Ruffa Gutierrez, ‘di gustong magkaroon ng kahati!

SHOCKED AT TALAGANG nag-blush si Ruffa Gutierrez nang ibuking siya ng kanyang co-host sa Paparazzi na si Cristy Fermin na isang kaibigan daw nito ang nakakita sa kanilang dalawa ni John Lloyd Cruz na magkasamang nagba-bike sa The Fort recently. Parang hindi niya alam kung paano siya magri-react.

Ang nasabi na lang ni Ruffa, umamin na raw nga kasi sana si John Lloyd para matahimik na ang mga tao. Na dapat daw sa mga ganyang bagay, ang lalaki raw ang siyang nagsasalita.

“Hay naku, ang hirap niyan kasi host ako, pero ako lagi ang inilalaglag,” ani Ruffa sa interview namin sa kanya pagkatapos ng nasabing Sunday showbiz talk show ng TV5.

“Dapat ako ‘yong tagalaglag!

“Ang nangyayari kasi, wala naman akong alam about Tita Cristy and Dolly (mga co-hosts nga niya sa show na kasama rin si Mo Twister). Ang alam ko lang, about Mo… (tungkol sa umano’y kasama nitong nagbakasyon si Rhian Ramos sa Paris).  So it’s so difficult.

“So tulad ng sinabi ko, since I’m a lady, I don’t wanna speak. Kasi pangit naman na ako ‘yong salita nang salita. Dapat ‘yong lalake ang magsalita.” Pero totoo nga ba ‘yong nakita nga silang nagba-bike together ni John Lloyd sa The Fort? “Basta I bike on my own,” matipid niyang tugon.

And while biking on her own, biglang nakasabay niya si John Lloyd, gano’n?

“Ay, hindi. Hindi ako magsasalita about that.” Takot siyang mas dumami ang threat na messages na natatanggap na naman niya ngayon na ang hinala ng iba ay galing na naman kay Shaina?

“Alam mo about those threats, ‘yung lawyer ko na ang nag-aayos ng tungkol do’n. Mahirap namang magsalita kasi it’s about my private life, there’s children at stake, and, uhm… pangit naman na pag-usapan pa iyon, especially sa press.  Kasi it’s not a showbiz issue naman.”

Nakita silang nagba-bike together ni John Lloyd sa The Fort recently. Tapos last Saturday, si Shaina naman ang nakitang kasama ng aktor sa isang baby shower.

Ano ‘yon, dalawa sila ni Shaina sa puso ng aktor? Payag ba siya na may kahati sa isang relasyon, if ever na gano’n ang situwasyon?

“Never! Never naman akong nagkaroon ng kahati. So, I don’t see why do I have to start now. I’ve always had a good relationship with the people in my life. And I wanted to be that way.” Kasi nga iniisip ng mga tao, bakit meron na ngang Shaina itong si John Lloyd, meron pang Ruffa?

“Eh, dapat si John Lloyd ang tanungin mo. Kasi ako, like I said before – bakit, magkaibigan lang naman kami? And I think whatever it is that he has to admit with other people, that’s his problem,” panghuling sabi ni Ruffa.

TIYAK NA MAGTITITILI na naman sa galit ang manager ni Coco Martin na si Biboy Arboleda dahil nagpa-interview na naman si Katherine Luna. Hindi na sa Paparazzi kundi sa Juicy naman na sabi ng dating sexy star ay huling pagpapa-interview na niya tungkol sa aktor at sa limang taong anak nila na ayaw nitong kilalanin.

Kami nga ang napagdiskitahang pagbintangan ng manager ni Coco being at the center of it all na nag-orchestrate ng lahat para siraan si Coco. As if naman PR ako ni Katherine. And the height, there was a malicious conspiracy raw between me, Cristy Fermin at iba pang nakai-interview kay Katherine para nga siraan daw ang alaga niya.

Eh, nag-quote lang naman kami ng mga sinabi ni Katherine. Bakit hindi ang sexy star ang awayin ng kampo ni Coco?

Naloka rin nga si Tita Cristy dahil ni hindi nga namin napag-uusapan sina Coco at Katherine tapos may gano’ng alegasyon ang manager ng aktor?

Now… sa muling pagsasalita ni Katherine, sino naman kaya ang pagdidiskitahan ng manager ni Coco? Si Tita Cristy ulit?  Ang staff ng Paparazzi o kung sino pa man? O si Katherine na pararatangang magpu-promote eh, wala naman itong pelikula ngayon?

Pero sana, huwag na kaming isasali ulit, ‘no? Hindi kami staff ng Paparazzi o ng Juicy. Sa Showbiz Central kami rumaraket kung minsan kapag may nagli-leave na staff, so kung do’n may lalabas na something about Coco, do’n pa lang kami puwedeng pagdiskitahang pukulin ng anumang alegasyon ng manager ng aktor.

Kung bakit kasi nagwawalang-bahala si Coco sa issue tungkol sa anak nila ni Katherine? Puwede namang ipa-DNA kung duda siyang anak niya ito. O talagang ayaw lang niyang magkaroon ng obligasyon sa bata? Pero sana man lang, he should have the balls na tangkaing i-settle ang usapin at hindi ‘yong deadma lang.

Anyway, gusto na raw tuldukan ni Katherine ang issue. Kung nais raw palabasin ni Coco na walang anak ang aktor sa kanya, eh ‘di wala itong anak sa kanya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKrista Ranillo, buntis kaya tumaba?!
Next articleKatrina Halili, babalik sa condo ni Hayden Kho!

No posts to display