Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!

LIKE A boy scout who is always ready, in-anticipate na ni Joey de Leon that there would be a discussion segment among his co-hosts Lolit Solis and Butch Francisco (minus Ricky Lo who was assigned at the Makati Medical Center) on Dolphy.

Bitbit ni Tito Joey ang isang brown custom-made notebook na may sticker pang “Starzan” in whose page ay nakaipit ang ilang large-size colored photos taken at his poker sessions with the Comedy King.

Intensiyon ni JDL na ipabatid sa mga tagasubaybay ng kanyang pokermate that he (Dolphy) is also human as much as he is a hardworking person, na napapagod din sa kanyang trabaho, and like anyone else, ay meron ding karapatang maglibang.

But such pictures, due to limited airtime, were never shown. Sa halip ay ipinakita ni Tito Joey ang isa sa mga pahina ng kuwadernong ‘yon, kung saan may ibinigay na drawing ng kabayo sa kanya si Tito Dolphy. This time, JDL wanted to impress upon the public that the Comedy King is also gifted with a hand that draws a piece of art that reveals a part of his personality.

“Eh, bakit kabayo? Ipinanganak ba si Mang Dolphy sa Year of the Horse? Ha! Ha! Ha!” tanong ni Lolit. Then JDL reasoned out, “’Di ba, ang kabayo, eh, sinasakyan ng mga hari? Ano ba si Dolphy, hindi ba’t Hari ng Komedya? Ito talagang si Lolit, oo, palibahasa puro kabastusan ang nasa pag-iisip.”

 

THE DAY after she threatened to leave her hosting job in Paparazzi (via Twitter), sinipot ni Ruffa Gutierrez the following night ang Miss World 2012 Philippines’ pageant night at the Tent City of the Manila Hotel nitong Linggo.

Para sa amin, Ruffa’s presence as Edu Manzano’s co-host was “contractual” in nature, as this could have been a pre-vious commitment bago pa man ang kanyang claim na nabastos o binastos siya sa Paparazzi particularly in the Bulong ng Palad segment sa kanyang birthday episode.

Pero mas malakas ang bulungan in at least two tables na inupuan namin at the hotel’s meal venue ang tila “afterthought” in Ruffa’s reaction sa insidenteng ‘yon. Nag-sink in lang ba sa psyche ni Ruffa ang umano’y pambabastos sa kanya after the show, when during the show ay nagtu-tweet na siya as if she was having fun?

Ang naturang segment ay hindi kapapanganak lang, kaya hindi na ito bago kay Ruffa who also takes part in it in the program’s previous guests. Kumbaga, let the imagination of the viewers run wild trying to figure out kung ano ang ibinubulong na tanong directed to the subject who, in turn, whispers back his or her answer.

Ayaw naming isipin na nawala man si Mo Twister sa Paparazzi, his shadow remains sa katauhan ni Ruffa. Hindi ba’t ang reklamo ng kanyang mga co-hosts kay Mo ay lisensiyado siyang mang-okray ng guest, pero wala siyang karapatang okrayin? Isn’t Ruffa’s “double standard attitude” very Mo?

Anyway, halatang malat na si Ruffa as she, along with Edu, announced the winners in the Miss World 2012 kung saan si Queenerich Rehman of Las Pinas City (Candidate #22) took home the crown and would represent the country in Mongolia. Tinanghal na First Princess si Mary Jane Ross Misa (of Parañaque City);  Vanessa Claudine Ammann (of Cebu City) bilang Second Princess; April Love Jordan (of Tondo) bilang third runner-up at Brenna Cassandra Gamboa (of Batangas) as fourth runner-up.

SALAMAT SA kanyang nagtsutsung kumare, nalaman tuloy ni Rufina na pinagtataksilan siya ng kanyang kinakasamang si Marlon. Ito ang Wednesday episode ng Face To Face na pinamagatang  Misis Nagngingitngit Sa Mister, Hindi Na Makasingit Dahil Umeeksena Ang Dalawang Kabit! Susi si Adora kung bakit nabuko ni Rufina na bukod kay Analiza na nahuli niyang nakikipagyarian sa nakagaraheng taxi ni Marlon ay may dyowa pa ito, si Maricris na balak kasamahin ng pabling habambuhay.

