Rufa Mae Quinto, galit na galit kay MO Twister – Lolit Solis

NAKAKALOKA ITONG SI DJ Mo Twister, ha! Biglang binawi ang inilagay niya sa Twitter account niya na ang lalaking tinutukoy ni Rufa Mae na karelasyon niya ay si Cong. Mikey Arroyo raw.

Natakot bigla? Biglang binura sa Twitter niya ang update na iyon. Nag-sorry si Mo Twister sa Showbiz Central nu’ng Linggo at nung na-interview nga ito ng Startalk, humingi rin ito ng sorry kay Rufa Mae dahil sa ginawa niya.

Ang palusot nito, nabalitaan lang naman daw niya iyun sa internet at hinuhulaan daw doon na si Cong. Mikey itong sinasabing dyowa ni Rufa Mae na nagbigay sa kanya ng bahay sa Amerika.

Siyempre, may isyung hinaharap pa naman ngayon si Cong. Mikey tungkol sa mga bahay na nabili raw nito sa Amerika, pagkatapos sumabay pa itong kay Rufa Mae.

Sabi ni DJ Mo, sa dami nang pinagtampuhan nila ni Rufa Mae, ito raw ang aminado siyang pagkakamali niya. Kaya talagang humihingi ito ng paumanhin pati na rin kay Cong. Arroyo at sa First Family.

Tahimik na lang ngayon si Rufa Mae para hindi na siguro lumaki pa at baka lalo pang magkabukingan, ‘di ba?

Para nga makaiwas sa isyung iyun, hindi na sumipot si Rufa Mae sa Showbiz Central at halata talagang galit siya kay DJ Mo.

Tini-text yata siya ni DJ Mo pero dedma raw si Rufa Mae kaya hintayin na lang natin kung kailan sila magkaayos.

Bagets ng Stairway to Heaven, puring puri

PURING-PURI NG MGA press ang mga bagets na gumanap na young Dingdong Dantes, Rhian Ramos pati na sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad sa bagong telebabad ng GMA 7 na Stairway to Heaven.

Sa pagsisimula ng Stairway sa susunod na linggo, nakatutok muna tayo sa mga batang karakter na ginampanan nina Joshua Dionisio bilang young Cholo (Dingdong), Barbie Forteza bilang young Jodi (Rhian), si Joana Mae Tan bilang young Eunice (Glaiza) at si Jake Vargas bilang young Tristan (TJ).,

Talagang nakipagsabayan sila sa mga magagaling na beteranong artista gaya nina Jean Garcia, Sandy Andolong at Jestoni Alarcon.

Kaya tingin ko, madadala nila ang pilot episode ng Stairway dahil sa kanila pa lang, may kilig na sina Cholo at Jodi.

Nagtitilian nga raw ang mga fans nu’ng ipinalabas ito sa cinema premiere na ginanap sa SM Megamall nu’ng nakaraang Linggo.

Dramang-drama kasi itong Stairway to Heaven na iniyakan ko nang husto ang Koreanovela nito noon kaya dapat magagaling talaga silang umarte.

Nu’ng nagpa-presscon nga ito kamakalawa lang, meron silang maiksing drama doon sa press at talagang totohanang sinampal ni Jean si Rhian.

All-out kasi ang pagkakontrabida ni Jean dito na umaapi kay Rhian bilang Jodi kaya hanggang du’n sa presscon ay inapi niya nang husto.

Ang lakas ng sampal ni Jean na lumagapak sa mukha ni Rhian para maging katotohanan ang drama nila.

Kahit nga si Jean, nakaramdam din daw ng sakit sa kamay niya dahil napalakas ang sampal nito.

Okay lang naman daw iyun kay Rhian dahil kailangan para ma-feel din niya ang pagmamaltrato sa kanya ni Jean.

In fairness naman kina Dingdong at Rhian, mukhang bumagay na sila at nakikita mo na ang magic sa kanilang tambalan.

Pero maingat si Dingdong siyempre, at baka mag-react si Darna, lagot sila!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Rufa Mae Quinto, galit na galit kay MO Twister – Lolit Solis

  1. Umiyak si Marian. Kasi tumabi si Rhian sa kanya. Napansin ni Marian na talagang natural ang beauty ni Rhian. Mas maganda sa kanya. At saka walang cellulite ang hita ni Rhian. Ang kinis at ganda nang legs ni Rhian compared kay Mamita Marian.

  2. syempre naman lolit aminin mo na na bagay si rhian at dindong hinde sya bagay kay marian, wawa marian iiyak syempre mas bata si rhian di gaya ni marian sobra na sa jugjugjgujgujg

Leave a Reply

Your email address will not be published.