Rufa Mae Quinto, umaasa pa ring pakakasalan ng pulitikong BF *new*

Talagang nagisa nang husto si Rufa Mae Quinto nang maisalang sa special edition ng Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central kaugnay ng 3rd anniversary episode ng nabanggit na showbiz talk show. May lie detector machine na nga, tapos ang batikang entertainment columnist-turned TV host pang si Ricky Lo na maraming alam bilang showbiz authority ang nag-guest para i-interrogate siya.

Isa sa mga naging tanong ni Ricky, kung tuloy ba ang noon pa man ay sinasabing pagpapakasal ni Rufa sa karelasyong ayaw naman niyang tukuyin pa rin kung sino.

‘Yes‘ang sagot ni Rufa Mae, lie naman ang hatol ng lie detector test. At parang sa facial expression at ngiti rin ni Ricky, lie din ang hatol niya sa sagot ni Rufa Mae. Sigawan naman ang audience at iba pang nasa loob ng studio na ang impresyon ay nag-lie rin nga siya.

Marami na ang nakaaalam kung sino ‘yong karelasyon ngayon ni Rufa na hindi niya matukoy kung sino. Alam man din ito ng movie press, wala ring magkalakas-loob na banggitin ang pangalan ng mystery guy sa buhay niya. Anak kasi ng isang high ranking government official, at politiko rin ito.

“Hayaan n’yo nang gano’n,” ani Rufa Mae nang ma-interview na namin. “Basta wala na lang pangalan.

“Plano namin? Siyempre meron. Ang hindi ko lang sasagutin, ‘yong anything about him. Basta walang pangalan na babanggitin, ha? And… masaya naman.”

Dati, unang sinabi niyang magpapakasal siya January of this year. Tapos naging month of May ang sunod na nabanggit niyang plano hinggil sa napag-uusapang kasalan. Wala pa ring wedding na nangyayari, anong buwan na ngayon? Napi-pressure na ba si Rufa Mae na mapag-usapan ang tungkol dito?

“Na-pressure ako. Pero lumipas na rin ang pressure ko. Kumbaga, parang – mas mabuti na ring gano’n na lang muna. ‘Di ba? Para walang problema.”

Pero ang dating sa iba tungkol sa sinasabi niyang kasalan, nang-i-etching lang siya?

“Okey lang. Ang importante ay ‘yong personal na buhay ko muna, ‘di ba? Kung anong tingin ng iba, siguro, ah… mas dapat na isipin ko ‘yong sarili ko at this point in time. Kasi matagal din namang akong nagplano para sa ibang tao.” ‘Yong pamilyang isinaayos niya ang buhay ang kanyang tinutukoy.

“Basta ‘yong wedding… tuloy. Talagang tuloy.”

Pero kelan nga? Anong month? Anong year?

Nangiti lang si Ruffa. Matagal bago muling nakapagsalita.

“Gusto ko may kasal na magaganap. Do’n tayo. Siyempre hangga’t kayang itama.”

What if wala nga talaga palang kasal na mangyayari?

“Hindi pupuwede iyon, eh. Kailangang confirm na meron, ‘di ba? Kasi kung hindi… pangit naman kung walang planong gano’n. Okey lang na ma-delay-delay. Pero kung walang plano, hindi maganda talaga.”

Baka naman inu-OPM lang siya ng mystery guy na ito?

“Hindi. Totoo naman talaga, eh. Nag-offer na nga, ‘di ba? Meron pa ngang ring? So… wait na lang nga natin kung kailan,” patapos na nasabi ni RMQ.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “Rufa Mae Quinto, umaasa pa ring pakakasalan ng pulitikong BF *new*

  1. ang layo ni ANGELA MONTENEGRO kay Rufa Mae…ano ba yan sineryoso ni mikey si rufa mae? napaka disente at may pinagaralan itong angela na asawa ni mikey eh si rufa mae kahit sino pumapatol yan…si bong revila nga nakailang taon din sila

  2. ruffa mae asa ka pa na papakasalan ka ni mikey arroyo? ano ka hilo? sa pagka super matapobre ng pamilya na yan akala mo totohanin ka? hello, bobita ka talaga.

    at isa pa pala, pwede ba tigilan mo na yang ek ek mo na imaginary boyfriend mo at super buking ka na mga tao.

    pinagsasawaan lang ni mikey ang pechay mo na ewan ko naman kung hindi pa ba ayan super bilasa at super luag na sa dami ng nakagamit sa yo.

  3. true, mas maganda tlaga if wag nya muna pinagsasabi until namanhikan na ung guy n all set..sya rin lng nagmu2khang kawawa sa ginagawa nya..

  4. NALOLOKO NA BA SI MIKEY AROYO E LASPAG NA LASPAG AT BILASA NA SI RUFFA MAE.MUKHANG MABIBILI MO NA LANG BYUTI NIYAN SA RED DISTRICT NG 20 PESOS PARA SA SHORT TIME.KAKADIRI KA NAMAN MIKEY WALA KANG DELICADEZA.

  5. kung may plano man siya, wag na kasi siyang magsalita hanggat hindi siya sigurado. Ianunsyo na lang niya kung meron na silang date at imbitasyon, un lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.