Rufa Mae Quinto, patuloy na namamayagpag bilang aktres at TV host

RUFA MAE Quinto has been in showbiz for 18 years. Isa siya sa mga naging miyembro ng That’s Entertainment na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang showbiz career bi-lang aktres at television host.

Maituturing nang beterana si P-chi (palayaw ni Rufa Mae) sa larangan ng pag-arte at pagho-host dahil sa tagal niya sa industriya but it doesn’t mean that she’ll just sit back and relax. Ang maganda kay P-chi ay hindi nawawala sa kanya ang pagmamahal at dedikasyon sa industriyang halos kanyang kinalakihan. Kaya naman patuloy pa rin siya sa pagtuklas ng mga bagong kakayahan na ipapakita sa mga manonood.

P-chi is sexy, daring, and hilarious. And this works to her advantage bilang isang comedienne dahil kayang-kaya niyang gumanap ng isang karakter na may ganitong mga katangian sa kanyang mga television shows at pelikula tulad ng Gloria, Gloria Labandera, Booba, at Super B.

She will soon start shooting her upcoming comedy-action film tentatively titled Angelina Jolly. “Kahit nakapagsolo na ako sa mga pelikula noon, wil-ling pa rin ako to share top billing with other stars dahil mas nag-e-enjoy akong makatrabaho ang ibang mga artista. Pero siyempre may mga pagkakataon na kailangang gawin ang solo movie at ang pagkakataon na iyan ay dumating ngayong taon,” sabi niya.

Pero hindi lahat ay trabaho para kay P-chi. Before she starts her new projects this year, she plans to have a much-needed vacation with close friends. Balak din niyang kumuha ng short course sa culinary arts at maglaan ng oras sa kanyang pilates class to maintain her svelte figure. “Siyempre kailangan ko ring mag-recharge para pagbalik ko sa trabaho ay to the highest level pa rin ako,” sabi niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Rufa Mae Quinto, patuloy na namamayagpag bilang aktres at TV host

  1. lahat ata ng lalaki sa showbiz na gwaping natikman na nito! hawkins, bong revilla, jay manalo, boy 2 quizon, ang dami pa. pati nga si beking sino ba iyun pinatos pa! ay hwag kalimutan si mikey at iyung singer ng south boarder ba iyun! Ang dami!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.