Ruffa, being courted by ex-husband?!

NAGPARAMDAM NA NAMAN si Ylmaz Bektas sa estranged wife niyang si Ruffa Gutierrez. Isang text ang tinanggap ng dating misis kailan lang at bumabati sa kanya ng ‘Happy Mother’s Day.’
Sa isang lugar na malayo sa ‘Pinas, paano nalaman ni Ylmaz na Mother’s Day pala, at dito sa atin, napakalaking celebration iyon para sa mga ina? Nangangahulugang napapanood /pinapapanood pa rin niya ang Mondays through Fridays hosting ni Ruffa sa Ruffa and Ai, gayundin ang The Buzz niya with Boy Abunda and Kris Aquino.

Hindi kataka-taka kung ganun na ma-realize ni Ylmas na walang hihigit pa sa ina ng kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. For estranged wife, napakaganda pa rin ni Ruffa hanggang ngayon. Hindi pa rin siya naaakit sa sangkatutak niyang suitors, not even one of them can take the place of Ylmaz sa puso at buhay ng unica hija nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Ito kaya ang dahilan kung bakit may cold war na naman ang mag-ina ngayon? “Ganito lang naman kami talaga ni Mommy,” katwiran niya. “Hanggang ngayon she treats me like her little girl. We said things to each other na nakakasakit but I hope na magbati na rin kami agad. Nakaka-miss ang mother-daughter bonding namin ngayon.”

Umiwas sagutin ni Ruffa ang tanong kung ang text na iyon ni Ylmaz ang puno’t dulo ng hindi nila pagkikibuan uli ng mommy niya. Takot na takot kasi si Annabelle na masungkit muli ni Ylmaz ang kanyang beloved dawter. Palagay niya, mamamatay siya sa sama ng loob kapag nangyari ang ayaw niyang mangyari.

HANGGANG NGAYON, tumitiba pa rin ang ABS-CBN sa teleseryeng Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Tingnan mo nga naman iyan. ‘Di ba last year pa ito ipinalabas? Panalo sa commercials iyon. Mismong si Roxy Liquigan, PR exec. ng numero unong network ang nagbalita nito sa isang press briefing na ginanap sa Star Cinema Office.

Contrary to what some doubting Thomases say, hindi lang na-renew ang mga endorsements ni Angel, kundi nadagdagan pa. Siya na ang Primetime Queen ng ABS, pagsanibin man ang Kapamilya at Kapuso network. Magandang switch ang character ni Angel from serious (sa Lobo) to comedy sa Only You. Natumbok ng ABS ang kiliti ng publiko. Gusto nilang mapanood si Angel sa iba’t ibang roles, at iba’t ibang naggaguwapuhang leading man. Hindi mauubusan ang ABS sa mga posibleng “aangkin” kay Angel sa Kapamilya station.

KAHIT HINDI SINESERYOSO sa showbiz si Geneva Cruz ngayon, naantig pa rin ang puso ng inyong lingkod nang ipagtapat niyang tatlong beses siyang nakunan sa pakikipagrelasyon kay KC Montero, nakababatang kapatid ni Troy.

“The three (3) KC’s didn’t survive,” anya na gumagaralgal ang tinig. Kahit ayaw niyang aminin na ito ang dahilan kung bakit nanganganib ang kanilang pagsasama ni KC. Traumatic nga naman ang naging karanasan niya at posibleng hindi matupad ang panagarap niyang magkaroon ng anak sa dayuhanng live-in partner. Imagine, not once, not twice, but three times! Sakit noon.

Malaki na ang anak ni Geneva kay Paco Arespacochaga, si Heaven. Buti naman at inaalagaan pa rin ito ni KC kahit, supposedly ay wala na nga sila.

Hindi rin maintindihan kung bakit parang nawawala lagi sa kanyang sarili ang magaling na singer, tuwing a-attend ng mga okasyon sa showbiz. Tulad na lamang sa Boracay. Wala siyang pakialam na i-display ang katawan sa kakarampot niyang saplot. Kung sabagay, ang sexy niya talaga ngayon. But that doesn’t give her the privilege na sapawan ang mga kasamang kasalukuyang ginagawa ang dapat gawin sa gathering na iyon.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

19 thoughts on “Ruffa, being courted by ex-husband?!

