Rufa Mae Quinto, may dyowang pulitiko! By Gorgy’s Park

PAWIS NA PAWIS si Mark Anthony Fernandez nang makatsikahan namin sa presscon ng Darna nu’ng nakaraang Lunes dahil pawang intriga ang mga ibinato sa kanya.

Pinagpilitan pa rin kasi ng ilang intrigera ang isyung hiwalay na raw silang mag-asawa. Sey naman ni Mark Anthony, so far ay okay pa naman daw silang mag-asawa.

Totoong nagkaproblema raw sila noon at muntikan nang maghiwalay pero naayos naman daw at okay na sila ngayon.

Sabi pa niya, kung sakaling may problema silang mag-asawa  ay hindi naman daw niya itatago sa publiko. Sa kanya mismo manggagaling kung ano ang totoong kalagayan nilang mag-asawa.

“So far, okay pa naman kami ngayon. Hindi lang lagi nagkikita kasi ang dami ko  namang trabaho,” pahayag ng aktor.

Nagulat naman si Mark Anthony nang kinunan ito ng reaksyon tungkol sa intriga sa Mama niyang si Alma Moreno na meron daw itong Estafa case.

Tahimik lang kasi si Alma sa intrigang ito at kahit anong kulit ng Startalk staff na sagutin niya ito, hindi niya pinapatulan.

Hindi naman naniniwala si Mark Anthony sa intrigang ito. Malapit na raw kasi ang eleksyon kaya obvious na gusto lang daw siyang siraan.

Kung sakaling may problema raw ang Mama niya sa pagkakautang, kaya na naman daw nitong bayaran.

SI RUFA MAE Quinto naman ay nakorner din ng Startalk sa presscon ng Darna at napaamin itong may binili pala siyang lupa’t bahay sa San Francisco, California.

Nu’ng huling biyahe niya sa Amerika ay pina-bless daw niya ang bagong bahay niya sa Frisco na galing naman daw sa kita niya. Pero nang tinanong ito kung totong bigay ito ng dyowa niyang isang taong maimpluwensya sa pulitika, sagot agad ang hitad ng “partly!”

Hindi naman niya itinatangging may karelasyon siya ngayon pero hindi na nito sinabi kung sino. Kilala raw ito at totoong maimpluwensya nga pero hindi pa raw tamang panahong ipakilala.

Masaya na raw sila sa kanilang relasyon na tahimik na lang. Pero darating ang araw na makilala rin ito, kapag puwede na.

May ideya na kami kung sinong lalaki itong tinutukoy ni Rufa Mae pero kahit anong pilit namin, wala talaga siyang sinasabi.

Nangako kasi si Rufa Mae sa sarili na kapag magkaroon siya uli ng relasyon, gusto niya seryoso na ito at ito na raw sana ang lalaking makakasama niya habang buhay.

Sana naman walang sabit itong lalaking tinutukoy ni Rufa Mae. Basta masaya na raw siya ngayon sa lalaking ito at wala naman  daw silang problema kaya mabuting tahimik na lang.

By Gorgy’s Park

loading...

9 thoughts on “Rufa Mae Quinto, may dyowang pulitiko! By Gorgy’s Park

  1. Darating ang araw na makilala din natin ang lalaking pulitiko PAG PUEDE NA? Feeling yata niya , hihiwalayan ni Mikey yung asawa niya para sa kanya?

    • sana kung politician ang jowa mo cguraduhin mong hindi galing sa kaban ng bayan ang mga pinangreregalo sau. kawawa naman kaming mga nagbabayad ng tax!

  2. ..kilala q yan..c first gentleman arroyo yan ee…snbi na yan ng tita q sa akin…aminin mn n ruffa mae o hnd…22ong c F.G yan…

  3. may nagtataka pa ba pag sinabi ni ropa na may dyowa sya? mas nakakapagtaka nman kung sasabihin nyang wala syang dyowa dahil makati sya kaya di maniniwala ang mga tao na wala. Di yan mabubuhay ng walang lalaki!

Leave a Reply

Your email address will not be published.