Rufa Mae Quinto, inaming naging kabit siya!

BONGGA SI Rufa Mae Quinto at inamin niya na naging “mistress” siya.

At least, hindi niya ikinahiya na minsan ay naging “kabit” siya. Nagmahal man siya, na-realize niya na ang lahat ng mga ganu’ng relasyon ay hindi pangmatagalan. “Ako pa rin ang naiiwan sa bandang huli,” pag-amin niya.

May mga marriage proposal na rin naman sa kanya noon pero tinanggihan niya sa takot sa responsibilidad. “Hindi pa kasi ako ready noon at madami pa ang umaasa sa akin. But now, gusto ko na.”

Sa katunayan, ang dating boyfriend niya na basketbolista na si Rudy Hatfield ay inaya na siyang magpakasal noon na tinanggihan niya.

We just hope that this time, may magseryoso muli  kay Rufa Mae at i-offer muli siya ng kasal tulad ng dati.

Pero may tanong lang ako sa sexy comedienne. I just wonder kung aaminin din niya na naging mistress siya ng isang dating congressman from Central Luzon; a former Manila mayor and an incumbent senator.

 

‘PAG NATULOY si Sarah Geronimo sa kanyang bakasyon sa Brazil sa taong ito, tila malaking kuwento ito sa showbiz lalo na’t for the first time maglalakwatsa siya na hindi kasama ang kanyang mga magulang. In short, rarampa siya only with friends para diskubrihin ang mundo.

It’s freedom for the Pop Princess ‘pag nagkataon. Isang malaking hakbang ito para sa dalaga.

I’m sure, ang virginal image niya ay mahuhubaran lalo pa’t sa lakwatsa niyang ito, sinabi ng singer-aktres na sa taong 2013, madaming pagbabago na ang magaganap sa kanya. Mga pagbabago na for the better para sa kanyang career at sa kanyang sarili.

Pero mas interesado ako sa kalayaan na matagal na niyang inaasam-asam sa bagong taon.

Kahit sabihin pa niya na hindi niya minamadali ang kalayaang ito para hindi siya magkamali, it’s a big move para sa kanya.

Imagine, Sarah in two piece skimpy bikini enjoying the beach of Ipanema? Makikipagsabayan siya sa mga girls of Ipanema sa pagrampa.

Sa Brazil, baka rito magaganap ang awakening ng Pop Princess na hindi malayo sa edad beinte singko (she’s turning 25 this year) ay matitikman na niya ang kalayaan na matagal na niyang inaasam-asam.

Sa edad niya na 24 ngayon, never been kiss pa ang dalaga. Ewan kung sa pagba-bar hopping niya with KC Concepcion (na makakasama niya sa lakwatsang ito) may pumasada sa kanya at for the first time ay isang simpleng halik ng isang guwapong Brazilian ng makakauna kay Sarah.

Daming guwaping sa Brazil. Mga mukhang mga modelo. Imagine the looks of Daniel Matsunaga, Akihiro Sato at ang mga sampu-samperang mga modelo na pumalaot dito sa Pilipinas para maghanap-buhay ang mae-encounter ni Sarah, why not?

If ever, Sarah should start taking a crash course on how to kiss; how to be safe at higit sa lahat, on how to flirt. Yes, just flirt nothing more, nothing less para ma-enjoy niya ang kanyang kalayaan.

At ‘pag nagkataon, sa mga pelikulang gagawin niya, a kissing scene (torrid man or whatever) is no longer an issue na ituturo pa sa kanya.

With her movie with John Lloyd Cruz, ang It Takes a Man and a Woman (if I‘m not mistaken at awitin ni Teri de Sario) for Star Cinema, may hot kissing scene diumano ang dalawa.

This month, kapag walang aberya, aalis sila for the Big Apple (New York) to shoot the movie.

HULI SI Ate!

Kahit ako, magdaramdam sa katayuan ni Kim Chiu na ang inaasahan kong “Bestfriend” at “Big Sister” ay ka-date ng ex-boyfriend ko na si Gerald Anderson sa Misibis Bay sa Albay kahit sabihin man na wala na kaming relasyon. Kung bakit naman kasi hindi man lang kumatok si Maja Salvador na trip din pala niya si Gerald.

Pero say ni Little Sister Kim, naka-move on na siya kaya no comment siya.

But I’m sure, makakaapekto ang pangyayaring ito sa taping at trabaho nila sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (Book 2).

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

12 thoughts on “Rufa Mae Quinto, inaming naging kabit siya!

  1. atleast anest siya :) lahat naman ng tao may tinatagong landi ibat iba level lang. meron lang talagang hindi mapigilan.

  2. WALA KC XANG PANDEADLINE KYA UN LIPAS N ISSUE N SIMUBMIT NYA KESA WALA NGA NMN XANG MAKAIN SO THERE PTI ANG EDITOR WALA NG PROOFREAD-PROOFREAD HAHAHHA….PAREPAREHONG TULOG AT NGISING NG GUTOM N GUTOM KYA HAYAN…KUMBAGA EH BAHAW ANG INIHAIN SA LAPAG NG MESA!

  3. She is of age, she can decide for herself….she happens to want to share her stories and experiences with the masses her fans. It is up to us if we want to be a mistress, kabit, concubine…may utak din naman tayo.

    • Don’t forget too is that RMQ’s entire family depended on her (typical talaga), tapos ninakawan pa siya ng saril niyang kamaaganak…

  4. Mga guys,, let’s grow up ok? although mga celebrity sila kailangan nila ng privacy. kung kabit man or what, it is none of our business. wala tayong K na laitin or i judge. ok? alisin nyo na ang pinoy crab/inggit mentality.  mga obobs.

  5. HINDI LANG SIYA KABIT .POKPOKINA RIN ANG BABAE NA ITO. PARAUSAN NG MGA BUSINESSMAN AT PULITIKO. BALITA DYAN HINDI NA MASYADONG PA BOOKING DAHIL MASYONDA NA SIYA. NAGKAKA EDAD NA. MAS GUSTO NG CLIENT ANG BATA AT SARIWANG STARLET.

  6. saang bundok ba galing tong writer nato? diba za nanonood ng tv  at ngbabasa ng ibang colums ng kapwa writer nya e tpaos nyng sinasbi nyng pgpunta ni sara wd kc sa brazil eh…kinwento pyan ni sara at kc sa SGL eh… how tanga nman dis writer, balik kasa grade one kalbo!!

  7. Sarah is turnng 25 this year. ngayon pa lang po siya pinayagan bumiyahe mag-isa ng parents niya kaya sa Brazil ang bakasyon niya. kasama daw si KC Concepcion.

  8. natutulog ba ang writer na to? tapos na po ang trip ni sarah for BRAZIL kaloka ka, target naman this year ay AFRICA kaya anong say nyo,hindi lng mga kalapit bansa ang target kundi ibaibang continent kaya mamatay kayo sa inggit

Leave a Reply

Your email address will not be published.