Rufa Mae Quinto, lumipat na kalabang gag show?

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae Quinto

Mainstay na nga ba si Rufa Mae Quinto ng “Happinas Happy Hour”, leaving “Bubble Gang” na matagal ding panahon siyang kabilang as one of the sexy female attractions?

For two consecutive Fridays now, Peachie has graced TV5’s comedy variety show; una noong iniupo siya sa segment na ‘Maboteng Usapan’ where its hosts Kembot and Kembolar—Ogie Alcasid and Janno Gibbs, respectively—threw a bridal shower para sa kanya.

Nasundan ito ng kuwelang partisipasyon ng bride-to-be sa fun game na ‘Dikit To Win It’, kaya dahil may kapaniwalaang “it comes in threes” ay inaabangan kung magkakaroon ng pangatlong appearance si Rufa Mae Quinto.

Airing at 9 pm, bilang respeto siguro sa pinanggalingang show sa GMA kung kaya’t mas pinili ni Peachie to be part of the wacky HHH barkada. Add to this ay ang long years of friendship nila ng mga host nito.

Kunsabagay, mga bago na rin kasing mukha ang nasa kabilang sitcom, and we could just imagine Rufa Mae’s nagging discomfort in the company of new co-workers which does not share her work ethic.

Ganu’n nga ba ‘yon, Ms. Nika Evangelista?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.