Ruffa Gutierrez at Kris Aquino, nagreact sa ginawa ni Roxanne Guinoo

DIRECT to the point ang reaction ni Ruffa Gutierrez sa isyu ng pagkakaroon ng friction sa pagitan nina Roxanne Guinoo at movie reporter na si Regee Bonoan na naganap sa presscon ng Florinda.

Isa kami sa sang-ayon kay Ruffa, lalo na sa pagiging ma-PR nito sa movie press, na ever since, naturuan ito para makisama at makibagay sa movie press. Sabi nga niya, “Naku, lambing lang ‘yan! At walang hindi nakukuha sa mabuting usapan.”

Sa totoo lang, kinabubuwisitan talaga ng press ang mga artistang puro pagde-deny, hindi nagpapakatotoo sa press. Pero, sa pakikisama ng ilan, at pagiging tapat at sincere na rin, tama si Ruffa na ang mga reporter pang ito ang nagtatanggol sa kanila.

Nakiisa rin si Kris Aquino sa reaksyong ito sa pagdidiskusyon nila with Boy Abunda sa The Buzz. Sabi ni Kris, “Magka-zodiac sign kasi kami ni Roxanne at pareho lang kaming walang preno ang bibig. Kaya ang lesson d’yan, next time, shut up na lang at huwag nang mag-comment!”

It’s true, marami ring reporters na pasaway. Ganoon din sa mga artista. But, we feel, Rox has still a lot of things to learn in this business. We never had a problem with Rox naman, pero, ang masasabi lang namin, dapat sigurong matuto siyang makisama at hindi ‘yung pansarili lang niya ang iniintindi niya.

By Archie de Calma

Previous articleBlind item: Controversial female star, maraming nalilink
Next articleBlind Item: Sing-along bar host, adik?

No posts to display