Ruffa Gutierrez at Liezel Martinez, nakikiramdam sa away ng kanilang mga ina

HUMAHAGUPIT SA panahon ng tag-init ang naging patutsadahan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama. Pero marami naman sa kanilang mga kaibigan ang ayaw na lang makialam, dahil pakiramdam daw nila ay magkakabati rin naman ang dalawang beteranang aktres. Kumbaga, sa ngayon daw ay naglalabasan lang ng mga pagkainis sa isa’t isa ang dalawang nabanggit na nagpapatutsadahan dahil sa isyung kanilang pinanggalingan.

Bago kasi naglabasan ng kanilang mga sama ng loob sa isa’t isa sina Amalia at Annabelle ay kalat na sa buong showbiz na magkakainitan silang talaga. Damay-damay kumbaga, dahil sabit din d’yan ang pangalan ni Nadia Montenegro. Habang mayroon silang alitan ng Mommy ni Ruffa Gutierrez ay sumusuporta raw kasi sina Amalia, Daisy Romualdez at Divina Valencia kay Nadia, na siyempre pa’y hindi naman nakakatuwa para sa wife ni Eddie Gutierrez.

Marami siyempreng gustong manahimik para hindi na madamay sa alitan nina Annabelle at Amalia. Katulad na lamang nina Liezel Martinez at Ruffa Gutierrez. Nakikiramdam na lang sila sa mga nangyayari. Pareho kasi sina Ruffa at Liezel na nabiyayaan ng mga ina na hataw kung magtaray. Ang nakakaloka pa, si Alyanna Martinez na anak ni Liezel at Albert Martinez ay stylist din ni Ruffa, kaya sobra silang nalulungkot sa mga nangyayari kina Annabelle at Amalia.

 

BLIND ITEM: paulit-ulit talagang nangyayari sa showbiz, na kapag ang isang artista ay napakabait sa press ay nagiging dahilan iyon para maging maamo sa kanila ang panulat ng mga reporter. Hitsurang naroon talaga ang pakisamahan. Katulad na lamang ng napakahusay na actor na itago natin sa screen name na Monching Jaranalla. Adonis ng showbiz kung tawagin si Monching, dahil kumpleto ang kanyang hitsura. Super guwapo, matangkad, maporma, mabango at malambing.

Hindi lang panlabas na kaanyuan na pasadong mag-showbiz ang meron si Monching. Panalo rin sa galing ang istilo ng kanyang pag-arte. Aktor talaga siya kung tawagin sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Pero, maraming pagkakataon sa takbo ng showbiz career ni Monching, na parang lagi siyang kinakapos sa pinansiyal. Tama bang siya mismo ang nagpapahanap ng booking sa mga kaibigan niya sa press. “Baka naman mayroon kayong kakilalang rich na type ako, puwede if the price is right,” tsika raw ng magaling na aktor.

Nu’ng mga panahong baguhan pa sa showbiz si Monching ay masarap daw pakinggan ng “if the price is right” na ‘yon. Kasi nga, fresh pa siya. Pero ngayon daw, wala na halos may gustong ikama si Monching sa tamang halaga. Kasi raw, nakakabitin ng kaligayahan. “Adonis nga siya sa hitsura, walang kuwestiyon doon. Pero mali sa tangkad niya ang sukat ng nota niya. ‘Day, hindi winner ang sukat ng harapan niya. Proud ka lang na nahada mo siya, dahil sikat na artista. Pero lugi ka sa kaligayahan dyuts na siya habang nagkakaedad,” wika ng isang bading na nakatsuksakan ni Monching.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Ruffa Gutierrez at Liezel Martinez, nakikiramdam sa away ng kanilang mga ina

  1. amalia fuentes is a respected icon of phil movies, a movie queen, highest paid actress and top producer during her prime which lasted in many decades! she dominated phil showbiz in the 60’s and 70’s! he had phil movie world under her feet during her reign as superactress of phil movies! while annabelle rama was sex starlet of the late 70’s! her photos ca be seen in internet bare topless showing her boobs! but she didnt make it to stardoom! so there you are, there’s no basis comparing them! no match!

  2. Natakot na si Bisaya dahil ibubulgar na ni Amalia ang secret niya. ang mali ni bisaya nilista niya sa tweeter ang mga naging lalaki ni Amalia kaya ngayon turn ni amalia na ilabas ang mga naging lalaki ni bisaya.

  3. mas mabuting wag na lang sumali sa away ng kanilang mga ina sina ruffa at liezel. wag nang mag comment o post sa twitter si ruffa para hindi madamay!

  4. BUTI PA IDOLLLLLLLL KONG MARIAN NA MAGANDA,SEXY,MAPAGBIGAY,MABAIT,MATALINO,DYOSA PA NG KAGANDAHAN AT SOBRANG TALINO PSYCHOLOGY OHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA                             ACHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHECHERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Leave a Reply

Your email address will not be published.