Parazzi Chikka: Ruffa… give me five, five, five!

Lumipat na nga ng bakuran si Ruffa Gutierrez – from 2 to 5 na ng drama ng beauty queen-TV host. Pero bago pa ang kanyang pamamaalam sa The Buzz ng ABS-CBN, naging usap-usapan pa ang nangyari sa huling episode niya with co-host Kris Aquino sa issue ng paglipat na napunta sa ‘pagwo-walk-out ni Ruffa.

Nang makasama naman siya sa I Love Betty La Fea, naging maingay ang issue tungkol sa namagitan sa kanila ng magaling na actor at leading man ng teleserye na si John Lloyd Cruz. Inilabas pa nga rito sa Pinoy Parazzi ang parazzi photo ng dalawa papasok sa mamahaling hotel sa California.

Sa paglipat ni Ruffa, makakasama niya sina Cristy Fermin at Mo Twister sa isang showbiz talk show bilang hosts ng programa. Adios, dos na nga and give me five na nga si Ruffa!

By Jet Bentulan

Photos by Allan F. Sancon & Fernan Sucalit

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Parazzi Chikka: Ruffa… give me five, five, five!

Leave a Reply

Your email address will not be published.