Ruffa Gutierrez, iwas magkomento sa isyu ni Anne Curtis

Ruffa-GutierrezMUKHANG DITO  sa Manila magpa-Pasko si Ruffa Gutierrez. Sa katunayan, excited siya na sumakay sa float ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy, kung saan kabilang siya as a support kay Vice at asawa ni Joey Marquez sa pelikula.

Pero may plano si Ruffa to spend New Year sa ibang bansa just like ng nakasanayan niya.

When asked about the issue na kinasasangkutan ng kaibigan niyang si Anne Curtis kamakailan na keri nitong bilhin ang kahit na sinong tao (naawa kami kay Phoemela Barranda who recently lost her job sa The Buzz as a stand-upper ng magpalit ito ng concept para pagsabihan nang gayon ng akala naming sweet na si Anne), ayaw magbigay ng komento ni Ruffa.

“Basta no comment ako diyan,” iwas sagot niya.

Ano pa nga ba?…. waley na nga at pinapatay na ng kampo ni Anne ang isyu.

 

KAHIT SA hirap ng buhay ngayon, hindi rason para sa PPL Entertainment na management company nina Dingdong Dantes, Wendell Ramos, Carl Guevarra, Jolina Magdalangal, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Max Collins at Angelika dela Cruz na magpasalamat sa showbiz press na tumulong sa kanila sa taong 2013 with a simple Christmas Party.

Hindi nag-inarte si Perry Lansingan at ang mga artists niya sa konting kakayahan nila para ibahagi sa showbiz reporters and writers ang kanilang konting nakayanan bilang pasasalamat sa tulong at supporta namin sa mga PPL Talents.

Super O.A. sa akin na ang mga Christmas party (isa itong form of appreciation of gratitude) sa mga taong tumulong sa ‘yo ay kinansel ng ibang kompanya dahil sa bagyong Yolanda.

Naiintindihan ko ang hirap na dinaranas ng mga survivor, pero dapat bang kalimutan na minsan sa isang taon ay bigyan mo importansiya at pasasalamat ang mga taong nakatulong sa iyo at deadmahin ang pasasalamat dahil sa isang kalamidad?

Feeling ko nga, over-kill na ang tulong ng mundo sa mga survivors na pakiwari ko’y ilang billions in cash at supplies na ang umaapaw na tulong na parang hindi naman nakararating sa mga survivor.

Sa konting kakayahan ng PPL Entertainment, ‘yong cash token nila sa press na binawasan nila ng P100  para maging share namin sa ipinatatayong mga classrooms nila sa Estancia, Iloilo headed by Dingdong’s Yes Pinoy Foundation  is a sincere gesture at hindi over-acting sa amin.

We love the concept. Ito ang totoong sharing na waley ka-eklatan at ka-O.A.-yan.

Maraming salamat PPL Entertainment and Talents.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Ruffa Gutierrez, iwas magkomento sa isyu ni Anne Curtis

  1. Pingback: Ruffa Gutierrez, iwas magkomento sa isyu ni Anne CurtisLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.