  1. Mother’s day is celebrated around the world.natural lang na batiin cya.. ex-wife or not, she’s the mother of his children. nakakatawa lang when the writer jumped into a conclusion na pinapanood pa rin lagi ni Ylmaz c Ruffa.hehe

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #64

  3. Hoy mangkukulam hindi ka mag-research sa mga record store….malakas talaga ang LOBO dvd at hindi lang isa binibili ng mga tao kundi buong volume mula 1 to 12, palibhasa mababaw utak mo….gusto mo lang tirahin si Angel, basta makapag-salita walang basehan kung may rating game lang din dito sa TFC LOBO ang no. 1 gabi-gabing inaabangan ng mga pinoy ang LOBO and take note hinde libre ang TFC monthly halos umaabot ng 1000 peso bill ang TFC connection at willing kami gumastos para kay Angel hindi katulad mo libre lng TV wala pang cable…….at nationwide sa philippines LOBO tumatak sa isip ng mga Pilipino knowing na Original ito di galing sa REMAKE that means nag-marka sa TAO…….and years later ito naman ang remake ng second generation…..and that is REALITY…………..ikaw naman makapag-comment lang wala namang basehan at sense……mas bulok ka!!!! bwahahahahahaha

  4. nihindi nga nagrate ang LOBO ni Dark Angel sasabihin mong nag number 1 ito. Hula hulalang ang article ng writer na ito may maisulat lang.

  5. ha ha ha ang writer na ito ay mahilig sa kathang isip. Hindi lang sa Pilipinas sinecelebrate ang mother’s Day at iyang si Ruffa ay ilisyonada. Ayaw pang tantanan si Ylmas sa mga interviews niya. Bakithindi pa nahahabla iyang si Ruffa ng ex-hubby niya? Nasaan na ba iyong nagsampa ng kaso kay Gabby C. Bakit hindi niya isama si Ruffing. Bayaran ng Dos ang writer na ito. Walang kuwenta

  6. Congrats SA ONLY YOU! Number 1 na sa nationwide ratings .

    Para dun sa mga bitter…mamatay kayo sa inggit!

  7. Ano na namang pa-utot ni rufing na magdemanda for custody of her children. Eh her marriage is null and void from the beginning. mantakin mong she decieved Ylmaz, family and friends. kahiya-hiya! so the fact that Ylmaz acknowledged his children with her is bonus enough and by the way that was during the time where he still doesnt know anything about ruffa’s horrid past!

    Whether it is for love or respect, i think we should give it to them. they share 2 beautiful children. i hope they come out unscathed. i mean hellooo!! tyrant grandma! mute na grandpa, puppets for children and ylmaz the caged lion. Her children will be needing years of therapy! pag nagkataon!!!

    And hello!! sa pakistan nga me mother’s day eh!

  8. hay nko bull chit hlatng halata na byaran ka ng dos ano? number 1 network tlga ha? ewnko syo…obvious na one sided ka…lobo was not that good hndi ko nga pnanood un sa tfc e

  9. Di ko nga pinapanood pero pinapanood ko ang extra lang sa TFC kasi ang pinapanood ko ang May bukas pa at sa may bukas pa may trailer pagtapos ng May bukas pa only you na at nililipat ko na local channel na ang pinapanood namin at oo enjoy na enjoy ako pag trailer na sa kakapintas sa trailer ng only you

  10. AS of latest rating rate ONLY YOU is no.1 all over the philippines…………………………sobrang nakaka-hook ang Only You I super love it….sabi mo di mo pinanunuod ayan at ang dami mong comment bwahahahaha….
    nahuhuli talaga ang isda sa bibig. Well i.I guest just enjoy the show…….

  11. Ang pangit ng Only You hindi ko nga pinapanood sa TFC ang pangit ng istorya parang iisa pa lamang na pinag-aagawan ang babae at pag si Sam nasa eksena yakkk bulul na bulul bat di na lang kaya mag salita ng English trying hard mag tagalog .

  12. Miss Ramos, as a writer you should research first before you write or give your own opinion. Mother’s Day celebration last week was not just in the Philippines, the rest of the world celebrated it also even in Turkey. No wonder he sent a text message.

Leave a Reply

Your email address will not be published.