Rufa Mae Quinto, nagiging libangan na ang pag-inom ng alak?!

NORMAL LANG naman siyempre na sa edad ngayon ni Rufa Mae Quinto, kahit nasa kanya na ang mga materyal na bagay na kailangan ng isang babae, ganu’n na rin ang kasikatan na kanyang nakuha sa kasagsagan ng kanyang career, bilang seksing komedyana ay darating din naman siya sa punto ng pagkainip. Ilang mahahabang taon ng pakikipagrelasyon na kasi ang kanyang naranasan sa ilang lalaking kanyang minahal, pero hindi pa rin nangyayari na siya ay mapakasalan.

Napag-iwanan na nga panahon si Rufa Mae tungkol sa pagpapakasal, dahil ang mga kasabayan niya sa pag-aartista na sumikat din noon sa That’s Entertainment ‘tulad nina Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Jessa Zaragosa at Manilyn Reynes ay pawang nakaranas nang magpakasal at ang iba ay napahiwalay na sa mga lalaking pinakasalan. Pero si P-Chi ay nganga at umaasam pa rin kung kailan talaga siya makapag-aasawa.

Nagiging libangan daw ngayon ni Rufa Mae ang pag-iinom ng alak? Mahilig lang daw magpatawa ang aktres dahil isa nga siyang komedyana. Pero pansin ng kanyang mga kaibigan, parang may itinatagong lungkot ang seksing komedyana, na nakapag-iisip daw, dahil hindi naman ganu’n ang kanyang personalidad. Masayahin kasi dati ang aktres at laging bumabangka sa masayahang tsikahan, at hindi sanay ang kanyang mga kaibigan na parang may itinatagong problema si P-Chi.

 

WIKA NI Raymart Santiago, ito na ang pinakamahirap na panahon para sa kanya tungkol sa isyu ng alitan nila ng kanyang asawang si Claudine Barretto. Matagal niyang nagawa ang magtiis na hindi magsalita tungkol sa mga problema sa loob ng kanilang tahanan nu’ng mga panahong nagsasama pa sila bilang mag-asawa. Ang laman kasi ng kanyang kalooban ay baka dahil sa sobra niyang pagmamahal dati kay Claudine, at sa kanilang mga anak ay maging maayos pa ang lahat.

Ang alam lang ni Raymart sa ngayon, mayroon silang mga anak, at si Claudine ang babaeng kanyang pinakasalan. Pero dahil sa mga gulong nangyayari sa ngayon, hindi na niya kayang sagutin kung may natitira pang pagmamahal sa kanyang puso para kay Claudine. Isinusuko na niya ang ina ng kanyang mga anak sa mga magulang nito, dahil wala na talaga siyang magagawa sa mga nangyayari, dahil para sa kanya ay kakaibang-kakaiba na ngayon ang aktres.

Sagad na sagad na ang pasensiya ni Raymart sa mga nangyari. Bilang ama, ang kalungkutan na lang niya at takot sa ngayon ay kung papaano na ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino sa mga panahong ito na ang laman ng isip at puso ng aktres ay puro galit at paghihiganti. Hirap na hirap ang kalooban ngayon ni Raymart kapag nagiging palaban siya sa mga akusasyon ni Claudine, dahil iniisip pa rin niya ang dati nilang pinagsamahan kapag kinakailangan niyang gumanti para maipagtanggol din naman ang kanyang sarili.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Rufa Mae Quinto, nagiging libangan na ang pag-inom ng alak?!

    • Ok naman ang image ni ateng na sexy comedienne. Uso yan sa ibang bansa. Kaya lang malas yata itey sa mga karelasyon. Sa mga naging celebrity BF niya, ang isa ay maraming panganay na sinusustentohan, ang isa naman closeta. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.