Ruffa Gutierrez, banned at the Ninoy Aquino International Airport!

ANG NAIA ADMINISTRATION mismo ang nagdesisyon na hindi puwedeng ilagay sa vicinity ng kanilang tanggapan ang billboard ni Ruffa Gutierrez. At ang dahilan ay hindi raw magiging kaaya-ayang tingnan lalo na sa mga turista at foreigner na sa pagbaba nang eroplano ay ang kaseksihan na agad ng dating Miss World Second Princess ang makikita.

Walang duda na keri ni Ruffa ang two-piece niyang suot, lutang na lutang ang kanyang kaseksihan at obvious na akma sa produktong kanyang ini-endorse.

“Kapag pinayagan kasi ng NAIA ang billboard ni Ruffa, baka si Ruffa mismo ang hanapin ng mga turista at hindi ‘yung product ang bilhin nila,” biro ng aming kausap.

Teka pansin namin, parang may common denominator talaga sina Ruffa at John Lloyd Cruz. Si John Lloyd, binakbakan ng billboard dahil sa Bench, at ngayon si Ruffa naman dahil sa beauty product.

Hay, naku! Hindi kaya meant for each other talaga sina Ruffa at John Lloyd?

SABI NI MOMMY Dionesia, imbitado ang buong taga GenSan sa birthday niya sa May 15. “Hay naku Morly lahat ng kapitbahay ko inimbita ko na. Lahat sila puwedeng kumain sa birthday ko. Sabi ko nga kaqy Manny anak dagdagan mo ang handa ko kasi dami talaga ako friends”kay Mommy Dionesia ang pahayag na iyon.

Sabi ni Mommy Dionesia, gaganapin ang engrande niyang birthday sa mismong gym na bagong pagawa ni Manny Pacquiao, kasabay ng blessing ng nasabing gym.

Bukod sa bonggang handaan, isa pa rin sa mga wish ni Mommy Dionesia na mapalitan ang nawala niyang singsing. “Sayang naman, kaya sana regaluhan niya uli ako.”

Inamin niya na sa tuwing mananalo si Manny sa laban nito ay lalong nadadagdagan din ang kanyang mga manliligaw. “Dami talagang gustong manligaw sa akin, pero sabi ko isa lang ang dapat mahalin. Kahit iniwanan kami ng tatay noon ni Manny, hindi na ako pumatol sa iba. Bakit naman ako mag-aasawa pa ay kuntento naman ako sa buhay ko ngayon. Noon nga na naghihirap ako, hindi ko naisipang mag-asawa, ngayon pa kayang ganito na ang kalagayan namin? Hindi na ako mag-aasawa, magbo-ballroom na lang ako, tsaka magko-concert.”

Alam ba ninyo na matapos pag-aralan ni Mommy D ang mga kanta ni Imelda Papin, ang mga hit song naman ni Sarah Geronimo ang kanyang puntirya ngayon. “Pag-uwi ko ng Manila, magpapagawa talaga ako ng CD. Gusto ko ‘yung mga kinakanta ni Sarah para mas maganda.”

Ibang lebel na talaga si Mommy Dionesia, hindi na maabot!

NAGHIHILAHANG PABABA ANG career nina Jake Cuenca at Melissa Ricks. Kahit anong gawin ng dalawa ay nanatiling deadma ang publiko mula nang maging sila. Sa pelikula ngayon ni Jake, kung saan ay sina Angel Locsin at Aga Muhlach ang lead role, parang wala lang ang binata. Isa lang siya sa mga dekorasyon na pag-usapan man ay parang wala lang.

Maging si Melissa na dati-rati ay mainit na nagiging paksang usapin sa showbizlandia, parang biglang nanlamig ang kanyang career. Maging ang kanyang solo TV series na pinagbidahan ay wala lang.

Sa totoo lang, isa sina Melissa at Jake sa

maraming lovers sa showbiz na hindi tanggap ng publiko. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Ruffa Gutierrez, banned at the Ninoy Aquino International Airport!

  1. Yun din and naisip ko dahil walang magkakainteres na basahin ang kanyang column kung hindi niya imi-mislead ang title nya. :-)

  2. orkidia – thats Morly— creating fuss sa headlines palang..kaya di na kapani kapani paniwala agad… sub-standard writer … indeed he/she it…

  3. bakit ikaw tanggap ka ba ng mdming tao? kung makpanlait ka kay jake at melissa parang wala silang K magkarelasyon, ganda mo …

  4. kc kung isasama ung word tarpauline sa titile, wala nang magkakainteres na basahin pa ang ang column, kc alam na agad, kaw naman oh

  5. Morly, your title is very misleading; you should have added the word tarpauline dahil hindi mismong si ruffa ang banned kundi ung tarpauline kung saan sya ang model at sexy ang kuha nya dun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.