Rufa Mae Quinto, isa lang daw ang ine-entertain na manliligaw

Rufa-Mae-QuintoHALOS MAPATALON sa tuwa si Rufa Mae Quinto nang manalong Best Comedy Actress sa katatapos na 27th Star Awards For Television. Ito ay para sa galing niyang magpatawa sa Bubble Gang ng GMA 7 na nagwagi namang Best Gag Show ka-tie ang Banana Split ng ABS-CBN 2.

“Masaya ako dahil naniniwala pa rin sila,” masiglang pahayag ng sexy comedienne nang makausap namin after the awards night.

“It’s nice na nai-entertain pa rin sila. Natutuwa. Natatawa. So, iba ‘yon. Very touching. Masarap maramdaman na effective pa rin ang pagpapatawa namin sa Bubble Gang. Na marami pa rin ang natutuwa at natatawa. Dagdag-inspirasyon iyon hindi lang para sa akin kundi sa aming lahat na bumubuo ng Bubble Gang. Talagang pagsisikapan namin na laging todo ang pagbibigay namin ng kasiyahan at katatawanan para sa lahat. Bata pa lang ako, ito na ang pangarap ko. Ang makapagpatawa. Iba kasi ang pakiramdam kapag marami kang napapasayang tao. Tapos may bonus pang award na ganito. Ano pa ba ang mahihiling ko?”

Pitong Best Comedy Actress trophy na ang nakuha ni Rufa Mae mula sa PMPC Star Awards For Television. Una siyang nanalo nito noong taong 2000 para sa Ispup (ABC 5). Sumunod ay noong 2005 (Bubble Gang), 2006 (Hokus Pokus-GMA 7), 2008 (Bubble Gang), 2009 (Bubble Gang), at 2012 pa (Bubble Gang). Tatlong panalo na lang, makakasama na siya sa Hall Of Fame ng PMPC Star Awards For Television.

“Kaya pa kaya ng powers ko?” natawang biro niya. “Sana! Iyon ang talagang todong-todo na kapag nangyari.”

Hindi ipinagkakaila ni Rufa Mae na may isang non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Pero hindi pa kami. Nanliligaw pa lang siya. Friends-friend lang muna. Saka na ‘yon. Hindi ko masabi kung kailan ko siya sasagutin. Siguro matagal pa. Ayoko nang mabilisan. ‘Di ba? Gusto ko, matagalan. Mabuti na kilatisin ko muna siyang mabuti. At kapag okey naman talaga, eh ‘di… ‘yon na! Todo na!”

Marami raw nagpaparamdam sa kanya. Pero ang nasabing guy lang daw ang in-entertain niya bilang manliligaw.

“Kasi mahirap mag-focus kapag maraming ini-entertain, ‘di ba? So, isa lang. Para maka-focus ako ng pagkilatis sa kanya,” sabay bungisngis na sabi pa ni Rufa Mae.

Meron siyang ini-entertain na manliligaw sa ngayon. Pero bakit may tsismis na nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Boy 2 Quizon?

“Hindi totoo. Bakit magkakabalikan?” tanong din niya. “Friends-friends pa rin naman kami. Pero hindi na masyado. Kumbaga, busy na lahat, eh. So, hindi na kami masyadong nakalalabas kasama ng ibang friends.”

Ganyan?

 

MATIPID SA pagsagot si KC Concepcion kapag nauusisa tungkol sa pagkaka-link niya kay Paulo Avelino. Ayaw rin niyang kumpirmahin kung talaga nga bang nanliligaw sa kanya ang aktor.

“Siya na lang po ang tanungin ninyo about that,” aniya. “But I go out with friends. I am open to dating. Alam n’yo naman po ‘yan. Hindi ko naman po itinatago ‘yan sa inyo.”

How does she find Paulo ba?

“Mabait po. At saka parang hindi siya masyadong showbiz na… hindi siya matakaw sa atensiyon. Actually, nagtatago nga ‘yon lagi. At saka tahimik. Alam n’yo, totoo ito, ha? Kasi naririnig ninyo ito lagi sa akin. Pero totoo po, kasi hindi po ako ready mag-commit. I mean, siguro… in a year o a couple of years.

“Pero kasi sa ngayon, talagang nag-i-enjoy pa ako. Parang ang feeling ko kasi, ang daming time na rin na na-waste ko being with the wrong guy. Baka kailangan ko lang ng time na, ibalik ‘yong time na nawala sa akin.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Rufa Mae Quinto, isa lang daw ang ine-entertain na manliligaw

  1. Oh yeah? sino si B? M? Si Ruffa Mae ba talaga ito? Iba na ang mukha nya? nagpa plastic surgery ba ito sa mukha? Parang iba yong mukha nya. Nagtatanong lang ho.

      • Hehehehehe, daming tanong kasi ang daming hindi ko alam. Kaya nagtatanong dahil kung hindi magtatanong, hindi ko malalaman ang sagot e tsismoso pa naman ako at bored ngayon, ang amo ko super kuripot, wala pa daw ipangbayad ng sahod naming ngayon, kaya ang tanong ko, bubogbogin ko ba ito or lalayasan ko na lang?

Leave a Reply

Your email address will not be published.