Rufa Mae Quinto, kahit sobrang stressed, ‘di sumusuko

NAPAKAABALANG TAO NITONG si Rufa Mae Quinto. Hindi lang sa pagiging komikerang artista kundi maging sa kanyang pinagkakaabalahang business sa ngayon, ang kanyang Brown Sugar Production, kung saan inaasahan niya na magkaroon na ng katuparan ang maging successful businesswoman.

Marami siyang agendang mga project na gawin sa production na ang iba ay may kaganapan na, tulad ng paggawa ng local and international movies, pagpo-produce ng shows local and abroad, commercials, at pati na rin ang TV shows. Associate producer siya ng bagong show ng Kapuso Network, ang Prankista, hosted by Boy 2 Quizon. May tema itong semi-reality shows na comedy, parang sa Wow Mali.

Madalas niyang makasama sa mga lakad si Boy 2 dahil isa ito sa mga kasosyo niya sa business. Actually, lima silang magkakasosyo. Sa palaging

magkasama sila ni Dos ay napapabalita tuloy na baka sila naman ngayon ang mag-on. Pinabulaanan naman ito ng dalaga. “Closed lang talaga kami dahil laging tungkol sa business namin ang pinag-uusapan namin madalas. Kung manliligaw naman siya sa akin, wala naman sigurong masama dahil binata siya at dalaga naman ako. Hindi imposible, kaya lang sa ngayon ay sarado muna ang puso ko sa ganyang usapin. ‘Di ko pa rin alam kung matutuloy na ba akong magpakasal until next year, kasi ‘di ko pa maasikaso ang tungkol du’n,” paliwanag niya.

Sa ngayon ay medyo nabawasan ang kanyang pagkangarag sa trabaho dahil tatlong linggong wala silang taping ng Bubble Gang, ang number one comedy show ng bansa. Katatapos lang ng kani-lang selebrasyon ng ika-16 na taon. Bonggang music video ang kanilang temang ipinalabas ng dalawang Friday nitong October. Nguni’t kahit umano siya walang taping ay trabahong walang humpay pa rin ang kanyang aatupagin. Pagtutuunan umano niya ng panahon ang kanyang business. At the same time ay mag-aaral din umano siya ng computer graphics para sa kanyang studio, audio-video at photography. Naglagay na rin kasi siya ng studio gallery sa opisina ng Brown Sugar Producton. To the highest level na raw siya rito at ito ang kanyang passion. Sobrang kumplikado na raw ang kanyang trabaho rito.

Sa ngayon ay nami-miss pa rin niya ang kanyang pinakamamahal na Lola Lucing. Dahil cremated naman ito at nasa bahay lang nila ang abo ay magpapadasal na lamang siya para sa paggunita ng Undas. Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang taping ng Daldalita, kung saan medyo hirap siya sa kanyang role, ang maging bida-kontrabida. Naiisip din niya kung bakit madalas raw na samahan niyang teleserye ay pawang nagsisimula sa letrang D.

“Ano kaya ibig sabihin nu’n, o nagkakataon lamang?” pagtataka niya.

loading...

One thought on “Rufa Mae Quinto, kahit sobrang stressed, ‘di sumusuko

  1. Pingback: Rufa Mae Quinto, kahit sobrang stressed, ‘di sumusuko - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.