Rufa Mae quinto, ibang level na

Rufa Mae Quinto

Picture 1 of 5

TO THE highest level na umano si Rufa Mae Quinto pagdating sa pag-arte, pero naroon pa rin ang kanyang pagkakikay bilang famous sexy-comedienne. Ito ang ipapamalas niya sa kanyang bagong pelikula na ire-release ng Viva Films, ang Miri, Ang Huling Babaeng Henya, sa direksiyon ng kapuri-puring director na Marlon Rivera.

Dinalaw ko ang set ng pelikula na ang eksena ay sa bandang Cubao lamang ginawa, kaya madali ko itong napuntahan. On-going ang syuting at sunud-sunod, sandali lamang kung nakapagpapahinga si P-Chi.

Nainterbyu namin siya kasama ang ilang TV reporter. Nagpaunlak naman siya kahit na medyo pagod at pawisan, dahil ang eksena ay maaksiyon. Ipinakita niya ang kanyang galos sa braso na ganoon din ang tinamo ni Edgar Allan Guzman na kaeksena niya. Si Edgar ang kanyang nakababatang kapatid bilang si Mark at ang totoong henyo. Si Rufa Mae naman bilang si Miri ay may pagka-adbenturera at feeling niya lang na siya ay henya.

Action-comedy ang tema ng pelikula. Dibdiban at seryoso naman ang pagi-ging action star ng dalaga. May ilan din namang madramang eksena na sineryoso rin ng ating bida. Ito raw ang kanyang pagkakaiba sa mga nauna niyang movie. Hindi na raw katulad ng dati na may kasamang pa-cute ang kanyang mga dialogue. ‘Yun na!

Samantala’y may ilan pa siyang ginagawang pelikula na siya ang producer. May mga movie rin na hindi kasama.

Tahimik daw ang lovelife niya ngayon. Deadma rin daw sa kanya kung may mga intrigang ibinabato sa kanya. Ang focus umano niya sa ngayon ay nasa kanyang career at business.

“Ayaw ko na munang makipagrelasyon. Si-guro naman ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. ‘Yung talagang magmamahal sa akin at mahal ko rin siyempre. Maramdaman mo naman kung talagang ‘yun na nga, eh. Hindi pa lang talaga nga-yon,” paliwanag niya.

Balak na rin niyang magtayo ng isang spa bilang dagdag-business. At para ‘di na rin siya dumarayo sa ibang salon.

Sugod Shooting
By Marialuz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.