Ruffa Gutierrez, dedma sa pagkakadawit sa John Lloyd-Shaina issue!

Nanibago kami sa aura, at kakaibang sigla ni Ruffa Gutierrez nang muli kaming mapasyaal sa The Buzz last Sunday.  Pagkatapos ng show, nakangiti pa siya na bahagyang sumasayaw habang kumakanta ng ‘all the single ladies… all the single ladies…’ habang palabas ng studio. Biro nga namin sa kanya, hindi kaya dahil may bago siyang inspirasyon na posibleng date niya ngayong Valentine’s Day?

“Hay naku, wala, ‘no?” Mabilis na sagot niya. “I’m always in a good and happy mood naman, ‘di ba?

“And, two weeks na akong ano, kailangan pala gano’n ano? Kailangan magbiyahe ka muna ng five days (kagagaling lang niya sa Paris for a short vacation), pagbalik mo you’re a new person. Kumbaga, you just need a break from your everyday routine.”

Meron bang something special na experience o pangyayari sa recent trip niyang iyon?

“Wala naman. Nakakuha lang ako ng bagong energy na nahatak ko galing sa ibang bansa. Nadala ko rito kaya iba ang aura ko ngayon.”

Walang guy na naakit at nakipagkilala sa ilang araw niyang pagrampa roon?

“Well, kasi I was just able to meet up with old friends. Talagang mga old friends lang ang nakasama ko roon. Wala naman akong nakilalang bago.

“And ‘yon lang, masarap kasing makihalubilo sa iba-ibang tao. Iba-ibang kaibigan, iba-ibang culture. Siyempre nakukuha mo ang positive sa kanila, naa-apply mo sa life mo.

“At saka I’m always jolly naman. Oo! Kailan ba ako naging sad?”

Mabuti at pumayag ang mga anak niyang sina Lorin at Venice na maiwan sila habang siya ay magbabakasyon abroad?

“Hindi nila alam, ‘no? Sabi ko lang, magwu-Working Girls ako. Pero siyempre next year naman, sila ang kasama. Siyempre hindi naman puwede ‘no na pabayaan ko silang maiwan all the time. Next trip, I’ll bring them naman.

“Hopefully, ang next trip namin is to the States. Kasi baka may event kami ni Dra. Vicki Belo ng end of March. Depende na lang ‘yon sa shooting namin ng Working Girls, ang latest movie na tinatapos ko ngayon.”

‘Yong pagkaka-link kasi ni Shaina Magdayao kay John Lloyd Cruz, iniintrigang kay Ruffa umano nagsimula dahil may nabanggit siya minsan tungkol dito? How true?

“Ay, don’t ask me about people that don’t concern me. My God!”

Pero bakit kaya idinadawit ang pangalan niya?

“I don’t wanna really talk about people that don’t concern me. Kasi baka masira ang aking araw!” Nasabi na lang ni Ruffa, sabay talikod na at biglang pasok sa kanyang dressing room.

‘Yon na!

DAMAY SI KIM Chiu sa isyung nilalait-lait lagi o pinipintasan diumano ni Kris ang mga damit na isinusuot ni Coco Martin sa taping ng Kung Tayo’y Magkakalayo na sabi’y labis na raw ikinau-offend ng aktor.

Itong si Kim daw kasi ang madalas na katsika sa set ni Kris na diumano’y lagi ring sinasabihan ng huli tungkol sa punang pagiging baduy manamit ni Coco.

“Ay, hindi ko alam kung ano isasagot ko po diyan!” Gulat na reaksiyon ni Kim. “Actually, sa pagkakaalam ko po, wala namang ganyan. Dahil wala naman po akong narinig tungkol sa ganyang pamimintas na baduy manamit si Coco.”

Pero ilang taga-production ang nagsasabing totoo ito. At sa ngayon daw ay ginagawan ng paraang maayos na ito dahil nga may isyu na ring ipinapapatay na raw ni Coco ang character niya sa nasabing teleserye para makaiwas na lang kay Kris.

“I don’t think it’s true. Ang haba pa ng itatakbo ng role ni Coco,” karagdagang nasabi pa ni Kim.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.