Ruffa Gutierrez, ‘di na ginugulo ni Yilmaz Bektas

BUMALIK NA NAMAN ang katahimikan sa buhay ni Ruffa Gutierrez. Pansinin na kakaiba na naman ang da-ting ng kanyang byuti, dahil lagi na siyang nakangiti na fresh talaga ang dating ng face. Kasi nga, hindi na siya ginugulo ng kanyang nakahiwalayang husband na si Yilmaz Bektas. Pagkatapos ng seryoso nilang pag-uusap ay biglang bait-baitan na ulit ang mayamang businessman. Nawala na ang pangamba na kukunin ng nasabing Turko ang mga anak ni-lang sina Lorin at Venice.

Nakasanayan na rin naman ni Ruffa ang pabagu-bagong ugali ni Yilmaz, ang pagmumura nito, ang mga pagbabanta at kung anu-ano pang nakawiwindang na ugali. Pero ang ikinatutuwa lang ng unica hija ni Tita Annabelle Rama ay nangyayari pa rin, na sa mga panahong gustong mag-ingay ni Yilmaz tungkol sa kanilang mga anak, ay nalalambing niya ang kanyang ex-husband, at sa mga tsikahan nila sa cellphone ay napagbabago ni Ruffa ang ihip ng hangin sa parang bagyong utak ni Mr. Bektas.

Masayahing tao lang si Ruffa, pero iniiyakan niya ang mga pagkakataong nagpaparamdam si Yilmaz tungkol sa pagnanais nito na makasama sina Lorin at Venice. Lumalaki na ang dalawang bata, at sila ang nagpapasaya’t nagbibigay ng tapang kay Ruffa. Napakasipag ni Ruffa sa kanyang career, dahil gusto niyang maitaguyod ang pag-aaral nina Lorin at Venice.  Nasa hanay rin ng mga pangamba ni Ruffa ‘yung baka kapag nagmahal ulit siya sa isang lalaki, mababale-wala ang kanyang mga anak. Ayaw ng sister ni Richard Gutierrez na siya lang ang mamahalin ng susunod na lalaking magiging karelasyon niya, at peke naman ang tratong pagmamahal na ibibigay ng guy na ‘yon kina Lorin at Venice.

 

KAHIT HANGGANG NGAYON, nakakakilig pa ring pagmasdan ang sweetness ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, aminado naman sila at hindi nagpapaka-perpekto para sabihing hindi nagkakameron kahit konting gusot ang kanilang pagsasama   bilang mga magulang nina Yohan at Baby Lucho. Nabiyayaan si Juday ng napakaraming mga kaibigan sa showbiz na mga naunang nagsipag-asawa, na laging nagpapaalaala sa kanya, na normal lang talaga sa mag-asawa ang magkaroon ng problema, na naaayos din naman, dahil iyon daw ay nagpapatatag sa relasyon.

Si Ryan ang saktong lalaki para kay Juday kaya sila ang nagkatuluyan. Walang pagdududa ang young superstar sa guwapong TV host, at maipagmamalaki niya iyon. Mayroong mga tao sa paligid ni Juday  na  maga-ling mangilatis. Nariyan ang kanyang talent manager na si Tito Alfie Lorenzo, na nakakaamoy kung hindi dapat pagtiwalaan ang isang lalaki.  Nariyan si Mommy Carol Santos, na ang dami-daming kaibigang tsikadora sa showbiz, na nagpaparating sa kanya kung ang pumoporma noon kay Judy Ann ay hindi dapat seryosohin dahil nanggagamit lang.

Para ring dumaan si Ryan sa butas ng karayom para makuha ang pagtitiwala ni Judy Ann, at iyon ay dahil nariyan ang sanggang-dikit na kapatid ng aktres na si Jeffrey Santos. Matinding pangangalaga ang ginagawa niya para sa kanyang kapatid. “Ipinangako ko iyon sa aking sarili. Hindi ko puwedeng pabayaan si bunso. Napakabata niyang nag-artista, at nang sumikat siya ay halos puro pagtulong sa pamil-ya namin ang laman ng utak niya. Kasi, siya ‘yung malaki ang kinikitang pera. Napakabait niyang kapatid, kaya nabiyayaan naman siya ng mabait na husband, si Ryan nga, kaya happy ako para sa kanya,” wika ni Jeffrey.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Ruffa Gutierrez, ‘di na ginugulo ni Yilmaz Bektas

  1. MR. WRITER DAPAT ANG TITLE NG CHISMIS MO EH “YLMAS BEKTAS, HINDI NA GINUGULO NI RUFFA GUTIERREZ” KC OBVIOUS NMAN NA TALAGANG WALA NG PAKIALAM C YLMAS K RUFFA NA GURANG NA. KUNG GUSTO MANGGULO KUNO NI YLMAS MAGPAPA-INTERVIEW YAN PERO WALANG NI ISANG INTERVIEW NA LUMABAS. GAWA-GAWA LNG YAN NILA ANNABELLE BISAYA PARA MAPAG-USAPAN CLA. KAKAHIWAYA LNG NILA NI YLMAS NAPALITAN NA AGAD CYA NI YLMAS AT ISANG MISS UNIVERSE ANG IPINALIT SA KANYA NA 2ND PRINCESS LNG. KAWAWANG RUFFA PAPALIT-PALIT NA LNG NG MGA LALAKE. SOBRANG BABOY! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. NABUKING KASE SI RUFFA NA GIMMIK LANG GINUGULO SIYA NI YLMAZ SARAP NG BUHAY NI YLMAZ HINDI GUMAGASTOS SA PAGSUPORTA SA MGA ANAK BAKIT PA SIYA MANGGUGULO

  3. BAKIT NAGKAGANYAN PAGMUMUKHA NI RUFFA NASOBROHAN SA BOTOX.KAMUKHA NA SIYA NI VICKY BELO AT GRETCHENG DAMAGED FACE MGA MUKHANG TAGA IBANG PLANETA ANG PAPANGIT NA NINYO

Leave a Reply

Your email address will not be published.