Larawan sa Canvas: Ruffa Gutierrez, hindi pa handa sa bagong pag-ibig?

Binalot ng intriga ukol sa kanyang lovelife at nasangkot ang kanilang pamilya sa kung anu anong intriga ngunit hindi natinag si Ruffa Gutierrez at lalong tumatag at nagpakatatag, at lalong pumalaot ang kinang ng industriya ng pelikula at television. Danga’t lalo pang nagpaangat sa kanilang mga pangalan, ang mga Gutierrez ay isa na ngang tatak sa industriya ng pelikula at telebisyon. At tila ayaw paawat maging ang mga anak ng actress/ TV host na si Ruffa, at pinasok na rin ng mga ito ang kinang ng industriya.

Ayon kay Ruffa matataas ang grades ng kanyang mga anak na sila Lorin at Venice, tila may angking talino rin sa ngalan ng pag-acting. “Under Viva Films and Unitel (ang ginagawang movie) at busy ako sa The Buzz at saka naghahanda na rin ako ngayon sa mga bagong projects at mga shows.”

Ah, talking about your Mom… “Yes my Mom pa rin… believe pa rin ako sa kanya, matatag siyang manager. Oo! Talaga si Mommy, always been masipag talaga.”

Kumusta ang lovelife mo ngayon? “Wala, wala akong lovelife medyo boring kasi.” Siyempre, focused ako sa pag-aalaga ng mga anak ko.”

Naks! Balikan natin na lang kaya ‘yang lovelife niya. Bagay na tila nabalita silang dalawa ni John Lloyd Cruz, totots kaya?

MGA ANAK NG GUTIERREZ

“Kinukuha na rin sila para sa Goin’ Bulilit. Kasi medyo maganda naman ang feedback nila sa first time nilang mag-guest. So kinukuha muli sila. Kasi napakataas ng ratings at natutuwa naman ako na ‘yung sumusuporta sa akin, sumusuporta rin sa pagpasok nila sa Goin’ Bulilit.”

PROFESSIONALISM
Ano ang masasabi mo bilang propesyunal ka na? “Ah, well maganda po ang pasok ng taong 2010. Mas marami pong producers ang gustong mag-produce ng pelikula ngayon. Aside from Regal Films, nand’yan ang Viva, Star Cinema, GMA Films at balita ko rin na papasok na rin ang Unitel at magiging active sila para mag-produce ng films. So, I’m very excited na na very healty for the film industry. Eh, kasi, maraming artista ang magkaka-work, hindi lang sa TV pati sa pelikula.

Papa’no ngayon ang sistema ng rivalry ng bawat network? Ang tinutukoy ko tila magkabila sila ng cable… Ha-ha-ha! Samantalang ikaw nandito, ah. “Ang importante siguro sa lahat ng mga artista sa ngayon, lahat kami ay may trabaho, hindi kami nakikialam sa network wars. Lahat naman talaga, kaibigan namin. Especially our family, so ang sa amin lang siguro, basta may magandang career, doon kami. As professionals, ako sa ABS-CBN, si Richard at Raymond sa GMA-7.”

Ayon kay Ruffa, pinaniniwalaan niya na gina-guide siya ng Lord para to keep away from bad (evil people.) Uhum, kunsabagay, nakadadala nga naman. Hayaan muna nating ma-heal ang kanyang emotions pagdating sa lovelife kahit na puno pa ng kanyang private life.

PANANAHIMIK ANG USAPAN PAGDATING SA PRIBADONG RELASYON

Actually, good or bad, publicity eh. “Oo, dapat panindigan mo ang gusto mo. Yes ganun talaga hindi mo talaga puwedeng sirain ang sarili mo. Sila ang sisira noon hindi ikaw.”

Pero ano ang plano mo kung may mag-propose sa ‘yo about your lovelife? Ano ang pamantayan mo sa kanila? “As of now, wala pa muna ‘yan sa isip ko. Siguro, tapusin ko muna ang nakaraan kong relasyon bago ako makapag-move forward sa panibagong relasyon. Until now, hindi pa ako nag-i-internet sa mga ganyang bagay. It’s too early for that, you now. I just came out of the relationship na mayroon akong dalawang anak. I just want to take it easy muna.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.