Rufa Mae Quinto, magiging mapili na sa projects! – Pilar Mateo

HINDI NAMAN DAW tuluyang igi-give up ng comedienne na si Rufa Mae Quinto ang kanyang career sa sandaling lumagay na siya sa tahimik sa June 2010.

Mas quality projects na lang daw ang kanyang sasalangan. Meaning?

“Yung hindi na ako titingin sa quantity o basta tanggap na lang nang tanggap ng raket. ‘Yung gusto ko, mas marami na akong panahong gugugulin sa pag-aasawa ko.”

Hindi na nga raw makakasama si Rufa Mae sa remake ng Working Girls ng Viva Films.

“Du’n nga sana muna ako as parang bonggang opening ng career ko in 2010. Kaya lang, ang Viva rin ang nag-decide na huwag na lang din muna ‘yun ang gawin ko dahil may plano pala silang isang malaking solo movie for me. Parang connected pa rin sa unang Booba. Pero ayoko namang sabihing parang last ko na ‘yun. Iba naman ang pagpapakasal ko, wala namang kinalaman ‘yun sa career ko. May mababago, oo, pero hindi naman ibig sabihin nu’n na mabubura na ito sa buhay ko.”

Siya pala ang leading lady ni Manny Pacquiao sa Wapakman. Hindi ba si Krista (Ranillo)?

Ah, kaya pala binigyan ng solo press conference niya ng Viva Films si Rufa Mae. Mukha nga kasing natabunan siya ng mga isyu kay Manny at Krista.

Pinag-react namin si Rufa Mae sa opinion ng iba na hindi pa man daw naipalalabas, siguradong flop na ang movie nila dahil sa mga ka-nega-hang inabot nito.

“Eh, opinion nila ‘yun. Sana lang, bigyan din nila ng chance. Wala namang kuneksiyon ‘yun sa proyektong ginawa namin. We’re all in this together. Sana, hindi ‘yun ang maging basehan nila para husgahan ang pelikula namin.”

Ang alin na nga ito?

Nabaliw na ang komedyana, tumawa na lang ng tumawa!

HINDI PA MAN lumalabas ng Bahay ni Kuya sa PBB (Pinoy Big Brother): Double Up ang sinusubaybayan ngayong si Melay, naikukumpara na ito sa komedyanang si Pokwang. Minsan na ring dinaanan ni Pokwang ang ganun nang siya ang baguhang napapansin at naikukumpara naman sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

“Siya ang bet ko sa PBB. Ibinigay sa kanya ng Diyos ang talento niya. Napapasaya rin niya ang mga manonood sa sarili niyang paraan. Kung ‘yun ang destiny niya, eh, dapat lang na bigyan din natin siya ng chance. Dapat na matuwa rin tayo para sa kanya. Kung darating nga ‘yung chance, gusto kong magkasama kami in the future. With matching Mommy D (Dionisia-the correct spelling) pa.” Sey ni Pokwang sa presscon ng Nobody, Nobody… but Juan!

Wala pa rin daw maipagmamalaking love life ngayon si Pokwang. At kung hinahanap man niya ang isang dating kilala na sumikat na ngayon sa kaka-name drop niya na si Carlito Buban, hihintayin na lang daw niya ‘yun sa tamang panahon.

Eh, ask namin kung halimbawang hindi lalaki ang dumating sa buhay niya. Kundi isang butch or tomboy, may posibilidad daw kaya na mapasok siya sa ganoong relasyon?

Ayaw raw niya. Alang-alang sa anak niya.

Minsan nga raw na may nag-regalo ng vibrator sa kanya eh, bigla niya itong naitapon. Dahil baka raw makita ng anak niya ‘yun eh, kung ano pa ang isipin.

“Thirteen years old na ang anak ko, babae pa. Hindi naman ako naghahanap. Idadaan ko na lang sa ligo. At kakanta na lang ako ng tralala-tralala. ‘Wag na lang ‘yang mga ganyang keblag.”

At kung may lalaki raw siyang iilusyunin, gaya nina Gretchen Barretto at Jinkee Pacquiao, wala ng iba ‘yun kundi ang Papa Derek Ramsay ni Angelica Panganiban.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.