Makisimpatya naman kay Josie na pinalayas daw ng kanyang mga anak sa episode bukas na Anak Pinalayas Ang Ina Dahil Mga Lalaki Niya’y Paiba-iba! Pero ayon kay Jerry Boy, hindi raw totoong itinaboy nilang magkakapatid ang ina, kusa raw itong nag-alsa-ba-lutan para sumama sa kanyang mga boylet na mas prayoridad daw nito kesa sa kanyang mga anak.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

16 thoughts on “Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!

  1. May naamoy kc si Ruffing na malapit ng matsugi ang Showbiz Central– ‘yan babalik naman ito sa siyete. Kung sabagay manganganak na si Papaya Guanio, si Ruffing naman ang bida. Sa sunod sa PTV4 at RPN 9 ka na babagsak pag nagwala, nag walkout, cry me a river ka sa 7. Ginawa mo na yatang Visita Iglesia ang mga networks di ka pa rin sikat! Ano ba yan?!?!

  2. BAKIT HINAHAYAAN PANG MAG-HOST C ROPA NG MGA PAGEANT EH BAKA ULITIN NA NMAN NYA YUNG GINAWA NYANG PANLOLOKO SA MMFF SCANDAL. BAKA I-ANNOUNCE NYA YUNG IBANG NAME NA HINDI NMAN PALA TALAGANG NANALO. BWAHAHAHAHAHAHAH

  3. hahaahaha oo nga kapareho niya si mo,sabagay laki pareho sila sa state alam ninyo naman d2 ang mga tao cry baby,gaya ng masabi lang silang mataba magagaglit na at magdedemanda pa samantalang sa pinas okey lang iyon 22o naman maski nga mga edad ng tao sa state ayaw nilang sabihin hahahaha laking amerika kya ganyan magaling mang-asar pero kapag sila ang naasar nagagalit hayy..iyan ang katotohanan,gustong lumiupat?sino pa ang ang tatanggap diyan wasla..hahahahahah

  4. Imagine, pag laki ng dalawalang anak niyang si Venice at Lorin saka lang nilang natuklasang isang BOBITA pala ang nanay nila.

  5. Iyan kasi nagmamadaling lumipat sa 5, malaking nga naman ang talent fee pero na tigok naman ang popularity nya at nawalan ng dignity. Kaya yon, gumimik ulit. Kailangan bansagan itong si Ruffa ng “Exit Queen” dahil palaging drama kung umexit sa show kagaya ng ginawa nya sa The Buzz noon at ginamit pa si Kris. BAKA MAY BIPOLAR ITONG babaeng ito.

  6. gusto lng lumipat nyan either sa GMA or ABS-CBn kasi lalo syang nalaos at nagmukhang starlet sa TV5 ha ha ha . di ka kailangan ng Kapamilya network, sa GMA baka mabola mo pa sila.

    • ni Binge walang nakarinig ng “bastos” question sa show…tingnan mo sa You Tube…as in WALA, pati audience walang nakarinig kung ano ang “bastos” na tanong. Gumagawa ng gimik ang unica hija ni Anaevil, like mother like daughter.Mga sinungaling! Mga gimikera!

      • oo nga!! di nman nila snabi on air noh!! Si ruffa lng nman ang nagbigay ng meaning dun.Pinaingay nya ung tnung ni Mr.Fu kaya lumaki ung isyu!!

  7. My God. There’s something wrong with this Family. They act like they are super talented but for the mere fact, they are just arrogant liars who think they are ALL THAT. Starting from the mal edukadang ina, his Super Gay mapang lait and feeling sikat sister , este brother Raymond, and the robotic alien faced Richard who has poor acting skills and sad to say talentless. and they demand like we filipinos should look up to them? She felt like binastos siya, oh well, that’s because she’s Bastusin. Stop the Primadorang arte because she has no career. Isa kang HAS BEEN,…LAOS! Ruffa Guttierez!

  8. My God. There’s something wrong with this Family. They act like they are super talented but for the mere fact, they are just arrogant liars who think they are ALL THAT. Starting from the mal edukadang ina, his Super Gay mapang lait and feeling sikat sister , este brother Raymond, and the robotic alien faced Richard who has poor acting skills and sad to say talentless. and they demand like we filipinos should look at them highl? She felt like binastos siya, oh well, that’s because she’s Bastusin. Stop the Primadorang arte because she has no career. Isa kang HAS BEEN,…LAOS! Ruffa Guttierez!

Leave a Reply

Your email address will not be published.