang umiyak, at mag-walk-out!

No posts to display