Ruffa Gutierrez, ayaw nang pag-usapan ang mga manliligaw

Iba talaga ang glow na nakita namin kay Ruffa Gutierrez last time nang muli namin siyang pasyalan sa taping ng Sunday afternoon showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi. Mas blooming pa siyang lalo. At pansin na pansin rin ang kanyang pagba-blush nang tuksuhin siya ng mga co-hosts niyang sina Cristy fermin, Dolly Anne Carvajal, at Mo Twister, tungkol sa pagkaka-link niya ngayon sa Smartmatic president na si Cesar Flores.

Kahit nga nang ma-corner na namin si Ruffa for an interview, iba ang siglang nakikita namin sa kanya na parang may tagong kilig pa while being asked about the said Venezuelan guy na expert sa automated poll.

At dahil do’n, ang biro nga namin kay Ruffa – automated na ang lovelife niya this time around?

“I just met him,” nakangiting sabi niya. “He’s a nice guy. And natutuwa naman ako na lahat ng nakikipagkaibigan sa akin  ay mga ma-respeto at mga disente. And mababait.

Tatlong beses na raw silang nagkasamang lumabas mula nang una silang magkakilala sa birthday dinner for her courtesy ng kaibigan niyang si Anton San Diego na siyang nag-invite nga kay Cesar.

May parang automated na attraction nga ba kaagad sila sa isa’t isa sa first meeting pa lang nila?

“Ay, hindi ko naman masasagot ‘yon,” natawang sagot ni Ruffa. “Siyempre I’m a lady. ‘no? Mamaya mabasa pa niya ‘to.  Basta, uhm… we’re getting to know each other and… wala naman siya rito ngayon sa Pilipinas. At hindi ko naman akalain na lahat ng tao, magiging interesado sa kanya. Basta as of now, he’s my NFF (new found friend).”

Ano ‘yong first impression niya kay Cesar when they first met nga sa birthday dinner niya?

“Intelligent. And, uhm… very endearing. Masarap kausap because you can talk about anything under the sun, at hindi siya boring na kausap.”

They’re texting each other. Ano nga ba ‘yong sweetest message nang natanggap niya from Cesar, so far?

“Siyempre hindi ko sasabihin sa ‘yo, ‘no!” natawa na nama si Ruffa. “May usapan kami na whatever we talk about, we’ll just leave it between us. And we have to understand that he’s a private individual. Hindi naman siya sanay sa ganitong showbiz.

“Sanay siya sa ano…  ini-interview siya about his work. Not about his private life. And I wanna respect him as well.”

Ano naman ang physical attributes ni Cesar na nagustuhan niya?

“Alam mo… grabe! He reads all the papers. Kasi he has a PR firm so… I don’t want him naman to say that I keep on talking about him. Siyempre, hindi naman maganda rin para sa akin na mag-comment nang mag-comment about him.  Lalo pa, babae ako.

Wala kayang maging violent reaction ang ex-huband niyang si Yilmaz Bektas hinggil sa pagkaka-link niya ngayon kay Cesar?

“No comment.”

So ibig sabihin, at peace na siya ngayon? Wala nang masyadong tensiyon.

“Oo naman. I’ve always been at peace. And wala naman talagang tensiyon sa akin.”

Pero sa kanilang dalawa nga ni Yilmaz?

“Well as of now, everything is tahimik. Let’s keep it that way – tahimik.”

May isa pang inili-link sa kanya, ‘yong Chris Parker ang name na biking partner diumano niya?

“Si Chris naman is an old friend. And ayaw niya talagang nasa diyaryo siya. I told him na – don’t worry, hindi ko siya pag-uusapan. Basta matagal ko na siyang kaibigan at barkada.

“Basta as of now, I’m not yet ready to fall in love again. I wanna wait maybe until next year siguro. Kasi nag-i-enjoy muna ako sa buhay ko.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

15 thoughts on “Ruffa Gutierrez, ayaw nang pag-usapan ang mga manliligaw

  1. oo nga has been na 3 ang tv show at maraming commercial, pelikula at manliligaw! daming inggit! sus una si john lloyd. lahat nagsasabing hindi too. eh ano?? inamin din ni john lloyd!! sooo haba ng hair ni ruffing! ano na??? inggit inggit mamatay kayo sa inggit!!

  2. Maganda kasi si Ruffa kaya laging napapansin ng mga lalaki. sana mag-asawa na ulit si Ruffa. Huwag mo nang papansinin ang mga naninira sa iyo, puro inggit lang ang mga yan. Kundi ba ba naman mga inggitera, wala ka namang ginagawang masama sa kanila patuloy pa rin ang paninira at pagmumura sa iyo dito. ano ang tatawag doon, di inggit? Gusto nila yung nasa isang tabi ka at nagmumukmok dahil nagtagumpay ang paninira nila sa yo. Kaya huwag kang patatalo. Patayin mo nalang sa inggit.

  3. KAPAL NG APOG MO ATE RUFFING.WALA NG NANINIWALA SA PAGMUMUKHA MO TIGILAN MO NA ANG PAGGAMIT NG MGA LALAKI NA NANLILIGAW SA IYO KUNO.MAY MGA LEHITIMONG GIRLFRIENDS ANG MGA IYAN .MAAWA KA.LOSYANG KA NA WALA KA NG LABAN SA MGA BATA TULAD NI SHAINA AT SEXY NA LATINA.

  4. ANG TANGING NANLILIGAW LANG NGAYON KAY RUFING AY YUNG KALBONG MAMANG MATANDANG PULIS NA MADAMING ASAWA

  5. GAWA GAWA NA NAMAN NI BOTOX BYUTI RUFFA IYAN.KAPAL NG APOG MO RUFFA WALA NG NANINIWALA SA IYO BUKO KA NA.MATANDANG ILUSYUNADA

  6. naku day!! pahuway na! tiwangits ka na. wa nay nagka interes nimo. maypag mobalik ka sa Brunie. tuay daghang camel didto.

  7. Jusko eto na naman po kami sa spelling ng “LOOSERS”, pwede bang tantanan na yan. LOSERS po dahil di naman maluwag, talunan is LOSER.

  8. Tama ka Ropa, Huwag ka na lang magsalita. Lalu lang hindi kapanipaniwala. Bayaran mo kaya si Swarding para maging promo manager mo. Gutom na ang matanda. Magtulungan kayong parehong loosers.

      • Uy, may nakapansin nang spelling. I’m just glad I have a great job and very seldom, if ever, use the word loser at work. I consider myself a winner. What about you? This word is commonly misspelled and I suppose I’m one of them. I ALSO WANT TO EMPHASIZE THAT I DO NOT MEAN “MALUWANG”. I AM NOT PRIVY TO RUFFA AND SWARDING’S SEXCAPADES SO I DO NOT KNOW IF THEY ARE MALUWANG. KEEP YOUR DIRTY IMAGINATIONS TO YOURSELVES.

  9. naku naman , baka hindi naman talaga sya liligawan ni pcos-man e hindi nya dapat na unahan sa kilig-kilig noh at baka mapahiya lang sya. masabi lang na merong nagkakainteres na bigating tao, masyadong ipinagmamakaingay. baka nga walang idea itong si pcos-man na ginagamit lang sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.