Ruffa Gutierrez, kinontra ni Annabelle Rama sa pagdating ng ex-husband!

WALANG KAKUPAS-KUPAS SI Annabelle Rama sa pagkontra sa unica hija niyang si Ruffa Gutierrez kapag hindi niya gusto ang sinasabi nito.

Kinumpirma kasi ni Ruffa ang pagdating ng ex-hubby niyang si Yilmaz Bektas sa 3rd week ng March para dalawin ang mga anak.

“Baka isama ko siya sa malaking event ng TV5,” sabi ni Ruffa.

Agad narinig ang comment ni Annabelle: “Hindi siya kasama sa TV5, huh!” Umaalingawngaw niyang wika. Meaning, hindi puwedeng sumama si Yilmas kay Ruffa sa big event na iyon, dahil hindi siya (Ylmas) kasama sa kontratang pinirmahan nila sa nasabing istasyon.

Meek as a lamb namang sumagot si Ruffa: “O, hindi raw!”

Kapag ineskortahan nga naman ni Ylmas si Ruffa sa big event ng TV5, magkakaroon ito ng exposure na hindi makabubuti kay Ruffa, dahil baka akalain ng mga tao na posibleng magkakasundo sila uli at matatapos ang pagiging single uli ni Ruffa.

“Humihingi nga siya ng copy (tape ng kasal namin na ipinalabas sa GMA-7). Hingi ka na rin mommy,” hirit ni Ruffa.

“What for?” Muling narinig na sagot ni Annabelle. Obvious na hanggang ngayon, hindi pa rin napatatawad ng ina ang dating manugang. Halakhakan tuloy ang mga naroon. Bagay na ikinatawa na rin ni Ruffa.

Hindi na bago sa madlang pipol ang eksenang iyon sa tunay na buhay ng mag-ina. Actually, hindi lang sila hanga kay Annabelle sa pagiging defensive lagi sa anak. Hanga rin sila kay Ruffa sa pagiging masunurin sa ina, lalo’t kabutihan niya ang nasasangkot.

Incidentally, sa paglipat ni Ruffa sa TV5, marami ang mga artistang bumubulong sa kanya na i-deal na rin daw sila sa bago niyang istasyon. Ayaw lang ni Ruffa na banggitin ang pangalan ng mga ito.

ON THE OTHER HAND, tutol din si Dolor Guevarra (manager ni CarminaVillaroel) sakaling maisipan ng alaga at ni Zoren (Legazpi) na pakasal.

“Kabuti-buti at ayos ang pagsasama nila, baka maghiwalay pa!” Katuwiran niya.

Nakuryente na nga naman si Carmina sa una niyang kasal kay Rustom Padilla (na BB Gandanghari na ngayon). Napakaganda ng relasyon nina Mina at Zoren, lalo’t may kambal silang bukod sa cute na cute ay paborito pang commercial models ng iba’t ibang produkto, bakit nga naman sisirain pa?

Actually, hindi na nga rin pumapasok sa isipan ng couple ang pagpapakasal. Hindi naman sa against sila sa pagpapakasal, kundi, nakalimutan na nilang paghandaan ito, lalo’t pareho silang abala sa kani-kaniyang careers.

“Lucky lang ako at hindi ako pinababayaan ng GMA-7,” ani Carmina. “Alam kasi nila that even at the start ay kailangan ko na ang trabaho. Tuloy, nasanay na ako na laging trabaho na lang ang inaatupag. Ini-enjoy ko ang blessings na ibinibigay sa akin, tulad nitong Pepito Manaloto kung  saan kasama ko sina Michael V, Manilyn Reynes, Ronnie Henarez, John Fier, at Joshua Pineda sa direksyon ni Bert de Leon. Hindi pa nga ako tapos sa The Last Prince na ipinalalabas pa ngayon sa GMA-7,” natatawang wika niya.

Buti na lang at nagawa ni Honey (Zoren) na i-prioritize ang pag-aasikaso sa aming kambal. Suwerte ko rin na may isang Honey na hands-on sa kanila. Ayaw niya kasing ibang tao ang nagpapalaki sa aming mga anak.”

NANANAWAGAN DIN ANG GMA network sa mga single ladies and bachelors na naghahanap ng perfect dates. Kaya, kung gusto ninyong lumigaya, go na kayo agad. Siya nga pala, para sa mga 20 to 40 years old lang ito, sa GMA Network Drive. Dala din kayo ng orig na copy at photocopy ng inyong birth certificate, valid ID, whole body and close up fotos. At personal n’yo pong dalhin ang mga requirements kay Virna Canete.

Payo ko lang na mag-ayos na kayo nang husto dahil kikilatisin na kayo agad ng kakausap sa inyo. Mate-televise pa kayo kung saka-sakali at made-discover for TV.

Higit sa lahat, baka matagpuan na ninyo si Mr. or Ms. Right.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

4 thoughts on “Ruffa Gutierrez, kinontra ni Annabelle Rama sa pagdating ng ex-husband!

  1. Ang kasal is to legalize things. Kasi ang ending, mga anak nila, illegitimate pa rin. gugustuhin mo bang mamatay kayo tapos mga bastardo ang mga anak niyo? at hindi kasal ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa. kaloka namang reasoning yan.

  2. wow, parang timing na timing ang pag iingay ni ruffa with ylmas coming and the “walk out” scene and conflict with kris (daw) sa the buzz. para ano, mapag usapan sa nalalapit na pag transfer sa tv5? ang galing, well-orchestrated! BRAVO BRAVO BRAVO… kaya lang SYLE BULOK pa rin!

    bwahahahahahahahaha!

  3. naku nmn nkalimutan mf plano n bka pag nagpakasal maghiwalay?babaw nmn nun iba prin ang my blessing sa taas nasa couple un kung kaya nilang panindigan ang kanilang pagsasama at pagmamahalan etc etc..prang cnbi nio nrin n sumicra ng pagsasama pag ikinasal may GOD bless u …hayzz…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.