Rufa Mae Quinto, okey lang tawagin boba, ‘wag lang babastusin

WALANG MASAMANG tinapay kay Rufa Mae Quinto dahil ‘di naman daw siya matutulungan kung papatulan o papansinin pa niya ang mga intriga. Pagkatapos kasi niyang gawin ang pelikulang Booba, parang boba na rin ang tingin sa kanya ng tao, lalo na roon sa mga naiinggit sa kanya.

“Ako naman kahit anong tingin nila sa akin, okey lang. Huwag lang nila akong babastusin. For me kasi, hindi naman kailangan magmukhang matalino ako, mahal na mahal ko rin ang Booba kaya nandito ako at nakagawa ng Huling Henya,” katuwiran ni Rufa Mae.

Sa latest niyang movie, walang hubaran at pagpapaseksing ginawa si Rufa Mae kaya tuloy naitanong sa kanya kung napagod na ba siyang magpaseksi?

“Hindi naman. Twenty years na ako sa showbiz next year. Magkakaroon ako ng concert at coffeetable book, maraming magaganap. Bagong movies and all. I want to leave something na heto man lang, I want to live to the fullest. Gusto ko naman magbigay ng something to be proud. Sa Huling Henya, talagang ibinigay ko nang todo-todo. Walang make-up.

“Dati kasi, ‘di ba kailangan naka-contact lens. Na hindi ako maluluha. Tapos lashes. Kailangan palung-palo lagi. Talagang walang lipstick. Walang foundation kasi action. So todo na ito,” pahayag pa ni Rufa Mae.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Rufa Mae Quinto, okey lang tawagin boba, ‘wag lang babastusin

  1. eh di ba parang pambabastos na rin pag tinawag kang boba? ano ba tong rufa mae na ito napaka-boba nga hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.