Rufa Mae Quinto, walang dating kay Akihiro Sato – Ruben Marasigan

NATATAWA LANG DAW si Sunshine Dizon sa tsismis na nalululong siya sa casino.  Hindi raw ito totoo dahil hindi raw siya marunong mag-casino at wala rin siyang hilig sa kahit na anong sugal.

Hindi itinatanggi ng dalaga na once na siyang nakapasok sa casino nang minsang maimbitahan ng isang close friend na may mataas na posisyon sa isang casino to grace an occasion.

Hindi rin totoo na nawiwili siyang gumimik at uminom-inom sa mga bar kasama ang ilang kaibigan.  Paminsan-minsan lang daw siya kung sumasama sa pagna-night-out with friends.  Pero kadalasan, mas gusto raw niyang nasa bahay at nagbabasa na lang ng libro.

Gusto kasi niyang bigyan ang sarili ng sapat na pahinga at makapag-recharge nga, kumbaga.

Right now, habang nagre-rest from work, plano ni Sunshine na ituloy ang pag-aaral niya ng Culinary Arts pero rito lang siya mage-enroll sa Pilipinas at hindi kagaya ng unang napabalitang sa Amerika.  Kung pupunta man daw siya sa US, maikling bakasyon lang daw ‘yon  at wala siyang planong magtagal.

Hindi rin daw lilipat ng ibang network ang dalaga gaya ng mga haka-haka.  Loyal pa rin siya sa GMA kaya mananatili siyang Kapuso. Sinabihan naman daw siya ng management ng Siyete na kapag gusto na ulit niyang magtrabaho ay bibigyan pa rin daw siya ng magagandang project.

Wala ring katotohanan ang isyung may boyfriend siyang pulitiko from Iloilo pero meron daw isang politician sa nasabing probinsiya, kung saan nagmula ang kanyang pamilya, na nanliligaw sa kanya ngayon.

But wait. Hindi literal na panliligaw ang ginagawa ng mga politicians sa kanya kundi nililigawan siya na kumadidato roon.

Ang kaso, ayaw  niyang pasukin ang pulitika dahil wala naman siyang kaalaman dito.

Basta sa ngayon, all she wants is to give herself a break at makapagpahinga nang husto.  Kung gaano katagal, hindi pa raw niya masabi.

NATUTUWA ANG JAPANESE-Brazilian model-turned-actor na si Akihiro Sato dahil maganda ang feedback sa kanya bilang leading man ni Rufa Mae Quinto sa month-long episode ng SRO.

Noong una ay medyo takot pa siya at naiilang na makasama ang seksing aktres.

“Siyempre, she’s a big star already and I’m just new in this field,” ani Akihiro.  “I feel intimidated at first.  But when I got to know her, she’s nice and fun to be with pala.  She really helped me a lot especially with my lines since I can’t speak Tagalog very well until now.”

Biro namin, hindi ba siya nagkakagusto sa alindog ni Rufa Mae na may image na madaling ma-attract sa foreign guys?

“I don’t think about that for now,” natawa niyang sagot.  “But you know… she’s beautiful.  She’s sexy.  So, why not?  Pero kasi… may boyfriend siya, ‘di ba?

“For me, it’s okay na friends kami ngayon.  Mabait siyang kaibigan,” sabi pa ni Akihiro.

Zero raw ngayon ang lovelife ni Akihiro.  Ilang buwan na siyang single since nag-break sila ng girlfriend niyang isang Brazilian model din.

“We broke up last January.  She travels a lot kasi and I can’t wait for her.  It’s really hard for us to be together because I want always want to be with her.  Siya naman, she doesn’t want to live here.

“I don’t have time to go out dating or to court anyone right now.  I’d rather keep myself focused on my career muna.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Rufa Mae Quinto, walang dating kay Akihiro Sato – Ruben Marasigan

  1. agree! papatulan at seseryosohin pa cguro ni akihiro sato si justine ng survivor palau. itong si rufa mae pag nakikita namin sa tv ang mukha nya mukha ng P_KI, heheheheheheh!

  2. natural eh laspag na ang babaing ito! asan na ang BF na iniilusyon nya asa pa syang mag seseryoso sa kanya, naku rufa mae patanda ka na ng patanda umayos kana ng maka bingwit ka naman ng matinong lalaki na maghahatid syo sa dambana!

    • wag mo ng negahin…nd give her a chance kung baga
      lht nmn ng tao may krapatang lumigaya…at baka magulat nlng tau na kasal na pla sya dba>
      kya imbes na nega ipanalangin mo nlng na sana mhanap nya ang kaligayang hinahanap nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.