Ruffa Gutierrez – John Lloyd Cruz, ‘di pa tapos! – Ruben Marasigan

NAKATAMBAY KAMI SA studio kung saan umeere nang live ang The Buzz last Sunday nang mapansin namin sa isang sulok si Ruffa Gutierrez na nangingilid ang luha. Carried-away raw siya habang pinapanood ang VTR ng co-hosts niyang sina Boy Abunda at Kris Aquino na ini-interview si dating Pangulong Joseph Estrada at ang anak nitong si Senador Jinggoy Estrada.

Sabi nga namin kay Ruffa, hindi namin akalaing gano’n kababaw pala ang luha niya.

“I think when I became a Mom, naging emotional na ako when it comes to things about family,” aniya. “I became emotional and more sensitive na even in little things, napapaluha na ako.”

Kahit parang medyo nalusaw ang make-up ni Ruffa dahil nga sa ‘di napigilang pagluha, lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda. Is it because totoo nga ang tsismis na after ma-link kay John Lloyd Cruz ay meron isang non-showbiz guy na bagong inspirasyon niya ngayon?

[ad#post-ad-box]

“Siyempre ‘yong inspirasyon, nandiyan lang naman ‘yan. Hindi mawawala ‘yan. Na may mga nagti-text-text. May mga kilig-kilig moments. Pero walang particular person na nagpapakilig sa akin. It’s just the thought na may admirers ako, nagti-text every now and then na medyo may kilig factor minsan. Hanggang do’n lang.”

There was a time na mainit ngang pinag-uusapan ang pagkakaugnay niya kay John Lloyd.

“We’re still friends, Hindi lang napa-publicize. We’re still close pa naman. Pero ayoko siyang pag-usapan. Dahil siyempre, mas mabuti na ‘yong tahimik, ‘di ba?”

Hanggang kailan siya magiging loveless?

“Alam mo, mas type yata ng mga tao na single ako!” Napabungisngis na sabi ni Ruffa. “Ayaw nilang nali-link ako kung kani-kanino. Parang it’s much more exciting daw when I’m single. So I’d like to remain single. Siyempre ‘yong mga tao inaabangan kung kanino ako mai-in love ulit. So we’ll see. We don’t know what’s gonna happen. Basta sa ngayon, wala talaga.”

MABILIS ANG PAGSIKAT ngayon ng sinasabing bagong child wonder na si Cha Cha Cañete. Regular siyang napapanood at kinagigiliwan ng lahat sa Goin’Bulilit. Bukod dito, isa pang bagong show ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang Kulilit na children’s program pa rin.

Pati sa pelikula, in-demand na rin itong si Cha Cha. Matapos siyang lumabas sa In My Life na pinagbidahan nina Vilma Santos, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz, nasundan agad ito ng Wapakman ni Manny Pacquiao. Katatapos lang din niyang gawin ang A Journey Home, kung saan anak ni Toni Gonzaga ang papel niya.

Recently, sa press launch ng Phillips lighting products, tuwang-tuwa at aliw na aliw ang lahat nang magpakitang-gilas siya sa pagkanta.

Alam daw niyang sikat na siya. Aminado na rin siyang marami na siyang pera dahil kaliwa’t kanan nga ang alok na projects sa kanya.

“Nakatago po ‘yong pera ko sa bangko. Gusto kong ipunin lahat ng kinikita ko para sa pag-aaral ko. Nurse po ang gusto kong maging paglaki ko.

“Dalawa lang po kaming magkapatid. Ako ang panganay. ‘Yong Mama ko, nasa bahay lang at nagpapadede sa baby sister ko. ‘Yong papa ko naman, nagluluto. Chef po kasi siya.

“Hindi po ako naiinip kapag nasa work gaya sa taping ng Goin’ Bulilit. May dressing room naman po at saka malamig doon. Naglalaro lang ako kapag walang take.”

Natawa siya nang matanong kung totoong crush nga ba niya si Santino.

“Ay, hindi po! Bata pa po ako,” makling nasabi na lang ni Cha Cha.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Ruffa Gutierrez – John Lloyd Cruz, ‘di pa tapos! – Ruben Marasigan

Leave a Reply

Your email address will not be published.