Ruffa Gutierrez, iniiyakan pa rin ang dating asawa! – Gorgy’s Park

MANGIYAK-NGIYAK SI RUFFA Gutierrez nang nakatsikahan namin ito sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XI nang si Yilmaz Bektas na naman ang pag-usapan dahil aminado naman ang aktres na ito pa rin ang greatest love niya hanggang sa ngayon.

Nakapag-file na nga ng annulment si Ruffa dahil gusto lang daw nitong makuha ang custody ng kanilang anak na sina Lorin at Venice.

“I filed for annulment tsaka custody for the kids. Custody not because may hinihingi akong pera sa kanya but a custody just to legalize everything kasi kailangan ‘yun, because of documents in terms of papers. Mabuti na ‘yung everything is in the right thing, ‘di ba?

“Pagdating naman sa monetary settlement or ganyan, hindi na ako humihingi ng ganu’n kasi nagpapasalamat naman ako sa Diyos, never akong nabakante, lagi akong may work. Kaya ko naman silang suportahan with all my love, with everything that I can give them.

“Marami naman silang mga titos and titas dito sa Pilipinas, mga kaibigan na nagmamahal sa amin,” pahayag ni Ruffa.

Wala na raw silang komunikasyon ni Yilmaz pero ang huling e-mail daw sa kanya ni Yilmaz ay nagkasundo na raw silang hindi na siya pupunta ng Turkey at wala na raw siyang kakausaping mga kaibigan nilang Turkish people na may koneksiyon sa kanila.

Kumbaga, isinara na nila ang ano mang konek nilang dalawa pero nandiyan pa rin ang pagmamahal na naramdaman ni Ruffa sa dating asawa. At tanggap naman daw niyang hindi na talaga puwede at mananatiling ama na raw ito ng dalawa nilang anak.

Kung sakaling gusto man daw ni Yilmaz na pumunta ng Pilipinas para dalawin ang kanilang anak, welcome naman daw ito at hindi naman daw niya ito ipinagbabawal.

Natanong din namin kay Tita Anabelle ang ipinag-i-emote ng kanyang anak at naloka nga raw siya dahil nakikita pa rin daw niyang iniiyakan ito ni Ruffa.

“Nakikita ko nga ‘yang umiiyak-iyak, akala ako ibang lalaki ang iniiyakan si Yilmaz pa rin pala! Pero malabo na talagang magkabalikan sila, ‘dong!” Sey ni Bisaya.

Kaya sabi nga ni Ruffa, hindi pa rin daw siya talaga handa sa seryosong relasyon kahit maraming nali-link sa kanya. Ang gusto raw niya talaga, kung sakaling makipagrelasyon siya ay lifetime partner na niya ito at sana hindi na mangyari sa kanya ang sa kanila noon ni Yilmaz.

SEY NI HAYDEN Kho, ang Christmas wish daw niya ay sana maging successful ang perfume business niya na sinisimulan na niya ngayon.

Bukod sa perfume business na gustong simulan ni Hayden, meron siyang bar na The Lounge sa Morato na sabi nga ni ‘Nay Lolit, sampung milyong piso raw ang puhunan du’n ni Dra. Vicki Belo.

Ang New Year’s Resolution naman daw ng kontrobersiyal na doktor ay HIS, ang ibig sabihin daw nito ay Humility, Integrity and Service.

Siyempre, tumaas na lang ang kilay ni Manay Lolit na ‘di pa rin naniniwala sa mga pinagsasabi ni Hayden.

By Gorgy’s Park

loading...

3 thoughts on “Ruffa Gutierrez, iniiyakan pa rin ang dating asawa! – Gorgy’s Park

  1. Alam mo Lolit ang sa palagay ko may pagnanasa ka kay Hayden kasi iniintriga mo parin hanggang ngayon si Hayden. Let him to live he’s life for goodness sake. Kayo ni Bong Revilla pareho naman kayong mga walang credebility. Si Bong saksakan ng yabang at babaero. Ikaw manloloko at sinungaling kaya kung ako sa inyong dalawa shut your big mouth.:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.