Ruffa Gutierrez, ayaw ma-involve sa isyu ni John Lloyd Cruz! – Ruben Marasigan

KITANG-KITA NAMIN KUNG paano seryosong nakatingin lang si Ruffa Gutierrez na nakatayo sa isang sulok ng studio habang ini-interview nang live ni Boy abunda si Kris Aquino sa The Buzz. Right after the show, kinunan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.

“Kaya nga sinabi ko sa ‘yo, ayokong maging emotionally involved this year. Kasi marami na akong pinagdaanan sa buhay ko at ayoko nang lumuha!” ana’ng actress-TV host.

“Actually bilib ako kay Kris how controlled she was while talking about it. I saw a different more mature Kris – the way she handles the problem.

“And ako naman if the guy is worth it, I’ll fight for him. But if he’s not, goodbye.

“Kailangan lang naman talaga, maging strong tayo. Mag-focus sa work. Life is too short na dapat we should enjoy it. But I think we should also be careful. Kasi I can’t afford to fall again. I have to be much smarter.”

Recently, may lumabas na balitang finally raw talagang wala na sila ng naging rumored boyfriend niya last year na si John Lloyd Cruz.

“Bakit? Naging kami ba?” patanong na reaksiyon agad ni Ruffa.

‘Yung closeness, intimate friendship or whatever she may call it na namagitan sa kanila ni John Lloyd before? Nawala raw iyon lalo na ngayon at sinasabing may bago na raw special girl sa puso ng actor?

“We were friends. I mean, hindi naman mawawala iyon, eh. I think I have no right to stop from seeing whoever he wants to date, and whatever he wants to do in life. I shouldn’t even be part of that equation.

“I don’t see myself as a part of that equation. Uhm… I said it before and I’ll say it again, we’re just friends so dapat hindi na ako idinadamay sa mga issues not involving me.

“Siyempre you can’t help but ask kung ano ang reaksiyon ko. But there’s no reaction. Wala akong reaction whatsoever.  Because, ‘yon nga, I don’t need to react!”

Eh, kasi nga na-link siya dati kay John Lloyd kaya nahihingan siya ng reaksiyon, ‘di ba?

“All I’m gonna say is I’m single. And that’s it!”

Happy ba siya kay John Lloyd na may bago na raw ngang girl sa buhay nito?

“I don’t need to give a reaction. He’s not my brother. He’s not my husband.”

But they’re close friends, sabi nga niya, ‘di ba?

“Yeah. But… ayokong makialam sa buhay ng iba. Basta, I don’t wanna be involved in things that don’t involve me.”

May point siya in saying that. But then, may balita rin kasing last Christmas daw ay nakita sila ni John Lloyd na nag-uusap sa bahay ni Willie Revillame?

“Alam mo, sa magkaibigan, natural lang naman na mag-uusap. ‘Di ba? Whether you’re gay, a guy, or a girl. So, dapat hindi na binibigyan ng kulay iyon. So there’s nothing to say. Kasi kung anong status namin last year as friends, we’re the same.

“So… hindi naman ako puwedeng maging broken-hearted sa isang taong hindi naman kayang abutin ang puso ko in that way. ‘Di ba?”

Parang closure ba iyong naging pag-uusap nilang ‘yon ni John Lloyd?

“Of course not! We’re fine. I mean we’re still friends. Walang problema at all. So, huwag mo na akong tanungin tungkol sa kanya. It’s 2010. Let’s move on. Let’s move forward… you know. Basta, there’s nothing to end because wala naman talaga.”

Pero tungkol ba talaga saan ‘yong naging pag-uusap nila ni John Lloyd na ‘yon?

“Ask him na lang. I’m a girl. I don’t want to be commenting on those things. Ayoko namang sabihin na madaldal ako, ‘di ba?

“Basta we were there sa bahay ni Willie because it’s a Christmas party. Wala namang masama ro’n. I mean, that’s it.  That’s all I can say. You know, marami naman kami roon.”

Pero ang intriguing nga raw sa mga naroon, biglang seryoso at masinsinan raw silang nag-uusap ni John Lloyd nang silang dalawa lang sa isang sulok malapit sa pool doon sa bahay nga ni Willie.

“Ano ba ‘yon…? May mga paparazzi ba sa mga dingding ng bahay ni Willie? Ha-ha-ha! Basta… basta… all I can say now is, it’s 2010, let’s put that issue to rest.

“Friends pa rin naman kami. Close pa rin naman. Yeah. Wala namang problema. Siguro ‘yong ibang tao lang ang nagbibigay ng kulay.”

Ayaw niyang magkaroon ng emotional investment o involvement ngayon. Eh, paano ang mga suitors niya?

“Eh, ‘di maghintay sila ng Year of the Rabbit. Kasi according to my feng shui stars, do’n pa lang daw ako puwedeng mag-entertain ng lovelife dahil kung ngayon, baka my heart will just be broken and torn apart.

“Next year na naman ang Year of the Rabbit, eh. Buti nga hindi kagaya ni Sarah Geronimo na five years bago puwedeng magka-lovelife! Ha-ha-ha!

“And I wanna focus nga muna in my self, in my life, and in my work. ‘Yang pag-ibig na ‘yan… Diyos ko! Nakakasakit lang iyan ng ulo!”

