Ruffa Gutierrez, ignorante sa tomboy

Ruffa-GutierrezMUKHANG HINDI pa talaga nagkaroon ng encounter si Ruffa Gutierrez sa tomboy.

Siya rin mismo ang nagsabi na mas sanay siya sa mga beki, lalo pa’t ang mundong kanyang ginagalawan, showbiz man at sa sosyalan, mostly mga bading ang mga kasama niya. Enjoy siya na kahalakhakan ang mga baklita than in the company of the lesbians which for her is very alien sa mundong kanyang ginagalawan.

Natural ang reaksyon ni Ruffa ng mag-guest siya last Monday as one of the Hurados sa That’s My Tomboy segment ng It’s Showtime kasama ang mag-asawang Isay Alvarez at mister nitong si Robert Sena, Amy Perez (na nagbabalik Kapamilya Network with Kuya Dick Paulate sa isang show) at Comedy Queen Ms. Ai-Ai delas Alas.

Napaka-natural ng mga reaksyon ni Ruffa ng siya ang maging puntirya ng mga tanong ng mga kasamahan niya at mga hosts ng show about ka-tomboyan.

My gosh ang reaksyon ni Ruffa who can’t believe na ang mga contestants na nakatambad sa kanya na kilos-lalaki at nagpapa-cute na tipong men ay mga babae by birth. In short, 100% female, ‘ika nga, but with an alternative lifestyle tulad sa babae na ang gusto ay babae o babae na nagbibihis lalaki na ang trip o type ay mga babae.

Ruffa-GutierrezNapaka-straight-forward ni Ruffa na wala pa siyang encounter sa mga lesbian. Mukhang inosente or shall I say ignorante si Ruffa sa mundong meron ang mga tomboys tulad sa mundo nina Aiza Seguerra at Charice Pempengco.

Kaya hayun, para ma-orient naman si Ruffa na ang mundong ginagalawan niya ay hindi lang binubuoo ng babae, lalaki at bading, kundi may mga Lesbo at Tiburcia rin (mga butch na nag-aastang lalaki at mga lesbian na magaganda at naka-kuntodo make-up na hindi halata na kasing sexy rin ni Anne Curtis or Bea Alonzo), si Ai Ai, nag-volunteer na io-orient siya sa mundo ng mga lesbian. Sabi nga ng komedynte, “Ipakikilala kita sa isa,” pertaining na iho-hook-up si Ruffa sa isang lesbian na makade-date nito.

The fact na ang buhay pag-ibig ngayon ni Ruffa ay zero for more than two years na; who knows kung hindi siya suwerte sa mga lalaki (she likes men na tipong bad boy), baka sa lesbian, magustuhan niya at mag-click sila after ng hook-up na gagawin ng Comedy Queen very soon.

 

NAGING VIRAL ‘yong picture sa social network, kung saan imbis sa pisngi ni Ms. World Megan Young bumeso si Congressman Sonny Belmonte, doon siya sa ilalim ng kaliwang tenga ni Megan humalik. Na sa social network, ang tawag ng netizens sa sinasabi nilang halik na may malisya ay  “habhab”, “sibasib” at “sexual beso.”

Depensa ng ila, baka sa sobrang tangkad ni Megan na suot ang five inches stilleto niya, hindi inabot ni Cong. Sonny ang pisngi ng dalaga.

Pero aliw ‘yong photo na ‘yun. Kung bibigyan mo ng malisya, magandang caption: Halik sa Beauty Queen na may malisya ng isang Malisyosong Kongresista. Aliw! What do you think people?

 

HINDI NAMIN napanood ang Buzz ng Bayan na ipinalit sa The Buzz na 100% showbiz.

Sa reformatted show ni Kuya Boy Abunda (with new co-hosts Janice de Belen and Carmina Villaroel), ang daming nadismaya sa palabas last Sunday.

Thematic sabi nila with matching showbiz celebrities as respondents with matching live audience.

“It’s like watching the old style and concept of Mel and Jay,” e-mail sa amin ng isang diehard The Buzz suki who hails from Los Angeles, CA in the USA.

Most reactions na nakuha namin from regular viewers ng The Buzz, they want the old concept back.

“Gusto ko ng showbiz news. Gusto ng nanay ko, ‘yong tsismis at hindi yong pasosyal na show,” reaction ng isang regular reader namin sa aming Facebook inbox.

We know that Kuya Boy is good – very good in his hosting job. Better than Oprah Winfrey kumpara kay Kuya Boy who can host a show in English, Filipino and Waray, while Ms. O can only host her show in English (‘di ba naman?), bukod sa magagaling ang mga co-hosts niya tulad nina Janice at Carmina.

Next Sunday kapag wala kaming lakad, we’ll try to check Buzz ng Bayan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Ruffa Gutierrez, ignorante sa tomboy

  1. kunwari pa tong si ruffing eh, imposibleng walang pinatulang tombog yan… nagmamalinis lang ang gagang yan hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.