Rufa Mae Quinto, magpapakasal na pagkatapos ng eleksiyon!

Binawi na ni Ruffa Mae Quinto ang kanyang sinabi na magku-quit na siya sa showbiz. Nabitawan ni P-Chi ang salitang ito nang makatagpo na siya ng lalaking papakasalan niya. Engaged na nga si P-Chi at handang-handa na talaga siyang mag-settle down. Nang makausap namin si P-Chi sa isang pictorial, matipid na matipid ito ang kanyang sagot nang tanungin namin siya kung sino ang mystery guy na pakakasalan niya.

Iwas-pusoy na nga si Peachy at ayaw na niyang masyadong nagbibigay ng detalye sa kung sino ang dine-date niya ngayon. Lagi na lang daw kasing napupurnada kung masyado siyang makuwento sa kung sino ang dyowa niya ngayon, kaya tikom na muna ang kanyang bibig. Pero desidido na talaga ang komedyante na magpakasal sa 2010 pero tatapusin na muna niya ang eleksyon. “Pagkatapos na lang ng eleksiyon, kasi ‘di ba siyempre, magulo pa, so pagkatapos na lang.” aniya.

Aminado si P-Chi na unti-unti na rin siyang magla-lie-low sa pagpapaseksi. Hindi naman daw habang buhay, e, lagi na lang niyang ibabalandra ang kanyang “private parts.” ‘Pag nagpakasal na siya, medyo hihinto na rin siya sa mga sexy pictorials at movies. Pero sa ngayon, e, nag-e-enjoy pa siya ng todo sa showbiz at hindi pa siya handang talikuran ito.

Hindi raw maiwasan ni P-Chi na bawiin ang kanyang mga naging unang pahayag dahil sa sobrang daming blessings na dumarating sa kanya ngayon. Kapapanalo lang niya ng PMPC Star Awards for Best Comedy Actress para sa Bubble Gang. Pang-apat na award na ito ni P-Chi at sobrang nagpapasalamat siya na hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin siya ng mga tao. Aminado siyang marami na ngang nagsusulputan ngayong mga komedyante sa showbiz pero wala raw siyang iniisip na pressure. “Wala talaga, kasi ‘pag may pressure iba ‘yung dating sa ‘yo. Dapat enjoy ka lang. Ako gusto ko ngang makatrabaho ‘yung iba tulad nina K Brosas… si Ai-Ai, nakatrabaho ko na rin,” kuwento ni P-Chi. Si Angelica Panganiban nga raw ang isa sa mga bagong komedyante ngayon na gusto niyang makatrabaho. “Pareho rin kaming sexy!”

Available na ang “Cory Magic” ang librong ginawa para sa mga alaala kay Cory Aquino. Ginanap ang “launching” sa Greenbelt 3 sa Makati at naroon ang kapatid ni Kris Aquino na si Pinky Aquino-Abellada. Pati ang mga contributors sa naturang libro na si Teddy Boy Locsin, Jr. at iba pang mga photographers ay nandoon. Nagpapasalamat naman ang buong pamilyang Aquino sa paglathala ng librong ito dahil ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay marami nang commemorative items na nagsulputan – mga relo, libro, bag at marami pang iba. Ilang porsyento ng proceeds ay mapupunta sa Benigno Aquino Foundation.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.