Gano’n?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

13 thoughts on “Ruffa Gutierrez, ayaw ma-involve sa isyu ni John Lloyd Cruz! – Ruben Marasigan

  1. sana naman ruffa kung gagawa ka rin lang ng issue ‘wag na sana ‘yung ibang tao ang napapasama.

    ‘yan ba ang nature ng pamilya ninyo?

    bakit kaya ‘di mo na lang buhayin at pakalaliman pa ‘yung issue ng kapatid mong si richard sa ginawang ‘di maganda sa airport at sa airline? tinuturing ka pa namang kapamilya ng ABS pero sinisiraan mo ang kasamahan mo!

    • o di ba sabi ko sa’yo tumingin ka sa salamin nasaan na yung humility na sinasabi mo, so you counted yourself sa sinabi mong napakasama mo. he he he.

      anyway agree naman ako sayo ulit na si ruffa basta mapag usapan ay kailangan ng ibang tatapakan hindi yung credentials nya.

      at sinabi mo pa yang mga gutierez na yan ubod ng mayabang, magaling bumayad sa mga demolition job at tagalinis ng dumi nila. totally must agree.

      kaya lang lahat ay may karapatang mag bigay ng comento masama man eto o mabuti at wala kang karapatang husgahan ang nag ko comment. di ba hot kiwi?

  2. o heto basahin ninyo ang totoo! kasi itong si ruffa ayaw magpaka-totoo! galing ‘yan sa kabilang site kung saan lahat ng sinusulat ay totoo!

    QUOTE:
    Gawa-gawa lang ni Ruffa ang John Lloyd-Shaina tsismak!
    by: Richard Roxas | STIR Contributor
    18 Jan 2010 | 10:53 AM

    MALISYA! Pinagtutulungan nina Ruffa at Raymond Gutierrez si John Lloyd Cruz!

    Pinagkakalat ni Ruffa na si John Lloyd daw ang dahilan ng hiwalayang John Prats at Shaina Magdayao. Noon pang Nobyemre nag-split and mag-boyfriend/girlfriend pero ngayon lang lumutang dahil kay Ruffa.

    Si Raymond naman ay kinakalat na madalas daw tumoma si John Lloyd kasama si Shaina. Hindi raw makatayo ng tuwid si John Lloyd minsang uminom ng alak sa Fiamma Bar sa Makati City.

    Mag-sister nga sila! Nakalimutan na yata ni Ruffa na mahilig talagang uminom ng wine si John Lloyd. O may iba siyang dahilan kaya nagkaroon ng memory gap. Di ba tumoma rin sila magdamag sa tabi ng swimming pool ng mansion ni “Wowowee” host Willie Revillame noong New Year? Lasenggera rin siya kung ganoon.

    TOTOO! Di totoo ang tungkol kay John Lloyd at Shaina. Malisya lang talaga ito ni Ruffa!
    UNQUOTE:

  3. Ruffa’s msg in twitter:

    The most recent report is that Raymond Gutierrez saw him so drunk at Fiamma Bar in Makati that he couldn’t even stand straight. When he informed his Ate Ruffa about it, who’s being linked to Lloydie, she said to Lloydie in her Twitter account: “Sayang ka, sa-yang lahat ng blessings na bigay ng Diyos sa’yo. Mga taong nagmamalasakit sa’yo, binalewala mo. I only fight for someone who’s worth it. If not, then goodbye and good riddance!”

    • oa talaga ang mga gutierez si rhiyamond naman may pag nanasa siguro kay loydie ay gustong mag thresome in bed with ruffa dahil obvious naman na ang kulang na lang kay rhiyamond ay yung mga gown at talagang carbon copy na ni ruffa.

      si retsard kaya naman pala hindi maka pag trunks dahil saliwa ang dalawang paa kung anong ganda ng mukha ganun pala kapangit na tumakbo tignan nyo sa full house na nag ja jogging sya para syang sea lion na tumatakbo, very un proportion. pangit.

  4. hay naku plastik na plastik ang dating mo day..after all ng ginawa niyong paninira ng kapatid mo sa tweeter kay jlc may gana k png magsabi na frens kau..kong talagang isa kang kaibigan bakit kong ano anong paninira ang sinasabi mo sa tweet mo tungkol sa tao dahil may agenda ka at yun ay siraan si jlc..kapalmuks k tlaga.di k na nagbago at lahat gagawin mo kahit makasira ka ng buhay ng ibang tao makuha mo lng ang publicity na hinahanap mo palibhasa laos ka..pag ask ka about jlc friends lang kau pero ngayon bakit bitter na bitter ang mga tweet mo dahil ba inayawan ka!!!di ka ba nagtataka bakit ayaw ng tao sayo kc alam mo ang kagandahan nasa kalooban yan hindi yan nakikita ng panlabas lang na anyo..be sensible girl hindi lang dakdak ng dakdak, pag isipan mo muna ang mga sinasabi mo palibhasa wala kang credibility kaya walang naniniwala sau!peace

    • agree getalife, kung sino sino ba naman ang bumayo sa kanya hindi lang sa pinas kahit sa ameria, sa brunei name it you have it. feeling virgin kay jlc at pilit ikinakabit ang pangalan kay jlc mukha naman silang mag ina, parang si kris na kaibigan daw nya na handang magbilad at mag laba ng mga marurumi sa publiko mapagusapan lang at ma headkine. hay mga gutierez talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.